Hindi kaya kapre talaga ako?

7/14/2019 Japhet 0 Comments

Iginuhit ni Nuz Romero
Noong bata ako, naalala ko kung gaano ako namamangha sa dalawang baleteng nakatanim sa tapat ng tinitirahan namin. Lagi akong tinatakot ng mga matatanda na may nakatira daw doon, pero hindi nito napigilan ang kagustuhan kong tumambay at pagmasdan ang mga paru-paro at mga itim na insektong makikita mo lang kapag tinuklap mo ang mga dahon ng balete. May maliit na kanal na naghihiwalay sa kalsada at mga balete. Tuwing tatalon ako para makatawid sa kabila ay may pakiramdam akong tumatawid ako sa kabilang dimensyon kung saan may mga kakaibang nilalang akong makikita. 

"Tabi-tabi po" wika ko bago mamitas ng mga bulaklak ng santan na nasa gitna ng dalawang puno. Sisipsipin ko ang katas ng bulaklak bago ko ito gawing porselas, tapos saka ako mangunguha ng mga nakatiklop na dahon at titignan ang mga maiitim na insekto. Ang gaganda nila, para silang mga nakasuot ng mga makikinang na itim na damit at nagsasayawan sa ibabaw ng luntiang dahon ng balete. Ganito siguro ang pakiramdam ng mga kapre kaya madalas silang inilalarawang namamahinga sa malalaking puno at humihithit ng tabako. 

Kuwento nila mama sa amin noon, may nakita daw siyang isang anino ng batang maliit na naglalaro sa tabi ng aming kama. Inakala niya daw na ako yun, pero mahimbing akong natutulog sa tabi niya nang mangyari ang insidente. Ilang taon ang lumipas, lumipat kami ng bahay, tanghaling tapat noon at kumakain ang kapatid ko at si papa sa kusina. Nakahiga ako at pinagmamasdan ang mga ulap mula sa inaayos pang bubungan ng kwarto. May isang itim na anino ang tumalon sa akin. Sa takot ko ay pumunta ako sa kusina at sinumbong ang nangyari. Hindi naniwala sila papa. Nobyembre, kaming magkakapatid lang ang nasa bago naming bahay. Inaantay namin ang Magandang Gabi Bayan Halloween special sa TV. Inutusan ako ng panganay namin na magpinaw ng mga sinampay. Dinala ko ang mga damit sa kwarto. Tandang-tanda ko ang nakita ko. Isang malaking kamay ng tao na nagpupumilit pumasok sa maliit na butas ng bubong. Ang bahay namin na iyon ay nakasilong sa isang malaking puno ng acacia. Sabi ng mga matatanda doon ay may kapreng naninirahan sa puno. Alam ng punong acacia na iyon ang mga sikreto ko. Madalas kasi ako noong umakyat sa bubong para bumulong. 

Lumipas ang mga panahon, naghiwalay sila mama at papa. Nawala ang bahay. Nagpalipat-lipat kami ng tirahan, pero hindi nawala ang kagustuhan kong mapalibutan ng mga luntiang puno't halaman. Limang taon na ata o higit pa noong bumalik ako sa bahay na kinalakihan ko. Mas matanda pa ito sa akin. Ngayon, wala na ang mga balete sa tapat ng bahay. Wala na rin ang kanal at mga santan. Ang mga natira na lang ay mga birds of paradise at iba pang mga bagong halaman. Wala na rin ang mga insektong itim at mga paru-paro. Nagtataasan ang mga bahay, nagliliitan ang mga puno. Wala na ang kabilang dimensyon na mararating mo lang kung wala kang takot na mahulog sa kanal. Nakakatakot isipin na balang araw, mawawala na ang lahat ng alaala. Mamatay ang lahat ng misteryo at hiwaga. 

Mawawala ang mga kapre. Kung ganoon lang din, mas gugustuhin ko na lang mawala. 

0 comments:

Ayoko na dito :(

7/10/2019 Japhet 0 Comments

Hinga-hinga. Pasasaan pa't matatapos din ang lahat. Sa totoo lang pagod na ako. Kinakaya ko naman, salamat sa mga maskara ko. Ang hirap pala kapag hindi mo ma-articulate yung may bagay na gusto mong ipahayag sa mundo. Ang bigat. Akala ko kaya kong dalhin pero habang tumatagal lalo kong nararamdaman na nabubulok na ako. Pakiramdam ko wala akong boses sa sistemang kinapaplooban ko. Ang hirap. Hindi naman ako dapat nalulungkot pero heto ako't sinusubukan ilagay sa isang blog article yung putang inang nararamdaman ko. Sabi nila ipagdadasal nila ko, sinamahan ko pa sila sa pagdarasal para sa sarili ko pero walang dasal na makakapagbago sa lahat ng nangyari. Pagagaanin nito ang loob ko pero hindi nito maalis ang lahat. Sawa na ako sa magagandang salita. Walang totoo sa mundong ito. Pinapaikot lang tayo ng ligaya, pinapatakas ng pantasya, at pinaglalaruan ng hiwaga. Walang kagilagilalas na nilalang na hindi nakapaloob sa kwentong hindi inimbento o dinagdagan. Ayoko na dito sa totoo lang. Sawa na akong makakita ng mga taong nakikiusap para sa mga karapatang nararapat naman sa kanila. Pagod na ko. Ayoko na!

0 comments:

ANG GULO-GULO-GULO-GULO!

7/01/2019 Japhet 0 Comments

Hoy Japhet! Huwag ka na iiyak sa mga talks ulit kasi hindi nakaka-ganda at lalong-lalo na nakakabahala ang mental state mo. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin kanina. Gumising ako ng maaga para tumulong sa Community Meeting ng MMPride. Pagkatapos, tumakbo ako sa talk ng PANTAY kasi alam ko ang energy ng Youth at gusto kong tumulong. Willing ako mag-pagamit kahit sa anong organisasyon basta lang hindi ako mamatay na wala akong ginawa. Gusto ko din magkaroon ng malalim na pag-unawa sa pinagdadaanan ko. Kanina narinig ko yung pinag-uusapan ng katabi ko (Hello! Kung nababasa niyo!), sabi niya ang secret daw to genuine happiness ay pagiging grateful. Totoo naman, naging masaya naman ako noon, nakahanap ako ng work, nagawa yung mga bagay na gusto ko, naging complacent. Kahit alam kong may mali, sinubukan kong magbulag-bulagan at maging piping saksi sa lahat pero natalo ako ng kakatihan ng lalamunan ko. Sukang-suka na ako sa sistemang ito. Hindi ko matanggap na dahil sa pagiging grateful ko ay masyado na akong naging bersyon ng taong kinamumuhian ko. Noong nasa call center pa ako, sobrang naging resilient ako sa lahat ng bagay. Tinatanggap ko lahat kahit alam kong mali dahil grateful ako na hindi kagaya ng iba ay may trabaho ako. Wala akong paki-alam sa nararamdaman ng iba, basta ang mahalaga ay ako. Isang araw, habang rumaraket ay tinamaan ako ng lintek. Meron akong isang istoryang narinig na sobrang bumagabag sakin. Pakiramdam ko ay may kung anong barang ang istorya na yun dahil pilit nitong binuksan ang aking tenga para makinig pa sa mga kwento ng iba. Ang bigat sa loob na walang gawin pero sinabi ko sa sarili kong Pinoy ako! Resilient ito sa mga ganyang bagay. Normal sa akin ang abuso at patayan. Dumaan ulit ang mga panahon na wala akong ginawa hanggang sa umabot na ako sa ganito. Babalik at babalik parin pala ako sa lansangan. May katapusan kaya ang mga ito? Maaring sabihing oo, pero sa mga nakaranas ng pang-aabuso at naputulan na ng dila sa pakikibaka, para itong isang malaking bangungot.

Naka-upo ako ngayon sa loob ng opisina at hindi alam kung saan pupunta itong sinusulat ko pero gusto kong magsulat. Ito na lang kasi pakiramdam ko ang meron ako bukod sa maskarang araw-araw kong sinusuot.

Minsan iniisip ko, yung mga kagaya kaya talaga namin na nasa ibaba ay sincere na tinutulungan ng mga komunidad at mga organisasyong ito, or isa lamang kaming props, instrumento para masabi nilang they really care? Mali namang isipan ko sila ng mali kasi nakita ko namang ginagawa din nila yung best nila, pero bakit nga ba hindi tayo magtagpo-tagpo sa gitna?

Sobra yung drive ko sa pagtatapos ng 2nd quarter pero wala akong direksyon. Siguro prosesso itong kailangan kong maintindihan, wala pa ako dun, pero ah bahala na. Gawa lang ng gawa. Andiyan naman si Shanti Dope YEH!

0 comments:

Pagkatapos ng TEH Talks *2018 pa pala ito.

7/01/2019 Japhet 0 Comments

*Kanina nag-kakalkal akong mga kung ano-anong pinagsusulat ko noon nung makita ko itong love letter ko sa sarili ko. Ewan ko, love letter bang maitatawag ito? 2018 pa ito. Naalala ko ito yung umuwi akong umiiyak dahil pakiramdam ko hindi ako kabilang. Di ko makita tribe ko. Iniisip ko kung may hinahanap ba ako o sadyang nawawala talaga ako?

----------------------------

Dati, LGBTQI+ is only a label I put myself into. Masaya na akong masabing parte ako nung community through online. Keyboard warrior ng sangkabaklaan. Nakikibaka, nagrere-tweet, nagshishare para sa bayan, para sa mga bakla, para sa mga susunod na ako. Akala ko alam ko na ang lahat tungkol sa akin, sa karapatan ko, sa hinaing ng mga kagaya ko at sa makulay na mundo ng mga rainbows and unicorns. Akala ko... pero hindi pala.  

Kahapon umattend ako ng TEH Talks, isa siyang gathering for LGBTQI+ community na open to all. Doon ay magshishare ang mga speakers mula sa ibat-ibang field of expertise ng mga sarili nilang stories to show why Pride is Power. Si Samantha Lee na isang filmmaker ay nag-kwento tungkol sa kaniyang pursuit of representation in media. Si Maynilad COO Randy Estrallado naman eh nag-share ng struggles niya as a gay man in the corporate industry and how he overcome all those private sector shits. Si Mela Franco Habijan ay makulay na sinalaysay kung paano niya pinakawalan ang kaniyang inner Queen habang si Rajo Laurel naman ay nagkwento kung paano ang kaniyang confidence as a gay man lead him to where he is right now. Pagkatapos ng roughly 4 hours na talk, umalis ako sa venue na mabigat ang dibdib. Hindi ko nakita ang sarili ko sa ni-isa sa kanila. Hindi iyon ang istorya ko. Hindi iyon ang mga naging struggles ko. Biglang nag-rewind ang lahat sa akin. Biglang nanlambot ang tuhod, hindi ako mapakali, hindi ako makahinga. Ngayon ko lang naramdaman yung impact ng mga bagay na nangyari sa akin noon. Hindi naman ako ganito. Bakit kung kailan nag-immerse ako sa community dun ako nakaramdam ng lungkot. Siguro naumpog ako.

Hindi naman siguro ako nag-iisa. Marami pang kagaya ko. Gaya ni Samantha Lee, naisip ko sino kayang nagrerepresent sa mga kagaya ko? Bigla na lang akong naiyak. May mga tao bang kagaya ko? Para akong tangang ngumangawa sa gilid ng kalsada. Ang bigat. Ang bigat-bigat. Ako lang ang makakaintindi ng pinagdadaanan ko ngayon. Babush!

0 comments:

Kasal na si Janinay

6/09/2019 Japhet 0 Comments


Magkahawak kamay, sinabi ni Janinay kay Dada ang "I do" sa harap ng judge at naming mga kaibigan nila at pamilya. Naalala ko nung isang araw kausap ko si Janinay tinatanong ko siya kung excited na siya sa kasal niya. Sabi niya hindi daw dahil parang napaka-pilit na. Yung pakiramdam na ginawa niya na lang dahil kailangan, wala na raw surprise, wala na yung romance, gayun pa man daw masaya pa rin siya. Naisip ko, ganun kaya ang magiging pakiramdam ng mga tao kapag ikinasal sila sa ilalim ng Civil Partnership? Ooops! Di ko pala pwedeng gamitin ang terminong kasal kasi in real sense magkaiba yun. Karamihan ng benepisyo na makukuha ng dalawang taong ikinasal ay makukuha rin sa ilalim ng Civil Partnership, ang "ISA" sa mga pinagkaiba ay ang mga seremonya at taong magkakasal, pati na rin ang pension na makukuha in case may mategi sa mag-partner, pero di ako magdi-discuss nito sa inyo dahil ang talagang isinusulong ko ay pakinggan tayo ng senado at ipasa na ang SOGIE Equality Bill sa 18th congress, pero sa ibang blog na yan kasi ang gusto ko talaga i-chikka ay tungkol sa kasal ni Janinay. Naniniwala ako na maipapasa-batas ang SOGIESC pati na rin ang Same-sex marriage at divorce. Medyo mag-aantay lang pero willing to wait and werk mem! Anyway, balik sa kasal ni Janinay.

www.japhetonthego.com
DIMUNYO FRIENDS
Paalala nung judge na nagkasal kanila Janinay, huwag daw sana kami (friends and family) ang maging rason sa pagkasira ng kanilang pagsasama. Muntik akong humalakhak na parang demonyo tapos napatingin pa ako dun sa isa naming kaibigan na nung araw na yun ay nakadamit pang demonyo na si Kazanta Maria. Hindi na pala namin dapat isama si Janinay sa pag-sight seeing ng mga poging may abs. Hindi na pala dapat namin niyaya si Janinay sa white bird bar. Hindi na pala dapat namin siya inaasar sa mga lalaking FUBU material for her kasi kasal na siya. Kapag magsasaya pala kami dapat ang mga pag-usapan na namin ay pagko-cross stitch or paano mag-timpla ng kape para sa asawa. Focused pala na dapat kami sa kung paano paliligayahin ni Janinay si Dada dahil iyon ang ikagagalak ng Panginoon!

www.japhetonthego.com

Buti na lang iba sila Janinay at Dada. Matapos sa judge ay dumiretso kami sa bahay nila Janinay para kumain. Isa itong compound na binubuo ng kanilang mga family members at ilang borders. Pina-experience sa amin ni Janinay at Dada ang kanilang kakaibang pagsasama. Hindi sila kagaya ng ibang mga bagong kasal na may mga seremonya at kung ano-ano pa. Hindi rin sila nagpi-pretend na sweet sa harap ng camera. Si Janinay ay parang isang batang nagmumukmok at galit na pinagsisigawan si Dada dahil lang sa hindi niya gusto ang cake na binili nito. Si Dada ay nag-lagay ng anniversary tarp ng kaniyang grupo imbes na 10th anniversary tarpaulin nilang mag-asawa sa toldang itinayo nila sa kalsada. Gayunpaman, makikita mo kung gaano sila kasaya at kung gaano nila kamahal ang isat-isa dahil malaya nilang naipapahayag ang kanilang mga nararamdaman at kagustuhan sa buhay.


Napagtanto ko na ang tunay na masayang relasyon ay hindi naka-base sa mga patakarang idinikta ng lipunan o relihiyon. Mahalaga sa relasyon na alam niyo ang kabaliwan ng isat-isa at marealized niyo kung paano niyo ito tatanggapin hindi lang para sa ikabubuti ng mga bata (or family) pero pati na rin ng inyong mental health. Ayoko kaya ng mga toxic at pretentious na relasyon!

PS. Ako talaga ang ama ng baby niyo

www.japhetonthego.com

0 comments:

My Current Mood + Things to be thankful

6/06/2019 Japhet 0 Comments


Hey Guysh! Welcome back to me! Hindi talaga ako good sa introductions so maiintindihan ko kung ayaw mo na ipagpatuloy ang pag-babasa ng blog post kong ito, pero kung alam mo na,.. medyo bored ka... pagbigyan mo naman na ako. Ganito kasi yan, recently medyo down ako kasi affected ako sa mga nangyayari sa bansa natin. I know some of you may say na OA ako at pino-problema ko pa yung mga ganun bagay pero hindi ako pinapatulog nang pananahimik ko. Para akong nagkakaroon ng anxiety knowing na may magagawa naman ako pero mas pinili kong mag-milk tea. Okaya alam kong pwede ko namang tutulan pero mas pinili ko na lang mag-netflix and chill. Hindi nakakatulong sa estado ng mental health ko ang pananahimik. 

After nung May election, sobrang na-down talaga ako. Parang sabi ko dapat pala di na lang ako bumalik kasi parang walang pag-asa. Tapos ang dami pa nangyari na nakakaloka after nun, halimbawa na lang eh yung kay Cardema, yung parang timang na SWS poll tungkol sa Civil Partnership, tapos ngayon itong SOGIE bill na hindi naipasa sa 17th congress, nakakapanlumo! I'm sure pumapalakpak ang mga tenga nung mga homophobic kong facebook friends. Sini-celebrate nila ang kawalan ng equality sa bansa natin dahil mas mahalaga sakanila ang relihiyon. Ma-divide na at magunaw na ang mundo, makapatay na sila or what basta ang mahalaga sa kanila, makapunta sila ng langit. Kung ganun lang din palang mga klase ng tao ang makakasama ko sa langit mas gugustuhin ko na lang makasama ang mga aso ko. 

Gusto ko sila i-unfriend actually pero habang isa-isa ko silang inaalis sa sistema ko narealized ko yung itinuro sa akin ng bibliya na "Be with the sinners" haha! So hinayaan ko na lang yung mga dimunyu sa friend list ko. Bahala silang mairita sa mga sa tingin nilang kalokohan ko. I'm Beyonce Bitch! 

Inisip ko rin, ano bang kagandahan nitong pag-keep ko sa kanila as my FB friends kahit di naman sila kagandahan? WALA! Kaya nag-isip na lang ako ng mga magagandang bagay na nangyari despite the turmoil. 

Una, naisip ko na di man naipasa ang SOGIE Bill sa 17th congress, may 18th congress pa naman at I'm sure by then mas mulat na ang karamihan sa pang-aabuso, karahasan at diskriminasyon na nararanasan hindi lang ng mga LGBTQI+ people ngunit pati na rin ang mga indigenous people, PWDs etc. Hindi naman kasi limited ang SOGIE sa amin, para sa ating lahat ito.

Pangalawa, may mga naipasang batas naman na sobrang makakatulong sa atin habang iniintay natin ang SOGIE na maisabatas. Halimbawa eh yung Mental Health Act, kasi diba prone tayo sa mental health issues dahil naloloka tayo sa idinidikta ng mga commoners and their religion sa ating mga creative minds, ngayon alam na natin na may batas na sisisguruhin may access tayo sa services na kinakailangan natin para sa ating mental health.

Pangatlo, sa Expanded Maternity Leave Law, maaring i-allocate, ayon sa IRR, ang dagdag na 7 days sa iyong partner anuman ang kasarian nito. 

Pangapat, naisabatas na ang Safe Streets and Public Spaces Act kung saan mabibigyan ng kaparusahan ang sinong mambastos o mang-harass sa mga public spaces. Diba bongga?  

Panglima, dumarami na ang mga local governments na nagkakaroon ng mga Anti-Discrimination Ordinances na mas lalo pang magbibigay ng proteksyon sa ating mga LGBTQI+. Kung wala pang ganitong ordinance sa mga lugar niyo, you know what to do. (Update: Napag-alaman ko na wala palang kwenta ang mga ordinances kung walang IRR (Implementing Rules & Regulation), so bale may 24 cities na may ADO pero 2 lang ang may IRR, Cebu and Quezon City. Shuta this!

Sa mga nangyayaring ito at sa pag-lobo na rin ng mga taong hindi nakakaintindi sa atin, hindi ba't the more reason to fight for our rights? Ipahayag sa kanila na hindi naman tayo iba sa kanila at yung mga serbisyo at benepisyong ibinibigay sa kanila ng gobyerno ay deserve din natin.

Kaya ano pang hinihintay niyo? Tara na at sumama sa darating na #PRIDEMARCH2019 sa Marikina Sports Center (Hahaha Pangarap ko talaga maging Promodiser eh) at sabay-sabay nating iprotesta ang ating mga karapatan para sa pagkakapantay pantay at pag-ibig! YEEEES!

See you!

#JOTG

0 comments:

12 Hours Flight

5/24/2019 Japhet 1 Comments



Kung kumakain ka habang binabasa mo ito, tumigil ka muna at isiping mabuti "Kaya kong bang lunukin ang nginunguya ko ngayon kapag pinagpatuloy ko ang pagbabasa?" dahil kung hindi, you're in para sa isang nakasusulasok na treat. 

First time ko sumakay ng eroplano na may travel time na 12 hours. Usually kasi 3-6 hours lang ang mga biyahe ko kaya pwede kong sabihing hindi talaga ako prepared. Nagsimula lahat isang oras pagkatapos ng  flight crew mag served ng meal. Medyo excited ako kumain kasi inisip ko na mahaba-habang biyahe ito. I can say na I really took advantage of the services they offered siyempre sayang ang bayad diba? Ilang saglit lang, nakaramdam ako nang paghilab sa aking tiyan. Alam ko na may laman ang bawat paghilab na iyon at hindi basta hangin lang pero pinigilan ko ang aking nararamdaman. Hindi ko pa nararanasang tumae sa eroplano dahil una, ayaw ko at pangalawa, natatakot ako sa flush ng toilet ng mga eroplano. Para kasing may libo-libong boses na lumalabas sa inidoro kada-flush mo, parang boses ng mga yumaong humihingi nang saklolo.

Apat o Limang oras na ang nakalipas, nagising ako sa lakas ng turbulence. Nagsalita ang piloto pero wala ako sa sarili kaya hindi ko siya gaanong naintindihan. Basta ang alam ko ay sinasabihan niya kami na imaintain na naka-fasten ang sit belt. Itinaas ko yung window cover pero sobrang dilim at wala akong makita sa labas. Sa likod ko ay may nakakairitang baby na ngumangawa. Hindi ko talaga gusto ang mga bata. Sa screen ng maliit na monitor na nakakabit sa aming upuan nakikita ko na dumadaan ang eroplano namin sa pagitan ng India at Pakistan. Kamakailan lang ay napabalitang may mga flights na na-cancelled dahil sa tensyong nagaganap sa pagitan ng dalawang bansang ito. Minabuti kasi ng Pakistan na isara ang kanilang airspace dahil siguro baka paulanan sila ng missiles ng India. Di ko alam na may ganung kakayahan ang India na makipag digma. Bakit ba kasi may giyera? Kung iyon ay itinadhana ng Diyos para linisin ang sangkatauhan, tangina! Parang tanga lang. Matatanggap ko pa sana kung mga trahedyang gawa ng kalikasan pero gawa ng tao? Parang sira lang, pero kung iisipin mong mabuti, lahat naman ng kaguluhang nangyayari ngayon ay likha ng tao. Pakshet! Nakakahiya sa may lumikha ng sansinukob.

Kasabay nang pag-alog namin dahil sa turbulance ay ang walang tigil naman na pagkulo ng aking tiyan. Taeng-tae na talaga ako. Gustong-gusto ko na umilaw yung unfasten seat belt sign para makatakbo na ako sa lavatory. Ilang minuto pa ang lumipas at kumalma na ang buong eroplano. Hindi ko alam kung bakit pero naging kalmado rin aking tiyan. Hindi na ako umalis sa kinauupuan ko dahil halos lahat ay nagmamadaling mag banyo. Yung isang flight attendant nagsimulang magserve ng inumin. Pinili ko yung orange juice kasi gusto ko talagang matikman yun pero si ateng FA, grape juice ang ibinigay sakin. Wala ako sa mood makipag-talo lalong-lalo na dahil di naman ako kagalingan sa pag-iingles kaya tinanggap ko na lang- hindi masarap! Maasim! Hindi ata grape juice yun! Dali-dali ako tumayo, mabuti na lang at bakante ang dalawang upuan sa hilera ko kaya madali akong nakalabas. Medyo nahihilo ako nang makaupo ako sa inidoro. Bumulusok na parang binuksang gripo ang tae palabas sa aking pwet. Ang sarap sa pakiramdam pero talagang nahihilo ako. Nang maglilinis na ako, narealized ko na wala nga palang bidet ang mga cr sa eroplano. Ayoko ng tissue kahit pa napakaraming pagpipilian. Para kasing hindi malinis. Nandidiri ako, pero wala akong magawa. Pinili ko ang wet tissue, kumuha ako ng mga ilang piraso bago ipunas sa pwet. Naririnig ko na parang dumadami ang tao sa labas. Sinigurado kong naka-lock ang pinto baka mamaya kasi ay may biglang pumasok okaya sumingaw yung amoy ng tae ko. Nung feeling ko napunasan ko na ng maigi ang pwet ko gamit ang siguro ay 18 pieces na wet tissue ay tsaka ko flinush ang toilet. Nakakatakot talaga ang tunog ng bwakang inang flush, pero mas nakakatakot ang mga sumunod na pangyayari.

Hindi lumubog ang tae ko. Matatag itong dumikit sa gilid ng toilet kahit tatlong beses na akong nag-flush. Sobra akong pinagpapawisan sa kaba at dahil sa kaiisip na baka kung anong sabihin sa akin nung susunod na gagamit. Lumakas pa lalo ang ingay ng mga tao sa labas. Iniimagine ko na siguro ay may pila na doon. Tangina! Apat naman yung CR. Sa pagmamadali ay minabuti kong dakutin ang tae ko gamit ang sick sack. Nakakadiri! First time kong dakutin ang tae ko sa inidoro. Ang mas nakakadiri pa ay nung itatapon ko na ito sa basurahan. Paano kasi'y punong-puno ang basurahan ng mga tissue paper na only God knows kung saan pinagpupunas ng mga taong gumamit ng banyong iyon. Gamit ang aking kamay at lakas ng loob ay itinulak ko papasok ng basurahan ang sick sack na naglalaman ng tae ko, kasama ang mga tissue paper na again only God knows kung saan naipunas.

Habang naghuhugas ng kamay ay napansin kong nag-iiba ang tono ng ingay sa labas, parang silang biglang nagdadasal o alam mo yung mga nag-oorasyon? Ibat-ibang lenguwahe pero alam mong may pagkakapareho sa tono. Wala naman turbulance o kung anong dahilan para bigla silang magsipag-ganun. Inisip ko na lang na baka may kung anong pakulo yung airline na to para i-entertain yung mga passenger or may birthday tapos iba lang ang rehistro ng tunog dito sa loob.

Bago ko buksan ang pinto para lumabas, nag spray muna ako nung perfume nila na nakapatong sa sink. Ang bango, pero amoy bulaklak sa patay. Pag-pihit ko ng lock ay biglang tumigil yung ingay na parang mga nagdadasal. Naiwan yung tunog ng eroplano. Pagbukas ko ng pinto ay may nakaabang sa aking babae na matangkad. May ibinulong siya sa akin na biglang nagpatindig ng aking balahibo. Parang ayokong bumalik sa kinauupuan ko pero inusog niya ako at bigla siyang pumasok sa lavatory. Madilim ang buong eroplano pero kitang-kita kong nakatingin sa akin ang lahat ng pasahero. Sa kanilang mga labi ay mga nakakapangilabot na ngiti na ngayon ko lang nakita sa talambuhay ko.

Tangina nitong mga to, nag flush naman ako.


1 comments:

Snoe Beauty's Stink Positive! Instant Shower Spray Review

5/21/2019 Japhet 0 Comments


It's been a while since my last post, medyo under the weather kasi ako and if you're really following my blog, you know I'm on the lookout for a new fragrance na tatalo sa mah hart mah sol Blue Magic Garden Milk. Shuta kasing Blue Magic to eh, bigla-bigla na lang nagpi-phase out ng product, pero feeling ko partly responsible din ako kasi matagal kong isinekreto sa mundo na yun ang brand ng pabango ko. Everytime may nagtatanong ang laging sinasagot ko, "Ene ke be, febric cendetiener leng yen". HAHA! Pero kidding aside, nahirapan talaga ako mag-move on sakaniya. Feeling ko nga hanggang ngayon hindi parin ako contented sa mga perfumes na ginagamit ko, pero I want to share to you something. In my quest for better perfume, I stumble upon this holy grail of body spray. Ayoko kasi talaga ng mga strong smelling axe like body sprays. Gusto ko yung simple lang pero handa kang ipaglaban sa anumang hamon ng buhay. And I tell you this, mahirap makahanap ng mga ganyan. Lagi ako nagtatanong at nagtetest ng kung ano-ano sa mga malls, until Martin of www.martinjohnandrade.com (this is not a paid post haha!) made me try Snoe Beauty's Stink Positive Instant Shower Spray. Nung unang try ko sabi ko shuta ano to ba yan! but as it eases down into the surface of my skin, I feel relieved and happy. Haha! totoo promise, meron siyang cooling and relaxing feel. Hindi rin siya malagkit sa balat. After ilang araw, hinanap-hanap ko siya hanggang sa makita ko siya sa lagayan ni Martin ng mga for review products niya. Pasensya na Martin, but I decided na magnakaw ng ilang MLssss lang naman. 1 week ko na siyang ginagamit and I must say na napaka-dami niyang purpose. I used it as alternative sa deodorant kasi may tawas content siya at ginagamit ko rin siya pang spray sa closet. Minsan ayoko talaga mag-shampoo, OO na! Nakakadiri! Gusto ko kasi palabasin ang mga natural oils sa buhok ko so wala akong paki-alam sa nararamdaman niyo. Minsan triny ko ito sa buhok kong walang shampoo and I did not expect the result. Hahaha! Feeling ko nasa testimonial video ako ng O Shopping, yung palabas sa Channel 2. Pero seriously, ang bango ng buhok ko. Pwede kang tumira sa anit ko ng isang buong araw sa bango. At uulitin ko, hindi siya greasy or malagkit. I LOVE IT! Nakakatawa man sabihin pero literal kong iniispray yun kahit saan kapag naka-aamoy ako ng mabaho. Feeling ko nga pwede rin siya sa sasakyan okaya kapag may naamoy kang mabaho sa jeep, wisikan mo ng kaunti at siguradong tepok ang bantot sa Stink Positive ng Snoe Beauty. Hahaha! Lakas maka-ads no? huy! genuine ang review kong ito. Medyo pricey nga lang siya kasi nag-check ako sa website nila muntik na akong atakihin sa puso. Pero kung ako tatanungin mo, fair naman yung presyo niya sa quality nung product. Kung may rosemary or citronella scent nga lang ito baka ginamit ko rin to sa humidifier ko as alternative sa essential oils. 


Walang kyeme yan ah! Sobrang worth it niya kaya hihintayin kong matapos ni Martin ang review niya at magnanakaw ulit ako ng ilang MLssss. 

That's it for today! Labyows!

*Ang blog na ito ay gabay lamang, meron tayong free will, 

0 comments:

GAGGING: This Kween is roaming the Philippines in Fashuuun!

2/02/2019 Japhet 0 Comments

#JOTG

Category is Kween Organza Eleganza Realness and we are all shouting 10s! 10s! 10's! Across the board for facebook user Ren Nan as he changes the way we view travel photos. 

#JOTG

#JOTG

#JOTG

#JOTG

#JOTG

#JOTG

According to Ren Nan, he's been doing this since 2016. He started using his shawl as props for his photoshoot in Caramoan and continue slaying his every travel shoot since then.

#JOTG

Aside from his love for travel, what really inspired him is the reality show America's Next Top Model.

#JOTG

"Gusto ko lang ng isang magandang picture sa lugar na pinupuntahan ko so when I get older. Meron akong babalikan na magandang memory. "


What he does is not always everyone's cup-of-tea, Ren Nan still gets negative feedback from netizens but that's not stopping him from doing what he wants.

#JOTG


"Nakaka flattered. Nakakatuwa saka nakaka-inspire. Pero syempre may iilan na not so positive yung feedback.. Hahahahaha.. Kaya lately sa mga friends ko na lang naka-share yung pictures ko. Masaya na ako na masaya sila."


Ren Nan is grateful for every positive comments he receives and encourage everyone to just be happy with life.

#JOTG


"If it will make them happy, then push lang.... Naniniwala kasi ako na happiness is contagious eh.. Nakakapag pasaya ka if masaya ka. Life is short. Minsan it's up to us kung paano natin gagawing meaningful at makulay ang buhay natin. Who knows, baka mas maganda at mas creative pa ang pictures nila. Mas marami pa silang ma inspire at mapasaya."



#JOTG

If this doesn't inspire you to strut your pose and level up your next travel photos, then guuurrrl you need a life!

#JOTG


0 comments:

3D2N SAGADA Philippines Itinerary 2019

1/28/2019 Japhet 2 Comments


Hey guysh! Na experience niyo na ba ma in-love? Yung tipong you’ll go the distance just to be with the love of your life? Well I just did and I never expected it would be this good. Yiiiieeehhh! Hindi ko kayo tsina-charot ah. I’m not talking about a certain person kayo naman talaga. I’m talking about Sagada. Ok, sige not only Sagada, but the whole mountain province experience. It’s so special that I want to do it again and again. You can say it’s addiction, but for me it’s love. Kung pwede nga tumira na lang ako at mag-tanim ng gulay at mag-alaga ng hayop at aso I will AF! Kaso malabo pa sa ngayon, may mga responsibilidad tayong hindi natin basta-basta pwedeng iwanan sa punyetang siyudad. Kaya naman naisipan ko na bakit hindi na lang ako mag-organize ng sarili kong tour paakyat sa Sagada. Wala ako care kung wala akong kitain basta mabalik-balikan ko lang ang mga lugar na iyon. Pero siyempre hindi pwedeng basta travel keme lang ang gawin ko. Being a coordinator in Sagada is both an honor and responsibility. If I were to be your coordinator, I will use my voice to influence you (my guest) not to be an ASS when travelling to certain places in Sagada. I will also raise awareness... cheret! Basta I'll make sure na hindi lang kayo mag-eenjoy, matututo pa kayo, at ligtas ko kayong maibabalik sa Maynila. Ganyan! 

Here's my sample SAGADA itinerary, siyempre dalawang option ang ibibigay ko sa inyo, kasi ang mga itinerary na ito ay naka-depende sa kakayanan niyo bilang mga mortal. Karamihan sa mga nakasama ko sa Sagada, may malakas na pananalig kaya napagtatagumpayan namin ang itinerary, yung iba talagang sumusuko sa kalagitnaan. Huwag kayong ganun haha! 

OPTION 1: Marlboro Hills & Blue Soil Experience 2699 PHP





OPTION 2: Bomod Ok Falls and Fidelisan Rice Terraces Experience 2699 PHP



 

I'm sure may mga nakataas ang kilay sa itinerary kong ito. Nag-iisip ba kayo kung bakit wala ang Mt. Kiltepan tsenelyn na sumikat sa movie na 'That kember ng tadhana" (I forgot the name haha). Nasunog po kasi siya kaya temporary close pa siya sa publiko, but don't you fret dahil magsasawa kayo sa ulap, fog, at sariwang hangin sa Sagada. Hindi naman lahat cup-of-tea ang pamumundok at simpleng pamumuhay sa Sagada, pero I'm sure madedetoxify kayo sa lahat ng ka-toxican sa siyudad.

So if you want to travel with me (yeees!) I'am now opening my self for reservation. Haha! PM is the KEY! Nuks naman! Every THURSDAY night ang alis ng van to Sagada at SUNDAY night ang balik sa MNL. Pwede na kayo mag-pareserve ng March, April, May 2019

Open for group and joiners. Keri? For inquiries you may contact (02) 753 8810 or send an inquiry to https://www.facebook.com/japhetonthego/

PS 

Medyo pricey po kapag si Ante Kiki ang nirequest niyo shuta haha! :P 

2 comments:

HANAPIN ANG IYONG TONY LABRUSCA SA SAGADA

1/11/2019 Japhet 0 Comments


In my quest to be your certified kaladkarin guy (nuks) I decided na mag-coordinate ng isang trip to Sagada. Yaaas! Coordinator/Pornstar! Never say no! Kahit first time ko dun at wala talaga akong idea sa place, nag risk akong mag-primetime bida-bida. Matagal ko na gusto mag-punta sa Sagada pero kasi may something na pumipigil sa akin. Everytime na ayan na palagi na lang may bumubulong na "Shuta ka, darating ang panahon makakapunta ka diyan ng libre, wala kang gagastusin, gagamitin mo lang ang iyong skills at ganda card". So ayun na nga, kinontak ako ni Joela ( Joel De Guzman Travel & Tours) kung kaya ko and I said yes! Pagkatapos nun ayun na, nakilala ko na ang aking major guests at driver na si Mike. Expert si Mike sa Sagada kaya kampante akong nakatulog sa daan. Pagising ko, bumungad sakin ang mala-silent hill na lugar na ito.


Sabi ko sa sarili ko, puta ano ba itong pinasok ko? Pero hindi ako natatakot ah, excited ako ano ba! After breakfast nasilayan ko na ang Banaue Rice Terraces. Gusto kong gayahin yung pag-awit nila Ante Nora Aunor at Uncle Christopher De Leon sa movie nilang Banaue habang ginagawa nila ang mga hagdan-hagdang palayan kineme haha!



Isa sa mga nagpapahumaling sa akin sa Sagada ay si Eduardo Masferrre. Sobrang iniidolo ko siya sa pagkuha ng portrait pictures. Hindi ko alam kung paano niya napapalabas sa kaniyang mga litrato ang kaluluwa ng mga subjects niya.  Minsan ko ngang sinubukang kulayan ang mga litrato niya pero hindi ko alam kung nabigyan ko ito ng hustisya kaya hininto ko din iyon. Gustong-gusto kong bumaba sa Masferre Photographs house para makilala ang asawa niya. Sabi kasi nung nagmasahe sa amin dun, buhay pa daw ito at magiliw na tumatanggap ng bisita na gustong makinig sa kaniyang mga kwento. Gusto kong makinig ng kwento! Mahilig ako sa mga kwentong Pilipino at ang Sagada ay punong-puno nito.


Pangarap kong mailibing sa Sagada. Alam kong hindi ako qualified na ilibing sa mga hanging coffins dahil una, hindi ako taga-sagada at pangalawa, hindi naman ako maituturing na elder nila kung-sakali man pero pangarap kong mailibing doon. Kahit man lang maging puno ako ay ok na. May kakaibang pagmamahal kasi sa kalikasan ang karamihan sa mga taga-Sagada kaya kung magiging parte man ako ng kalikasan eh gugustuhin ko na doon. May kung anong excitement akong naramdaman nang malaman kong mayroon silang mga sacred trees. Para akong bata na nakikiusap sa tour guide namin na kahit man lang daanan namin ang isa sa mga iyon. Busog na busog ako sa kwento at kaalaman na alam kong hinding-hindi matutumbasan ng kahit magkanong salapi. TARUSH!


I love Fidelisan and the Bomod-ok falls! Kapag pupunta kayo dito, huwag kayong mahihiya na magtanong sa mga Tour Guides niyo, huwag puro selfie sa mga sunflowers at rice terraces kasi iilan lang naman ang ipopost mo -_-. Try to debunked your own understanding of their culture by asking them directly na hindi naman nakaka-offend. Isipin mo it's how you say it. *kindat *ting! May kakaibang kineme ang bawat body of waters na napupuntahan ko. By kineme I mean enerhiya haha! Pano ba naman kasi, after nang nakakalokang trekking eh sobrang nakaka-refresh yung tunog, hitsura, amoy, at lamig ng falls. As usual , breathtaking ang view at isa pang breathtaking ay yung pagiging sariwa ng mga gulay na kakainin niyo.


Pakiramdam ko 8 out of 10 nang nagpupunta sa Sagada ay either naghahanap ng pag-ibig or sinusubukang i-rekindle ang kanilang pagmamahalan. Ang ilan ay naghahanap ng kanilang magiging Tony Labrusca sa buhay. Mga shuta kayo! Well, di ko naman kayo masisisi. Iba ang dalang pag-ibig ng hangin sa Sagada. May kung anong erotic feeling ang namumuo sa mga gabing kay lamig at kahoy lamang ang pagitan ng mga... ay ano ba yan! Hahaha!


Aside sa mga sinabi ko, napakaraming maaring puntahan sa Sagada, hindi enough ang isang blog entry para i-chikka ko sa inyo. So ano pa ang hinihintay niyo! Book na kay Yowel Apostol on facebook ( https://www.facebook.com/joel.a.deguzman.73 ) para tapos na ang chikka! Kita-kits!  :D

0 comments:

WHITE BIRD BAR EXPERIENCE

1/09/2019 Japhet 0 Comments


Hello internet people! Today I'd like to share to you my Shuta-shuta friends and our adventure at White Bird Manila! By Shuta I mean "Shurt Taym" (shit corny!), kasi lagi na lang short ang mga oras namin kapag nagki kita-kita. Dahil dun, we always make sure na we spend our time wisely and yung talagang babaunin namin kahit saang lupalop pa kami ng mundo mapadpad. May pagaka-long distance ang relationship namin kasi lahat sila, maliban samin ni Abrylle, ay nagtatrabaho sa ibayong dagat. Anyway, yung mga nasa left-hand side mo yan si Abrylle yung babaeng bastos, ako (Gorg, Fab, Linda Evangelista Levs ganyan), si Ate Cums isa pang babaeng bastos. Sa Right-hand side mo naman ay si Boss Alfo yung magandang katawang lalaki na may gigantic na... brown bird na... laging nakaharap sa kanan haha! Yung nasa likod niya si Janice, hindi namin siya friend, sinubukan namin siya ibully kaso malakas ang pananmpalataya niya so talo kami, at si Tarah, ang babaeng demure pero experienced...sa lahat ng bagay. Mukha lang talagang inosente si Tarah pero expert siya sa...lahat. Kaya niya nga paandarin yung taxi na sinasakyan niya kahit ayaw sakaniya nung taxi driver eh. So ayan full cast na kami niyang gabing yan. Actually may ineexpect pa kaming humabol kaso missing in action ang drama so kebs na. Either may pinagtataguan or walang pera kahit sabi naman namin ay hindi problema yun dahil andiyan si Boss Alfo. Ano pa't naging boss namin siya at may malaking...sahod, kung pababayaan niya lang kami diba? 

Sa mga virgin pa ang pag-iisip gaya ko, ang White Bird ay isang gay bar...ay mali, 2019 na so dapat inclusive tayo, ...ay isang entertainment bar na may mga sumasayaw na white birds...big birds..brown big birds? Ah basta bar siya na may naghuhubad at Drag Performances ganyan. 

Sa totoo lang excited kami ni Abrylle for Ate Cums, kamamatay lang kasi ng asawa niya and gusto namin makitang masaya siya kahit saglit lang. Kaso naisip namin na baka mashookt yung dancer kapag sinabi naming "Kuya pasayahin mo siya kamamatay lang ng asawa niya." okaya "kuya wag ka na magpa-tip ah kamamatay lang ng asawa niya!". Mamaya sabihin nila and maging kayo na sympathy grabber kami para makalibre. Uy! Hindi kami ganun ah! May pera si Boss Alfo! Para maka-less kami ng gastos sinabi na lang namin na ikakasal si Janice bilang mukha naman siyang nakapag-handa, kaso isa pa palang kuripot yan si Janice so ang ending lugi si White Bird sa amin. Hindi kami gaanong napakinabangan ng mga ibong sumasayaw, front seat pa naman kami haha!

Actually, pangalawang beses na namin ni Abrylle at Ate Cums sa ganitong bar. Yung una, somewhere na nakakatakot, yung parang any moment mari-raid tapos lalabas kami sa TV na may mga towel sa ulo. Para kaming na-trauma nila Abrylle at Ate Cums nun pero pagdating sa office nare-enact naman namin so nailabas din namin yung frustration namin. Haha! Si Boss Alfo ang nagdala sa amin dun, as usual siya ang mastermind sa mga ganitong bagay. Isa yun sa mga dahilan bakit idol at love-na-love ko si Boss Alfo with brown bird on the side kahit matampuhin siya. Pero hindi ito yung kind of love na gaya nung mga ipinakita nung mga dati kong office mate sa kaniya ah. He's more of like a Grandmama to me. Kumpara dun sa una naming pinuntahan, malinis naman sa White Bird. Comfy ang mga seats, may yelo ang mga urinals at meron silang AQUARIUM! YES! Akala ko sa movies lang ako makakakita ng Aquarium ng mga hosto. Yung mga hosto ang puputi at kikinis, bigla ako nagkaroon ng existential crisis while watching them. Sabi ko sa sarili ko, bakit ba indi ako pinalaki nila mama at papa na parang isang hosto? Edi sana naisakatuparan ko yung pangarap kong maging SUPER PORN STAR OF THE WORLD!

Sa totoo lang hindi ko nagustuhan yung pagkain, pero hindi naman kasi yun ang ipinunta namin dun. Hahaha! Tsaka taco's and drinks lang inorder namin kasi nga tipidity.com to the max and drama namin. Kung entertainment naman ang pag-uusapan, we're solved AF! Haha! Aliw na aliw naman si Abrylle. Chini-cheer niya yung mga dancers at mega palakpak siya. Naiintindihan ko siya, minsan lang naman namin gawin yun and we wanted to create a friendly and live environment for us and our hostos. HAHA!

Kung pupunta ka dun, magbaon ka ng madaming pera, kasi nakakahiyang mag-explain sa kanila kapag lumapit sila sayo at wala ka mai-abot. Huwag niyo sabihin na "Sa boss ko na lang, malaki din yung... malaki yung sahod niya", okaya "Mahirap lang ako, pwede hug na lang kita?" kasi I tell you guysh sobrang nakakahiya. Hindi ibig sabihin sinabi ko yan ah! Sinasabi ko lang sa inyo, nakakhiya kasi. -_-  Magbigay din kayo ng tip sa mga hip-hop dancers at drag queens mahal mag-makeup at mahirap magpuyat para lang ma-entertain nila tayo shuta!  

0 comments:

BAGONG TAON AF!

1/09/2019 Japhet 0 Comments



Punyeta! Bagong taon nanaman. My kapitbahay's noise level is to the highest level nanaman hayuf! Hello internet people! It's me. I know it's been a while and yes po  buhay pa ako. Hindi na kayo nasanay sakin. May mga panahon talagang ang sipag ko dito o kaya naman sa youtube channel ko pero lately kasi ang blessed ko, super busy so I wan't to brag it here. Imagine, dumaan ang Pasko at ngayon bagong taon na hindi ako gumastos para mag-handa. Nabuhay ako sa mga tira-tirang pagkain mula sa mga party na inattendan ko at siyempre bigay ng mga taong nagmamahal sakin. Oo, madami nagmamahal sa akin so mamatay kayo sa inggit. Simple lang naman ang gusto ko sa buhay eh ang magkaroon ng sarili kong farm, bahay na may super security feature kung saan makaka-gala si mimi and noggy, at makapag-sulat ng libro at makagawa ng pelikula.  Yun lang, sobrang simple lang. Napansin ko nga, parang nung mga nakaraang taon pala, masyado ko minamadali ang lahat ng bagay, di ko tuloy na-appreciate ang process. Kaya ngayong 2019, sobrang wala na akong pakialam kung may ma-achieved man ako o wala. Basta gawa lang ng kung ano-ano putsa!

Yun lang! See you around byeeee!

PS Photo is only for attention at paki niyo ba? -_- 









0 comments: