Kalahating Tao, Kalahating Isda

2/21/2018 Japhet 0 Comments



Kapag nakakarinig tayo ng mga usapin tungkol sa mga nilalang na kalahating tao, kalahating isda, Sirena agad ang pumapasok sa ating isipan. Pero ibahin niyo ang kwento ko, dahil tungkol ito sa isa mga taong malaki ang impluwensya sa amin ng kapatid kong si Dech. Siya ay isa sa aking mga Tito, at sa post kong ito ay susubukan kong patototohanan ang mga kwento tungkol sa pagigi-niyang "Kalahating Tao, Kalahating Isda". 

Insert intense music. 

Itatago ko ang tito kong ito sa pangalang Horhe, yeah like Hodor. Kung sinusundan niyo ang mga blog post ko alam kong sa puntong ito ay masasabi niyong, may sa maligno ang pamilya ko pero if that's how you call families of high beings then so be it. I'd rather be maligno kesa commoners. 

Ang Tito Horhe ko ay isa sa mga kapatid ni mama na may kakaibang hilig sa pag-sisid. NO PUN INTENDED! My gosh ah your brains! Kapag tinanong mo siya kung ano na ang mga nasisid niya ay kinakailangan mong maglaan ng mga 2 hours dahil-dahil mahaba-habang usapan ito. Halimbawa:

TAO: Nakapunta ka na ba sa Palawan?
TITO HORHE: AH OO! NAKAPAG-DIVE NGA KAMI DOON AT...Insert Mathematic Equation, Algebra, Chemical tsutsu, Height Ek Ek, Physics at kung ano-ano pang nakakadugo ng ilong
TAO: *Sabog Utak

Minsan ko na nga siyang nakitang makipagtalo sa isang dive shop dahil lang sa diving suit, kesyo ang mga tao nga daw sa probinsya walang ganern-ganern, pero sabi niya hindi naman daw siya nakikipagtalo, ito ay isang malikhaing diskurso lang. Ewan ko ah pero feeling ko kasi yung kausap niya kukuha na ng itak. Dahil dun naamoy ko na ang lansang taglay ni tito (NO PUN INTENDED ULIT AH! NAKU!). Certified, lamang dagat!

Isa sa mga katangian na napansin ko sa mga Kalahating Tao, Kalahating Isda ay ang lakas ng kanilang mga boses. Siguro, yun ay dahil hindi sila nakakapag-salita na kagaya sa tao kapag nasa ilalim sila ng tubig kaya kapag may chance eh ilang decibels din ang nalilikha nila. Imagine this:

(CAPS LOCK = INTENSE)

TITO HORHE: ATE! (that's momah) SAAN MO GUSTO KUMAIN?
MAMA: AH IKAW BAHALA DAHIL IKAW NAMAN MAGBABAYAD
TITO HORHE: AH GANUN BA SIGE HANAP TAYO SA TAGAYTAY

Note! Mag-katabi lang sila sa sasakyan. Certified, lamang dagat!

Sa aking pagsasaliksik, napag-alaman ko rin na bukod sa lakas ng kanilang boses, ay may abilidad ang mga kalahating tao, kalahating isda na mang- hypnotise ng kanilang mga prey. Nasaksihan ko kung paano ito ginamit ni tito hindi para pumatay, kundi para lang kumain. Noong mga bata pa kasi kami nila Dech ay nasa gitna ng gubat ng Laguna ata yun o Quezon eh bigla kaming lahat nagutom. Huminto somewhere si Tito at may kinausap na kung sino and voila! Isa na kami sa mga invited sa kasalan ng kung sino man iyon. Ang mahalaga, nakakain kami ng masarap may buko salad pa.

Gaya ng ibang lamang dagat, mahilig si Tito Horhe kumain ng mga hilaw na isda. Sa katunayan, siya ang isa sa mga dahilan bakit sumama ang tingin ko sa sushi. Noong bata pa kasi ako, naisipan ni tito na kumain ng hilaw na isda na sinasawsaw niya sa di ko malaman kung anong pulang sauce iyon. Dahil sobrang curious, cute, at handsome ko noon eh naisipan kong tikman. Akala ko kukunin na ako ng langit dahil sa sobrang anghang, lansa at pangit ng lasa ng pagkaing iyon. Sabi niya healthy daw yun so hinayaan ko na siyang ubusin.

Finally, kapag sinubukan mong bisitahin ang facebook account ng Tito Horhe ko, marami kang makikitang picture niya na kung hindi nakalubog sa tubig dagat ay palagi siyang basa. Yun ata ang skin care routine niya. Si tito horhe ay umibig sa isang tao at nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng dalawang supling isang batang kalahating tao, kalahating paniki at kalahating tao, kalahating labanos.

0 comments:

Usapang Bastos

2/20/2018 Japhet 7 Comments


Minsan na akong nagtaka paano sa isang iglap eh nagiging bastos ang usapan, lalo na kapag kaibigan mong matalik ang kausap mo. Isang halimbawa na lang nito ay ang isa sa mga kinaiinisan kong babae sa mundo. Please see previous blog post for reference click HERE. Si Abrylle! Ang pokarla kong kaibigan na may taglay na kagandahang kaya bumighani ng mga bachelors at mga lalaking malaki ang......pangangatawan. Diba nakakaasar? Minsan na kasi kaming nag-usap tungkol sa hot air balloon na hindi namin alam bakit bigla na lang napunta kung saan. 

Me: Hoy pupunta ako hot air balloon sa sunday

Abrylle: Naku traffic dun! Masikip! Mahilig ka talaga sa masisikip!

Diba ang bastos?

Minsan nga kahit issue ng bansang Pilipinas ang pinag-uusapan namin eh nagiging batsos din. Here's our conversation featuring Metal Mouth Supreme Ate Cums:

Me: Sa panahon ngayon nakaka-stress na pag-usapan ang mga plano ng gobyerno!

Ate Cums: Oo nga sobra nakakainis lalo na yung kay....

Me: Oo yang si ano... naku yan...puki yan!

Abrylle: Puki pala edi patuwarin mo! Tapos ngudngurin mo!

Sobra talaga ang kabastusan.

May mga panahon nga na kahit simpleng gardening topic eh hindi napapalagpas halimbawa:

Usapang Bastos

Usapang Bastos

Usapang Bastos


Usapang Bastos


Guysh! Hindi talaga ako bastos eh siguro nahawa lang ako kay Abrylle. Please don't take this post against me.

Kung mapapansin niyo magulo talaga kami mag-usap kasi mga career people kami eh. Busy you know! We don't talk much about people. Yung mga usapan namin napaka- fruitful kasi laging nag-uusbong ng mga new ideas. Sabi kasi ng dati namin na Boss na may nakatabinging dragon sa gitna ng mga hita, people daw who talks about people are unsuccessful, eh ayaw naman namin maging ganun kaya puro ideas na lang pinag-uusapan namin. Siguro part ng pagiging creative ang pag-uusap ng bastos kaya palaging nauuwi sa ganun ang usapan namin. Siguro nagsisimula na kaming maging mga creative people na medyo bastos. Ok bye!

7 comments:

Taong Palaka sa Ilalim ng kama

2/18/2018 Japhet 0 Comments


May taong palaka raw sa ilalim ng kama ni Lola Rapunzel. Hindi ko alam kung dahil lang sa katandaan kaya kung ano-ano na ang nakikita niya, pero lumaki ako sa mga nakakatakot niyang kwento na alam ko sa sarili ko ay may konkretong (tama vah spelling?) basehan. Never ko maalala si Lola Rapunzel na sinabihan ako na "Wag ka diyan sige kakainin ka ng aswang" or "Kapag dumiretso ka maduduwende ka" dahil ang paraan ni Lola Rapunzel para takutin ako ay papakainin niya ako ng luto niyang meal tsaka siya magkukuwento ng mga hair raising stories na hanggang ngayon ay tandang-tanda ko pa. Ang mga kwento sa hapag kainan ni Lola Rapunzel ang talagang sobrang nag-influence sakin na kahiligang ang magbasa at manood ng mga horror stories.  

Sa edad niya ngayon ay di na siya madalas magkwento, hanggang sa isang araw ay chinikka niya kay mama na may batang palaka raw na nasa ilalim ng kaniyang kama at kinakalabit siya. Simula noon, ayaw na ni Lola Rapunzel na matulog mag-isa. Kilala ko si Lola Rapunzel na isang matapang na babae na minsan ng gumupit ng lawa ng tiktik na muntik ng lumamon kay Dech noong nasa tiyan pa siya ni mama. Minsan na rin niya akong muntik ng ihagis sa balon dahil sa galit niya sakin noong nagdala ako ng nahuli kong walo-walo (poisonous snake) sa Gumaca (I'm so great!). Basta matapang siya! Kaya naman laking gulat ko na malaman na ayaw ni Lola Rapunzel na matulog mag-isa. 

Nung una ay hindi ako naniniwala kaya minabuti ko na alamin. Dahil sa work, mawawala sila mama ng 2 araw kaya minabuti kong samahan si Lola Rapunzel. Doon ko natuklasan na mayroon nga siyang kinatatakutan na hindi namin nakikita. Ayaw ni Lola Rapunzel na matulog ako sa kwarto ko dahil ang sabi niya lang ay "mahirap na". Napansin ko rin na may kahoy sa ilalim ng kama niya kaya minabuti kong tanggalin pero sinaway niya ako. Sinubukan kong kulitin si Lola Rapunzel para mag-kwento siya tungkol sa taong palaka pero ayaw na niyang chumikka. Siguro inisip niya na mabuti pang wag na magsalita dahil sa panahon ngayon ay wala ng gustong makinig. Siguro inisip niya na sa panahon ngayon, ang mga ganitong kwento ay katutuwaan na lang ng iba kaya hindi na worth ikwento. Siguro inisip niya na wala ng gustong makinig. 

Isang hapon, dumating ang tito kong parang si Coco Martin ng probinsyano mag-salita (Nyammy!) dala ang kaniyang mga anak. Tuwang-tuwa si Lola Rapunzel. Hinihintay ko siyang mag-kwento lalo na sa bunsong anak ni Tito, pero natapos ang araw, hindi nag-kwento si Lola Rapunzel.  

Lola Rapunzel

0 comments:

VALENTINES SPECIAL: Si Mina at Jaime - BWAHAHAHA!

2/12/2018 Japhet 0 Comments



Matagal nang hiwalay si Mama at Papa at alam kong parehas na silang naka-moved on sa mga buhay nila. Alam kong maiimbyerna ang nanay ko kapag nabasa niya ito at maaring idemanda niya ako pero that’s life. Gusto ko lang kasi ishare sa inyo guysh yung isang tagpo sa serye ng hiwalayang Jaime at Mina, at ang pronunciation niyan ay “Hay-Me” not “Jay-Me” like most mamayang millennials will probably do. Itong tagpong ito talaga yung isa mga hindi ko malilimutan dahil isa ito sa mga talagang tingin ko eh gigimbal sa mga drama rama sa hapon. Pinamagatan ko ang tagpong itong "Adobo". 

So I was like YOLOing (hindi ito pagmamasturbate please!) in our house sa C5 when all of a sudden, may kumatok sa pinto. Pag-bukas ko ay laking gulat kong makita ang aking amang si Jaime with a huge plastic of chicken and pork adobo ingredients. Alam kong hindi na nila gustong makita ang isat-isa lalong-lalo na sa bahay pero ano ang laban ko sa isang plastic ng about to be CHICKEN PORK ADOBO? So I let Jaime enter the house and cook dahil love niya ang pagluluto at love ko ang pagkain. Ang saya-saya ko na maamoy ang kumukulong toyo na may paminta at dahon ng laurel. Para akong nasa isang masayang restaurant nang ihain sa akin ni Jaime ang Adobo, hanggang sa may isa nanamang katok akong narinig sa pinto. Hindi ako kinabahan sa puntong iyon dahil most probably that's just Dech. Pero mali ako. Pagbukas ni Jaime ng pinto ay bumungad sa kaniya ang pagod at nagngingitngit na si Mina. Pumasok si Mina sa loob ng bahay na naka-silent mode. Naunsiyame ang pagsubo ko ng isang kutsara ng mainit na kanin na may kasamang Chicken Pork Adobo na umuusok-usok pa. Silent mode parin, ay isinalampak ni Mina ang kaniyang bag, kumuha ng ilang gamit at sinabing, sa office na lang ako matutulog, sabay labas ng bahay. Sumunod si Jaime sa labas at naiwan ako at ang adobo sa loob ng bahay. 

Sa puntong iyon ay nilantakan ko ang adobo. 


0 comments:

Bakit ba may mga taong ungrateful?

2/01/2018 Japhet 1 Comments

Picture for attention only haha! Ganda ng pez ko dito eh
Naranasan mo na ba sa buhay mo na gumawa ng mabuti? Well, if you are about to ask me siyempre oo ang isasagot ko kahit may times na hindi talaga bukal sa loob ko ang ginagawa ko. Minsan required kasi...basta alam mo na yung mga ganung pagkakataon. 

May isang beses kasi sa buhay ko while I was going home from our shitty office in Mandaluyong eh naisipan ko gumawa ng mabuti. So I was standing in line sa terminal ng tricycle sa Guadalupe nang biglang out of the blue eh umulan. My gosh! Biglang nagdisperse ang mga tao at bilang laging handa ay inilabas ko ang maalamat kong payong ng Greenhills. Alam mo yung payong kapag nag-golf ka? Kung wala kang alam sa golf imagine mo na lang yung payong ng nagtitinda ng ice cream, hindi ganun, kasi mas maliit ng kaunti dun. Eh since si kuyang nasa harapan ko ay mukhang hindi magpapatinag sa ulan kahit sobrang wet na siya, as in wet na wet, eh dahan-dahan ko siyang ipinasukob sa malahigante kong payong. Ilang saglit lang ay bigla siyang nagtaka at wala ng pumapatak na tubig ulan sa kaniyang payatot na katawan. Lumingon siya sakin kaya sinuklian ko siya ng napaka-buti at ganda kong mga ngiti na hindi lumalabas ang ngipin. At ang hitad na si kuya ay bigla akong tinignan ng masama at lumabas sa silong ng maganda kong payong. Tangina niya! Napaka matapobre! Minsan na nga lang ako gumawa ng kabutihan sa buhay ko hindi niya pa ako binigyan ng chance! Sa galit ko sinahuran ko siya ng tubig ulan galing sa payong ko. Nyeta ka kuya.

The other day, malakas pa rin ang ulan at dala-dala ko pa rin ang mahiwagang payong papasok naman sa office. Nakakita ako ng matandang lalaki na may dalang stroller bag. Siguro ay papunta siya sa pwesto niya para magtinda. Maaga pa naman at hindi pa ako malilate sa opisina. Hindi ko siya pinasukob.

1 comments: