Duck Walk

1/31/2018 Japhet 0 Comments

Wala ako dito kasi am peymus
Kung isa ka sa mga Mamayang Millennials na nakatungtong sa mataas na paaralan kung saan ako nanggaling, I'm sure makaka-relate ka dito. Pero kung never ka na-late dahil pa-bibo kang estudyante, ang KJ mo shit ka! I'd like to share to you guysh a story that shaped a generation of millennials.  A story about pain and agony. 

Ito

ang

DuckWalk

sa Oval! val! val! val! val!... ang corny shet!

Yes, you've read it right! Isang araw kasi, naisipan ng mga teachers namin noong highschool na magbigay ng di malilimutang parusa para sa mga dumadaming bilang ng  late students. Sa kasamaang palad, isa ako sa mga estudyanteng na-apektuhan. Ang flag ceremony kasi sa amin ay usually nagsisimula ng 5:30 AM (syet hindi ako sure). Suwerte ka kapag nakarating ka na nagpapanatang makabayan pa lang dahil ibig sabihin hindi ka pa late. Pero kapag nagsimula ng magsipasukan ng nakapila ang mga estudyante ay kabahan ka na. Well, hindi naman sa pagmamayabang pero nasa higher section ako noong HighSchool kaya nauuna lagi ang section namin na pumasok sa loob, at malaking disadvantage siya para sa akin na laging nali-late. Gayunpaman, nakagawian ko na makipagkaibigan sa mga lower sections (wazzup) kaya kapag nakapasok na ang section namin ay nagagawan ko lagi ng paraan. Kaso, dumating ang araw na OA na ang pagka-late ko at hindi ako handa sa mga sumunod na pangyayari. Isa-isa kaming pinapila sa harap ng Oval (Oo! OLYPMPIC SIZE OVAL TANGINA) na punong-puno pa noon ng mga damo at talahib at saka pina-upo. Ang instructions, kailangan daw namin mag DUCK WALK pa-ikot sa kalahati ng puking inang olypmpic size oval na iyon. Hindi naman ako pressured dahil madami kaming sisintensyahan at kalahati lang naman yun ng olympic size oval hello! Ang masakit lang talaga sa loob ko eh yung fact na wala ni isa sa section namin ang present sa mga oras na iyon. Nagdadasal ako na wag sanang sumilip ang adviser ko dahil putcha nakakahiya talaga. 

Ang duck walk ay isang form of torture exercise kung saan maglalakad ka ng naka-squat, minsan nakalagay ang iyong mga kamay sa likod ng iyong ulo pero para kami ay parusahan sa amin, naisipan nilang ipayakap ang aming mga braso sa aming mga punyetang tuhod. Sa isip ko noong mga panahong iyon ay sisiw ito para sa fit and super hot na katulad ko, pero matapos kong maabot ang 5 feet ay plano ko ng ipatorjak ang mga teachers na nagpagawa sa amin nito. Kulang na lang ay isangla ko ang kaluluwa ko kay satanas para makaalis sa duck walk trail. Parang may biglang lalabas na malaking kapre sa loob ng mga hita ko. Unti-unti kong nararamdaman na napupunit ang mga virgin kong muscles. Wala pa sa kalahati ay parang susuko na ako pero may nakita akong classmate na magsisimula palang mag-duck walk. Sobrang saya sa feeling na makakita ng kadamay at kasama mong mag-eexplain kung bakit mali-late ka sa first subject, pero wala akong paki-alam sa kaniya dahil tangina kaniya-kaniya na ito. Minabuti kong madaliin ang pag-duck walk para makaalis sa trail na hindi niya nakikita. Tiniis ko ang sakit, hapdi, at pawis para lang hindi niya maabutan. Pagkatapos ng Duck Walk, nagawa pa ng teacher na sabihing wag na kami ulit malilate sabay kultap sa mala-pubic hair kong patilya dahil mahaba na raw. Akala ko pa naman ay makakarating ako sa classroom na walang mantsa ng punishment. 

Kinabukasan, minabuti kong hindi pumasok. 

0 comments:

Manananggal si Mama

1/30/2018 Japhet 0 Comments

Ang Manananggal kong Ina at tiyanak na si Dech. Yung maputing cute na baby na mukhang anak ng Afam ako yun, well.

Kung kinilabutan kayo sa kwento ko tungkol sa tunay na anyo ng aking Tita, feeling ko mas tatayo ang balahibo niyo sa susunod kong kwento. Bilang buhay pa naman ako matapos niyong mabasa ang nakaraang blog post, hindi na ako magdadalawang isip pa para isiwalat ang sikreto ng pamilya namin. To be more specific, ang sikreto sa likod ng aking manananggal na ina. 

Noong bata ako, naalala ko kung paano ako takutin ni mama para lang matulog. Ang ginagawa niya, tinatanggal niya ang kaniyang pustiso at sa isang iglap ay nagigi-siyang halimaw sa aking paningin. Tandang-tanda ko pa kung paano ako nag-ala Kris Aquino na hinahabol ni Lilia Cuntapay sa Pelikulang Shake Rattle and Roll na movie nang minsan niya akong takutin. Nagtago ako noon sa cabinet at kung hindi ako nagkakamali, kasama ko sa traumatic experience na ito ang kapatid ko na si +Clarissa  aka www.clumsyclariss.com (FREE PLUG). Akala ko ito ay isa lang sa mga scare tactics niya para turuan kami ng leksiyon. Ang di ko alam, isa na pala ito sa mga signs para isiwalat niya sa amin ang kaniyang tunay na anyo. 

Si mama ang panganay sa kanilang mga magkakapatid. Palagi niya sa aking proud na kinukuwento kung gaano siya laging lumiliban sa klase para mamimitas ng bulaklak at mag YOLO sa kanilang baryo. Si mama nga pala ang kauna-unahang YOLO girl mula sa Gumaca Quezon. Yan ang naisip kong call sign niya kapag pumasok siya ng Bahay ni Kuya, pero hindi ito nangyari. Minsan nga akong nakakita ng class picture niya noong grade school na hindi naman nakakapagtaka kung bakit siya wala, that is because I'm 100% sure na she's YOLOing with her kagubatan friends. Dahil sa kaniyang YOLO attitude, ilang beses si mama muntik ng mapaslang ni lolo. Gamit ang aking galing sa pagresearch ay natuklasan kong gumagamit siya ng kaniyang kapangyarihan para makapagtago. Ayon sa kuwento ni Lola Rapunzel, madalas daw na nawawala si mama at bigla nalang nakikitang nasa bayan o di kaya ay nasa taas ng puno. Hindi ko alam kung alam na ba ni lola rapunzel ang tungkol sa mga anyo ng kaniyang mga babaeng anak pero I'm sure minamarapat na lang niyang huwag itong ihayag para sa kanilang kapakanan. 

NOTE: Guysh ginagawa ko lang ito para malaman ng mga susunod na henerasyon ng pamilya namin ang katotohanan, don't judge me. I'd rather have an aswang, tikbalang, shokoy, sirena, kapre and mangkukulam in the family than spiderman, batman, Jedi ek ek and whatever man! 

Lumipas ang maraming taon at naisipan kong bumukod sa haligi ng aking ina. Sa isip ko, hindi rin naman siya madalas nauwi at alam ko rin naman na sa edad niyang iyon ay kailangan niya na rin ng privacy. Sa limang taong naka-bukod ako kay mama, napansin ko na may kakaiba sa kaniya. Dahil sa advent of technology (FACEBOOK whatever!) napansin ko lalo na mas napapadalas siyang napupunta sa ibat-ibang lugar sa maikling panahon, which I know hindi nagagawa ng mga normal. Napansin ko na ito nung bata ako dahil hindi ko maintindihan paano siya naging rescuer, nanay, estudyante, at entrepreneur ng ibat-ibang networking groups with power to 10th level. Akala ko sadyang magaling lang siya mag multi-task pero nagkamali ako. Napag-alaman kong may kakayahan si Mama na hatiin ang kaniyang katawan. Oo tama ang iniisip mo, gaya ng isang manananggal, dahil isa siya sa mga ito. Nung una ay hindi ko matanggap na maging isang anak ng manananggal pero Nanay ko siya at mahal ko siya no matter what they tell me, no matter what they say.

Kaya pala madalas wala si Mama tuwing gabi noong bata pa ako ay dahil marahil, kumakain siya ng mga yumao nilang narerescue. Kung paano siya nakakapunta sa isang location ng buo ang katawan ay marahil may reserba siyang kalahating katawan sa ibat-ibang sulok ng Pilipinas. Kapag inistalk niyo ang nanay ko (at your own risk) mapapansin niyong nalibot na ata niya ang buong Pilipinas maging ang ilang lupalop ng Asia.

Hindi ko alam kung ano ang magiging tingin ng mga tao kay mama matapos mabasa ng mga commoners ang post ko na ito. Aswang man o manananggal ay naging mabuting mamayan si Mama ng bansa. Madami siyang naiambag sa lipunan di gaya ng iba diyan pero marahil dahil sa kaniyang anyo ay itatakwil parin siya ng ilang mangmang na mamayang millennials. Sana dumating ang panahon na yakapin ng mga Pilipino ang lahing aswang. Naniniwala kasi ako na dito naka-ugat ang ilan sa mga hindi matatawarang istorya na sa ating bansa lang matatagpuan.


0 comments:

Trust Issues | Kung paano nasira ang aming muwang na isipan

1/29/2018 Japhet 2 Comments

japhet on the go

Isa sa mga dahilan kung bakit hirap ako mag-tiwala basta-basta sa mga tao ay dahil sa ginawa ng tito ko sa aming dalawa ng kapatid kong si dech. Itago na lang natin ang tito ko sa pangalang Tito Vamoy. Siya ang isa sa mga taong tinitingala namin na sumira ng aming pagtitiwala. Tandang tanda ko pa kung gaano kataas ang lagnat ni Dech noon (madalas siya lagnatin dahil lampayatot siya) at dahil presko sa taas kung saan nag-aaral si Tito Vamoy ay doon muna kami nag-stay. Laging inaasar ni Tito Vamoy si Dech dahil sa nakakatawa at mala-pucca nitong itsura. Kung di mo kilala si Pucca igoogle mo. Siya yung chinese na mukhang siopao na hawig ni chinchan. Pero hindi iyon ang pang asar sa kaniya ni tito. Lagi nitong tinutukso si Dech na pango dahil kumpara sa ilong niya na parang sa bumbay ay talaga namang parang magkaaway ang dalawang pisngi ng ilong ni Dech hanggang ngayon noon. Matapos mag-aral ni tito, naisipan na niyang simulan ang pag wasak sa aming inosenteng pagiisip. Tinanong niya kami kung alam ba namin kung paano gagaling si dech agad na sinagot naman namin ng hindi. Sabi niya, kapag inamoy daw ni dech ang kaniyang daliri na hindi namin alam kung saan nanggaling ay mawawala agad ang lagnat ni dech. Dahil alam naming matalino si tito ay agad naman kaming naniwala. Inamoy ni dech ang daliri ni tito. Ilang saglit pa ay biglang humagalpak sa tawa si tito at sinabing galing sa puwet niya ang daliri. Diring-diri kami parehas ni dech sa kaniya habang siya ay hindi na magkandaugaga sa katatawa dahil sa tagumpay na prank. 

Isa pa sa mga hindi matatawarang kasamaan na ginawa sa akin ni tito ay noong minsang kumakain kami ng santol at nalunok ko ang buto. Hindi alam ng inosente kong pag-iisip kung ano ang gagawin kaya madali niyang naisakatuparan ang kaniyang maitim na binabalak. Sinabi niya sa akin na tutubo ang santol sa aking ulo hanggang sa tuluyan na akong maging isang puno. Isang buong linggo kong sinubukang ilabas ang santol. Isang linggong ginalugad ko aking tae sa toilet pero ni minsan ay hindi ko ito nakita. Isang linggo ako nagplano kung ano ang gagawin kapag nagsimula na tumubo ang mga dahon at ugat sa aking katawan. Isang linggo akong nag-mukhang tanga dahil sa kasamaan ni tito vamoy.

Simula noon, hindi na agad ako basta-basta naniniwala... 

...at hindi gumaling si dech.

2 comments:

May Mangkukulam akong Tita!

1/27/2018 Japhet 0 Comments


Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin oras na malaman ng tita ko na isinawalat ko na ang kaniyang totoong anyo. Guysh! Kung hindi man ako makapag-sulat ng bagong entry sa mga susunod na araw, alam niyo na kung anong nangyari sa akin. Sana ay huwag niyong husgahan ang tita ko. Sadyang ayaw niya lang talagang pinaguusapan.

Lumaki ang Tita ko sa pangangalaga ng aking butihing lola na itago na lang natin sa pangalang Lola Rapunzel. Siya ang bunso sa kanilang pitong magkakapatid. Hindi gaya ng ibang bunso (tulad ko) sa Pilipinas na ginagawang utusan, taga-bili, at kung ano-ano pang pang-aalipusta, ang pagpapalaki sa aking tita ay kakaiba. Siya ang prinsesa ng Lola Rapunzel at kaniyang mga kapatid. Minsan ngang naikuwento ng aking ina sa akin, na si Tita ang paborito ng Lolo, at ngayon ko lang narealize kung bakit. May kakaiba at itinatagong kapangyarihan ang aking tita na sa buong pamilya ay siya lang ang nakakagawa. Itatago ko ang aking tita sa pangalang, Luningning. 

Si Tita Luningning ang isa sa mga tita ko na nagpalaki sa akin. Nasubaybayan ko ang mga ginagawa niya sa tuwing nagkakalagnat siya at biglang naghuhukay sa likod ng bahay dahil daw may nakalibing doong ginto pati na rin ang pagkatalo niya sa Miss South Cembo na nagmulat sa akin ng salitang Luto ang Labanan. Hindi ko alam noong mga panahon na iyon na ang nasasaksihan ko pala ay isang proseso na maglalagay sa kaniya sa katayuan niya ngayon bilang isang mangkukulam. 

Natuklasan ko ang lahat nang minsan niya akong imbitahin sa kaniyang bahay para magpa-litrato. Nang babayaran na niya ang aking serbisyo ay pinapasok niya ako sa isang nakapangingilabot na kuwartong punong-puno ng kaniyang hindi maipaliwanag na koleksiyon. Isang kwartong nababalot ng makukulay na bagay na may itinatagong kadiliman. Nangongolekta siya ng mga barbie at iba pang manika na may mga matang susundan ka saan ka man naroroon sa loob ng kuwarto. Mayroon din siyang malalaking sinulid na malamang sa malamang ay ginagamit niya upang makapanakit ng mga taong nanghuhusga sa kaniya, nangungutang, at minsan ay sinasabihan siyang langaw (That's a different story).


Noon ngang nakaraan Year End Party nila ay nabalitaan kong nagsa- anyong pusa daw ang aking tita. May mga patotoong picture na kumakalat sa facebook, kayo na ang humusga.

Hindi ba't nakakatakot talaga?
Habang sinusulat ko ang post na ito ay nag-message siya sa akin ng mga damit na tinahi niya para sa kaniyang mga barbie. Guysh! Kinikilabutan ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga susunod na araw pero lalakasan ko ang loob ko para lang ihayag ang katotohanan. Ayoko ng barbie, ew! 

0 comments:

Magaling Mang-inis ang Universe

1/26/2018 Japhet 0 Comments


japhetonthego

Have you ever experience rushing your way to work just to get in time? Lahat naman siguro tayo na-experience yan. Ang di ko lang talaga matanggap eh yung mga pagkakataong trip kang pag-tripan ng Universe. Kahapon kasi, may sobrang kakaibang nangyari sa akin. Gumising ako ng maaga para kumain at gumawa ng vlog (Hi Guysh, pluweesh vhishit mah Vlog www.youtube.com/juanhapito), oo ganun kalala ang mga pangangailangan ko kaya nagsisipag ako. Usually, 2 hours lang ang tinatagal ko dito kaya laking gulat ko na pag-tingin ko sa orasan ay 9:30AM na. Kapag kasi pumatak ang 10:31 sa office namin LATE KA NA at hindi pa ako naliligo at nag-aalmusal. Di naman ako ganung nag-worry kasi 5 minutes walk lang naman eh office na namin (I know right, I love my life). So dahil kampante ako, naisipan ko na mag-chill, mag-almusal, at maligo. Again, nagulat na lang ako pagkatapos ng lahat ay 10:15 na. Kumaripas ako ng takbo sa kwarto at nagbihis. Feeling ko nga walang 3 minutes bihis na ako pero pagtingin ko sa relo, 10:25 AM na! Tangina, ang bilis ng kabog ng puso ko. Ayokong ma-late sa office dahil bukod sa masisira ko ang napaka-ganda kong attendance record eh nakakahiya sa HR ko na malaman niyang late ako, to think na ilang tumbling lang ang bahay ko sa opisina. Pag-labas ko sa gate, tumawag agad ako ng tricycle dahil sa puntong ito eh every second counts na ang labanan. Ang estimate ko within 2-3 minutes naka log in na ako, pero sadyang mapag-biro ang universe. 10:28 AM na pero nasa loob pa rin ako ng tricycle at minumura sa loob ko ang hitad na ice cream truck sa di kalayuang elementary school na nakaharang sa daan. Dinamay ko na rin sa mga minumura ko ang mga politikong nangungurakot kaya hindi nag-improve ang dati na masikip na daan. Damay-damay na kaya sinama ko na rin ang mga unlimited na tricycle na bigla na lang nagsulputan sa area namin, na madami rin namang natulungang mamayan sa aming distrito, pero shit pa rin ang dami nila. 10:29 AM at minabuti ko na tumakbo na lang dahil natatanaw ko nanaman ang office. Bumulwak ang pawis sa buo kong katawan hanggang sa maka-pasok na ako sa loob ng opisina. Ang shocking dito, 10:27 AM pa lang. Nakalimutan kong advance pala ang relo ko. Paksyet!

0 comments:

Dear Watsons Philippines

1/25/2018 Japhet 2 Comments


Dear Watsons, 

Ako nga pala si Japhet pero malamang sa malamang eh hindi niyo ako kilala dahil isa lang akong simple pero hot na mamayan ng bansang Pilipinas. Mahal ko ang bayan ko at sinusubukan ko araw-araw na maging isang may pakinabang na mamayang millennial. Isa rin akong masugid niyong buyer lalo na ng buy 1 take 1 niyong body scrub and hand wash, pero may napansin ako. Sa halos 3 taon ko na bumibili sa inyo, nagsimula akong maurat sa dami ng naiipon kong basyo ng body scrub at hand wash. Yung iba pinaglagyan ko ng dishwashing soap at halos lahat sila nauwi sa dumpster dahil hindi naman sila magandang taniman ng mga helemen ke. My goodness! What if subukan niyo po naman kayang magbenta po ng mga pang refill po na packs para makatulong po tayo po na bawasan po ang lumalalang polusyon po sa bansa (gosh I’m feeling this). Watsons, isa ako sa mga mamayang millennials na naniniwala sa mga produkto niyong inyo talaga, so sana ay hindi niyo  ako biguin....po.

PS 

Baka naman po pwede niyo rin babaan yung presyo ng collagen facial mask niyo. Naadik na kasi ako. Baka lang naman...po...

Lubos Na Magalang,

Japhet

2 comments:

Salaming Nagsisinungaling

1/25/2018 Japhet 0 Comments

Japhetonthego

Nasubukan mo na bang tumingin sa salamin at sabihin na ang ganda ganda mo? Well honey,  I hate to burst your bubble, but you better think again. That is because all mirrors are not created equal. Ibig sabihin maaring di ka talaga maganda sa harap ng salamin mong sinungaling. Kung baga sa cellphone camera, na-beautify ka na. Kaya ko naman naisip mag-sulat ng tungkol dito eh dahil sa may napansin akong something sa lintek na salamin sa bahay. Nabili ko siya sa Ace Hardware way back 2016 ata, nabasag kasi ni Martin Rules yung napaka-ganda kong salamin na may banig sa likod, alam mo yung mga salamin na nilalako ng manong na may kalabaw, ganun. Kapag di ka naka-relate pangit ka. 

Habang nanalamin kasi ako napansin ko na parang syet tumaba man ako hot pa rin ako at kahit di ako mag-suklay iba pa rin ang dating ko. Pag labas ko sa bahay kung saan naka-park yung sasakyan ni Father, naisipan kong sipatin ulit ang reflection ko kasi ganun ko ka-mahal ang sarili ko, napansin ko ang isang malagim na katotohanan. Kamukha ko si Squidward na may bulbol sa ulo. Sa takot ko, muli akong bumalik  sa loob ng bahay at nag-ayos. Dun ko napansin ang masaklap na katotohanang, sinungaling ang salamin ko. 

Dahil dito, napilitan akong galugarin ang mga sulok ng internet para ibsan ang gulo sa aking isipan. Tangina, totoo nga, may mga salamin na ginawa para lokohin tayo. Para palawakin ang Blind Spot sa Johari Window ng ating buhay. Kaya kung mananalamin ka para sukatin ang confidence and self worth mo, look again. Maging mapanuri at mapagmatiyag. Never trust your mirror! 

0 comments:

Back Pain

1/25/2018 Japhet 0 Comments

Japhetonthego

Hindi ko alam kung anong malaking kasalanan ko sa katawan kong ito at O.A. kung sumakit ang likod ko. Minsan iniisip ko kung baka nagwowork out ako kapag tulog at bakit sa tuwing paggising ko eh hindi ako mag-kandaugaga sa sakit. Hindi naman din gumaganda ang katawan ko so negative na agad ang teoryang yan.

Naalala ko tuloy yung magazine na binili ng nanay ko noong highschool ako kung saan may isang article about sa back pain. Hindi dahil sa pag-sleep workout (if there's such thing) ang dahilan. Tangina, putsa anak ng tinapa, kung totoo man yun, hanggang ngayon eh natatakot pa rin ako. Yung article kasing yun may letter sender kunwari ang pakulo. Ang story ay kagaya sa nararamdaman ko. Nagpacheck up na daw siya sa doctor at kung ano-anong therapy ang pinagawa sa kaniya pero wala namang nangyari. Isang araw daw habang naglalakad siya eh may nakapansin sa kaniyang matanda at tinawag siya. Sabi sa kaniya ng matanda, may sumama daw sa kaniyang bata na nakapasan sa balikat niya. Nung una raw ay hindi siya naniniwala at binigyan ng sampung piso ang matanda dahil mukha itong pulubi, pero sobrang nag-sync daw sa isip niya ang mga sinabi nito. Kinagabihan bago siya matulog ay naisipan niyang magsalita na lang, "Baba ka muna, ang sakit na ng likod ko eh".  Laking gulat niya daw ng biglang gumaan ang kaniyang pakiramdam. Dali-dali siyang nag-unat at tumakbo palabas ng bahay, pero ilang saglit lang ay naramdaman niyang muli ang pagbigat ng kaniyang likuran. Minabuti ni letter sender na magpatingin sa albularyo at dun niya nalaman na may bata nga na sumampa sa kaniyang likuran na nagko-cause ng kaniyang back pain.

Highschool din ata ako nung ang puking inang Thailand film na shutter eh binuhay ang mga dating imahe na nasa imaginations ko lang. Buti na lang chaka ang execution ng film kaya hindi siya masyadong tumatak sa akin. Siguro mga 1 week lang, or 2 mga ganyan para masaya ka na.

Hindi naman sa sobrang natatakot ako pero kapag sumasakit ang likod ko at naiisip ko yun, santa maria ina ng awa hinding hindi ako mag-iisa sa CR. 

0 comments:

Problema sa Kapitbahay

1/24/2018 Japhet 2 Comments


Japhet On The Go

Kung merong world record sa pinaka mahabang panahon na pakikipagusap ng pasigaw, I’m sure maaawardan ng plaque itong kapitbahay ko. Ever since bata ako ganiyan na sila, naka-dalawa o tatlong henerasyon na siguro sa pamilya nila pero ganiyan pa rin sila. Minsan nga iniisip ko, hindi ba sila nagkakaroon ng sakit sa lalamunan? Sila ang alarm clock ko sa umaga. Pagpatak pa lang ng 7AM dilat na ang mga mata ko sa pagsita ni aling B sa panghi ng pader nila, kalat na ginawa ng aso nila, basang mga tsinelas atbp. Ibang klase rin ang anak niyang si D, dahil kapag patak ng 8AM eh pinapaliguan na niya ang isa sa kaniyang mga anak na isa ring may speaker sa larynx. Minsan ko na nga silang nasabihan pero mukhang ganun na talaga sila, kaya ini-enjoy ko na lang. Iniisip ko na lang na nakikinig ako ng radio drama kung saan bukas eh aabangan ko kung ano nanaman ang sisitahin ni aling B at paano sasawayin ni D ang kaniyang anak para mapaliguan. May mga supporting characters din na hindi magpapatalo sa award dahil iba ang level ng decibel impact. Sa sobrang aliw ko nga minsan ay sinasabayan ko na sila ng pagkanta gamit ang napaka (ehem) ganda kong tinig. Pag sapit ng 530PM, nag-iiba na ang programang hatid ng kapitbahay, lumilipat ang channel sa bandang harap ng bahay malapit sa gate. Chikka minute si Aling B kasama ang mga chumards at chupards ng asawa niya. Minsan usapang kuto, kabit ng asawa ni ganito, pampahaba ng buhok, bahay na binenta, minsan may obituary pa! Kung nagblog nga ang mga ito feeling ko isa sila sa mga top bloggers ngayon. Simula ng mag work, madalas naabutan ko sila Aling B and family tree sa labas ng bahay nila kapag nauwi ako. Minsan nagchichikahan lang sila habang kumakain ng tinapay pero madalas nagkukutuhan. Nakakatuwa silang panoorin kasi feeling ko nanunuod ako ng Philippine version ng Keeping Up with the Kardashian. Iniisip ko napaka payapa siguro ng buhay kung wala sila pero that wouldn’t make life interesting. Haha!

2 comments:

Kasal na si Dech

1/24/2018 Japhet 6 Comments

My Sisters Wedding

Sa mga hindi nakakaalam ng family tree ko, meron akong kapatid na ang tawag ko ay Dech. Hindi kasi ako aware na ang great grand mother ko ay Chinese dahil lakompake kung ako ang tatanungin. Dech derived from the term Ditse, which sabi ng nanay ko ay sa tsekwang term daw, ay second sister. Since aspiring influencer and trend setter na ako since 3 years old nag evolve ang term na yan from Ditse to Ditch (sounds better if pronounced with conviction) to Dech - na ngayon ay mas kilala sa tawag na www.clumsyclariss.com. Arte no? 

Si Dech ang pinaka-close kong kapatid dahil sa mga childhood memories namin na umugat na at nagi-naman talagang bukang bibig ng buong angkan. Halimbawa na lang eh nung NILAGLAG NIYA AKO SA KANAL at iniwan for ilang 10 hours ata yun (Nagbabase lang ako sa mga kwentuhan sa hapagkainan) hanggang sa makita na lang ako ng taong may mabuting loob na ngumangawa SA KANAL! Ang malala pa nito, umuwi siya ng bahay at walang pinagsabihan na kahit sino dahil I'm sure sa edad niyang yun, ang goal niya talaga ay ang iligpit ako. Hindi man niya naisakatuparan ang life goal niya eh nag-iwan naman ito ng matinding marka sa aking mukha. Oo, tinahi ang kilay ko at nagka-peklat dahil siguro sa lakas ng pagkakatapon niya sa akin SA KANAL! 

Dahil lumaki akong naririnig ang kwentong ito, hindi ako nagpatalo. Sa edad na lima ay nakaganti ako BIG TIME. Naglalaro kami noon ng luksong baka (if hindi mo alam kung ano yun, kawawa ka naman pangit) at nasa number 4 position na ako. Nung siya na ang tatalon, naisipan kong bumalik sa position number 2 dahil alam kong lampa si dech at di niya kaya lundagin ang ganun kataas na position. Kung iisipin mo nga, concern pa ako sa kaniya, hello! Dahil sa ginawa ko, lumagapak ang mukha ni Dech sa semento na nag-cause ng malalaking gasgas minor injuries sa surface ng face niya. Hindi pa rin maikukumpara sa pagtapon niya sa akin SA KANAL. 

Hindi naman puro sakitan ang mga memories naming dalawa dahil meron din kaming mga alaalang magkaramay kami sa hirap mula sa pang-aalipusta ng wicked witch naming panganay na si Velma. Isang araw kasi, galit na galit ang mangkukulam dahil sa hilig namin sa paglalaro kaya minarapat niyang sunugin ang mga paper dolls ni dech at pakuluaan ang mga goma ko. Magkasama kaming nakatitig sa apoy na umuupos ng aming pagkabata. 

Kinasal si Dech sa Norway at dahil mahal ang pamasahe at masyadong malamig, wala ni isa sa aming pamilya ang nakapunta. Gayun pa man, kebs lang naman yun kay Dech dahil ang purpose lang naman kapag nandun kami ay mapicturan siya ng maganda which I'm sure gustong gusto niya. Pangarap niya kasing maging mowdel kaso kinapos sa height. At bilang isang napaka-buting kapatid, naisipan kong gawan siya ng speech letter. Di ko alam kung yun yung tamang term pero di ba yung kapag may ikakasal yung mga family members kailangan mag-speech? Ito yung akin. Dech, para sayo ito.

Dech, kasal ka na. Wala ng balikan ito. Sabi nga ng mashoshondang Filipino, ang kasal ay hindi parang isang mainit na kanin na kapag napaso ka ay madali mong mailuluwa. So wala ng atrasan ito. Wawasakin na ng asawa mo ang hymen mo. Ginusto mo yan kaya tiisin mo. Go lang ng go todo na to sabi nga ni Rufa Mae Quinto na idol ko. Pero wag kang maniniwala sa kasabihang iyon dahil ikaw pa rin ang dapat magdadala sa sarili mo. Kahit kasal ka na, sana ay wag mo paring kakalimutan ang passion mo sa pagiging isang mowdel, writer, actress, singer, song-writer, and haciendera. Alam kong ambisosya tayo pero that's what we are. Huwag mong intindihin ang mga bashers. Tandaan mo ang sinabi ko sayo, kapag nakaramdam ka na tinatarantado ka, pakinggan mo ang first half ng album ng Lemonade ni Beyonce. Tapos patugtugin mo ng malakas ang "Don't Hurt Yourself" para sa mas effective result. Kapag di nakaramdam, gripuhan mo.

Feeling ko kapag talagang sinabi ko ito sa kasal ni dech ay bonggang ngangawa siya kasi napaka-babaw ng luha nun eh. One time nga nagulat ako dahil naabutan ko siyang umiiyak habang nanunuod ng isang comedy movie. Eh sobrang heart felt pa naman ng speech ko! My Gosh! Kung gusto niyong mas makilala ang kapatid ko, you may visit her napaka-pasosyal na blog at http://www.clumsyclariss.com/ <----- FREE PROMOTION

6 comments:

POST UNEMPLOYMENT DILEMMA

1/23/2018 Japhet 8 Comments

Post Unemployment Dilemma

2 years! 2 years akong walang trabaho simula ng maisipan kong tuparin ang life goals ko na by the age of 25 dapat unemployed na ako at rockstar in my own ways. Sa loob ng dalawang taon na iyon, roller coaster ang buhay ko. May panahong feeling ko ang yaman-yaman ko at bili ako ng bili ng kung ano-ano at may mga panahon namang kulang na lang ay mag-benta ako ng kidney para makabayad ng mga bills. Sa loob ng dalawang taon na yun, proud naman ako na wala ako natanggap na disconnection notice dahil plakado ang pagbabayad ko AHEM! Pero pagkatapos ata ng dalawang taon eh nakalimutan ko na kung paano makipag usap sa tao. 

Napansin ko na after two years para akong naging isang philosopher dahil sa kung ano-ano ang nasasabi ko sa mga kausap ko. Halimbawa:

TAO: Jap san masarap kumain?
JAPHET: Minsan ang batayan ng sarap ng pagkain ay naka-depende sa mga kasama mo.
TAO: Kahit Tae yung ulam?

TAO: Natatakot kasi ako dumaan dun baka maholdap ako
JAPHET: Takot ang madalas na dahilan kung bakit hindi tayo lumiligaya.
TAO: Pakamatay ka na Japhet

Minsan wala talagang connection bigla na lang ako nakakapagsalita sa kasama ko:

JAPHET: Ok din pala minsan ang maligaw ano? Andami mo nadidiscover na bagong routes.
TAO: Ulul pakyu! Late na tayo gago!

Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Dati ganito ako:

TAO: Jap san masarap kumain?
JAPHET: Sa kanal
TAO: Shatap!

TAO: Natatakot kasi ako dumaan dun baka maholdap ako.
JAPHET: Wala akong pakialam sa nararamdaman mo isoli mo DVD ko.
TAO: Pakamatay ka na Japhet

Hindi ko tuloy alam ngayon kung maganda ba ang naidulot sa akin ng pagiging unemployed at pagkukulong sa haligi ng internet para kumita ng pera sa loob ng 2 taon. Whatever it is, I don’t regret it. Haha! 

8 comments:

OFFICEMATES

1/22/2018 Japhet 16 Comments


Kung hindi ko pa ata idadamay ang mga dati kong mga officemates sa post na ito ay I'm sure na hindi nila babasahin ang blog ko. Madami kasi sa amin ang perfectionist pagdating sa grammar at sentence construction na talaga namang hindi ko itatanggi na mahina ako. Hello sinabi ko nga once sa isang customer na "The next available technician is no longer available" eh, tapos nagi na akong isang alamat sa call center spoof, what more pa kapag binasa nila ang blog ko. Baka ipagtayo na ako ng rebulto haha! Ngayong alam niyo na kung saan nanggagaling ang lakas ng loob ko para isulat ito, sasabihin ko naman sa inyo ang dahilan. Nagba-browse kasi ako ng youtube sa office (which isang bagay na bawal namin gawin sa dating opisina pero nagagawan ng paraan dahil anak kami ng diyos) nang biglang lumutang ang video na ginawa ko. Well, hindi ko naman idedeny, namimiss ko na talaga sila. Compare kasi sa bago kong work place na ibang-iba naman talaga ang kultura eh wala na atang tatalo sa mga kalokohan ko sa dati kong kumpanya. 

Namimiss ko si Ditay Istariray. Ang pangalan niya talaga ay Grinadel, pero famous siya sa tawag na Grindr. Oo, yung gay dating app, hindi sa dahil mukha siyang bakla or something pero mas tumatatak kasi kapag Grindr ang tawag namin. Imagine marinig mo lang sa mga nag-uusap yung app na iyon eh siya na agad ang maaalala mo. Naka- embed na ang itsura niya sa gay app na iyon kung baga. Yung Ditay naman eh nagmula yun nung minsang uhaw na uhaw at kating-kati na talaga ako gumawa ng sarili kong pelikula. Ramdam ko kasing may itinatagong talento itong kaibigan ko sa pag-arte. Yun nga lang medyo may ka-divahan siya dahil alam niya ang anggulo niya. Haha! Kilala rin ang babaeng ito sa tawag na Grinasour, Grinabel, Nadz, at marami pang iba. Naiintindihan ko kung bakit marami siyang pangalan. Ganun talaga kapag marami ka pinagtataguan. Ginawa ko rin yan minsan, kaya love na love ko talaga ang babaeng ito. 

Si Abrylle ang isa sa mga pinaka-magandang officemate na nakilala ko. Sa sobrang ganda niya nakakairita na. Nakakagalit na bakit may mga kagaya niyang nag-eexist sa mundo. Kapag may nagtatanong sa office na WHAT IS MAGANDA, siya agad ang nakikita. Punyeta! Pero hindi ako galit sa kaniya. Love na love namin siya kahit minsan ayaw namin siya kasama sa picture dahil alam niyo na. 

Si Ate Vhanny na ata ang most improved sa aming lahat. From dating Princess Sarah na nagbabalat ng patatas eh malapit na siya maging Porn Star sa kaseksihan. Hiyang siguro siya sa mga curry at roti ng mga kumars at kupards sa Malaysia. Ilang araw na nga lang kamumuhian ko na siya gaya ni Abrylle. Haha! 

Isa sa mga hindi ko makakalimutang tao sa opisina noon ay si Tiyo Andrew na nung nakilala ko ay katatapos lang pala mag-moved on sa isang RAKI relationship. Medyo mabigat ang hinaharap niya, I mean malaki ang...mabigat ang... ah basta. Mahirap i-explain. Umalis ako sa office na masaya pa siya pero nabalitaan ko na ilang araw lang ay wala na siya. Sumakabilang bakod na. 

Si Donna ang pinaka-cool na boss (sumisip-sip parin ako kasi galante to magpakain), na nakilala ko. Marunong kasi siyang ipagtanggol yung empleyado niya lalo na kapag nasa bingit na kami ng kamatayan dahil sa mga grim reapers sa office...sa mandaluyong...shit. Siya ang nag-inspire sa akin na maging isang magaling na entrepreneur. Malupet mag-sales talk ang boss ko. Feeling ko nga siya yung nag-imbento ng question na how will you describe the color red to a blind person eh. Lahat may paliwanag siya kaya wala kang excuse. Bawal ang I can't do it sa kaniya.

Si Boss Alfo, parang roller coaster ang relationship ko sa kaniya. Bukod kasi sa malaki ang...malaki ang...... Madrama kasi itong si Boss. Madaming pinagdadaanan sa buhay kaya lumaki ang... basta love ko siya. Hawig siya ni invader zim at meron siyang mabuting pusod. I mean puso, macho pa. Macho pa. Macho pa. TYPO :)

Si Ate Jho, she only lived once. Kaka-hire pa lang sa kaniya kinasal na agad siya. Siya ang babaeng YOLO at malupit na rakitera. Iniimagine ko nga noon, sa liit niyang iyon how can she handle her.... B....TIME. TIME ang gusto ko sabihin. 

Hindi mawawala ang philosopher kong kabaro na si Nash at Kuya Alvin. Mga haligi sila sa office which I'm sure meron din sa office niyo. No hindi sila mga guards, sila ang mga Dad Bod na kung kailangan mo ng words of wisdom eh kumatok ka lang. Problemang pag-ibig ba kamo? Itawag lang yan kay Kabarong Alvin at Nash masosolusyunan nila. Ituturo nila sa iyo ang tamang landas. Ipapakita nila sayo ang liwanag. Sa kanila ako kumukuha ng lakas ng loob na harapin ang mga pagsubok sa office noon. Sila ang Ex Battalion na magsasabi sayong "Hayaan Mo Sila". Si Kuya Alvin pala at ang kaniyang wife ay may brownies business na dahilan kung bakit kami maligaya every after lunch. Alam na!

Si Ate Cams ang Metal Mouth ng Pandacan Manila, tahimik lang siya pero wag mo iismallin ang katahimikang iyon dahil mas malupet pa siya sa malupet. Naalala ko kasi yung iilang araw na lang na itatagal namin sa luma naming opisina eh napagdesisyunan niyang manahimik at humarap lang sa screen ng PC niya. Akala namin kung ano na ang nangyari sa kaniya, yun pala eh nanunuod ng Cam Copy ng Fifty Shades of Grey. Panis lahat ng dapat mapanis kay ate cams. Partida, hindi pa namin makita kung nasaan ang kaliwang kamay niya. Malupet talaga eh. Lodi ikanga nila. Hindi basta basta magagawa ng kahit sinong empleyado ang ganung klaseng act. 

Si Ate Yodge na expert sa Microsoft Excel ay hindi nalalayo kay ate cams na isang alamat. Naalala ko nang minsang sabayan ko siya paguwi at naloka ako sa kagagahan niya dahil naglalakad siya ng mga ilang kilometrong layo para magmuni-muni at kumain ng kwek-kwek. Sobrang sarap ng kwek-kwek na ipinatikim niya sa akin. I KENAT! Silang dalawa ang standard sa pagiging single mom. Si ate cams hindi naman single pero wala siyang pakialam sa mga nararamdaman naming lahat.

Paano ko ba makakalimutan ang trainer kong si Cherry? Siya yung shiboling super sweet sa panlabas na anyo pero dimunyu in the inside. I love her so much dahil dun. Hello! Minsan lang ako sa buhay ko makakatagpo ng kagaya niya. Dahil kay Cherry bumabalik ang faith ko sa mga emotional singers. Promise iba talaga ang emotions na nilalabas niya mamatay man. Cross my heart hope you die. 

Kapag usapang pagkain, hindi mawawala ang mga luto ni Ate Roche ang Hello Kitty ng Mandaluyong City. Kahit simpleng pancit canton kaya niya paglasahing carbonara espeysal! Hanggang ngayon hindi parin ako nakaka-move on sa pinatikim niya sa aking California Maki. Kung saan saan na ako nagpunta para makatikim ng ganung lasa ng Maki pero iba talaga ang lasa ng Maki ni Ate Roche. Ibang-iba. Like yeah?!

Dahil usapang pagkain ito, hindi ko rin dapat isantabi ang mga alaala ni Kuya Patdu at ang kaniyang di matatawarang ninja skills sa pagtatago ng pagkain. Minsan na kasi kaming pinagbawalan na kumain sa loob ng opisina which I think is against our human rights haha! Kaya naman itong si Kuya Patdu ay naisipang mag ala naruto. Nakakapag pasok siya ng isang jumbo hotdog mula sa mini stop,  at kung ano-anong tsitsirya na I'm sure minsang inenjoy ni Abrylle.

Hindi mawawala sa opisina ang mga pagbabansag para lang makapag judge ng kapwa tao. Ganun kasi sila kasasama. Ewan ko ba sakanila paano nila naatim mang judge ng mga pangit at may mababahong buhok at kili-kili sa office. Pag-ganiyan kasi tahimik lang ako, like yah. You know me. I'm mabait. I cry.

Si Criso na may nakakapunit na...kamay? ang pangunahing suspek ko sa pang-aasar. Iniidolo ko siya sa mga subtle attack na ginagawa niya sa mga personalities namin inside the office. Kaya niyang sabihin sayong amoy 3 taon ka ng di naliligo na hindi ka masasaktan. Ganun siya kabangis. 

Kung balak mo namang magtayo ng negosyong tapsihan, meron kaming supplier sa office. Ang pangalan niya ay Ristian. Meron siyang tapa, tocino, atbp na proudly hand made. Marami siyang business ventures dahil marami din siyang sinusuportahan. Alam namin ang mga pangangailangan niya at bilang mabuting officemate napipilitan kaming bumili.

Dahil kay Beh at Boss Alfo una kong na-experience pumasok ng gay bar kasama sila Abrylle at Ate Cams. Di ko sure kung kasama din namin si Ate Vhanny nun dahil sa mga panahong iyon birheng maria pa siya. Si Beh ang nagparealize sa akin na ang kaunting kamunduhan ay hindi masama para sa mga taong kagaya ko na may mabubuting puso. HAHA! AS IF! 

Hindi naman nangingilid ang mga luha sa mata ko habang sinusulat ko to dahil kahit saan man ako mapunta eh masaya ako na naexperience ko sila at naexperience nila ako. Ew! Marami akong magagandang alaala kasama ang mga taong ito na I'm sure uugat sa mga kwentong gagawin ko sa pagdating ng tamang panahon. Sana masaya sila kung nasaan man sila dahil kahit ano pa man ang manyari sa mundo ay hinding hindi ko sila tatantanan. Bwahahaha!

16 comments:

A DETERGENT SOAP STORY!

1/21/2018 Japhet 0 Comments

A DETERGENT SOAP STORY

Minsan lang ako mahumaling sa isang produkto at kapag nangyari yun masasabi kong isa ako sa mga magiging loyal customer ng produktong yun. Wala pong brand deal sa post na ito, sadyang may punto lang talaga sa buhay ko na gusto ko ishare sa inyo ang mga bagay na kinaka-adikan ko. Wala naman sigurong masama kasi blog ko naman to. Haha! At kung tutuusin wala naman sigurong paki ang mega-heavy-giant-corporation sa mga sasabihin ko so kebs na. 

One time kasi bumili ako ng sabong panlaba sa Robinsons Galleria. Ewan ko ba kung bakit ko doon naisipang mamili ng panlaba eh taga Makati ako. Ang usual na brand ng sabong panlaba na binibili ko eh yung S____, pero sa paglaon ng panahon eh medyo nagmahal sila. Tapos napansin ko pa nung gumagamit na ako ng automatic na washing machine (kailangan talaga maisingit ko yan kasi pinaghirapan ko bilihin yun ano) ay parang totoo nga ang sinasabi ng other brands tungkol sa chalk. Andaming natitirang gramo sa lagayan ng sabon sa automatic washing machine ko (shit! I love saying that). So, I decided na magpalit ng brand. Pinili ko yung brand na inendorse ni Aling Susan Roces. Haha! Ang judgemental ng commercial na yun pero may bayag kaya go ako. Namimili pa ako sa ibat-ibang variants nila nung time na iyon pero may kung ano sa Violet na color na bigla ko siyang dinakma at nilagay sa cart ko. Sa totoo lang nauna ko kasing kunin yung Violet na Zonrox tapos naisipan kong cute kapag terno kaya Violet na rin ang kinuha ko. 

Fast forward sa bahay, sinalang ko na ang mga marurumi kong labahan sa aking automatic washing machine (SYET!) at naglaba. The usual lang naman ang ginawa ko, naglagay ng labahan, naglagay ng sabon tapos naghintay. The moment na tumunog na yung alarm nagmadali ako bumaba para hanguin na yung mga nalabhan. Pagka-bukas na pagka-bukas ko ng automatic washing machine ko, grabe, nabighani ako sa amoy ng Champion Sunny Fresh! Wala akong fab-con na nailagay pero putcha akala mo meron. Para akong nasa garden na maraming bulaklak sa bango. Naisipan kong labhan pati kobre kama at kumot ko kahit di pa madumi at iba talaga ang amoy! Nakatulog ako ng masarap dahil sa bango. Napanis ang ibang mga mamahaling brands sa sabon ni Aling Susan Roces. 

Sumunod na linggo, medyo na excite ako na mag-grocery dahil I'm really looking forward na mabili ang sabon na yun. Pumunta ako sa SM Aura bilang isa iyon sa mga pinakamalalapit na malls sa amin. Sa kamalas-malasan wala ang Champion Sunny Fresh doon. Sinubukan ko pumunta ng Market-Market pero tadhana nga naman at wala rin ang detergent na gusto ko. Lumipas ang ilang araw na nagtitiis ako sa ibat-ibang variants ng Champion Detergent at HINDI AKO MASAYA. Sinubukan kong bumalik sa Robinsons Galleria pero naglaho na siya. Pinatos ko na ang dalawang supermarket sa Guadalupe pero anak ng tokwang buhay ito, wala talaga. Ang meron lang ay yung tingi-tingi na sigurado naman akong lugi ako. 

Hanggang ngayon, hinahanap-hanap ko parin ang Champion Sunny Fresh na yan. Hindi ako makapag-hintay ng susunod na grocery schedule ko para makabili nito, pero para akong humihiling sa hangin kapag sinabi kong "Sana, sa susunod kong pagbili ay naroon na siya"

Siguro ang pagkahumaling kong ito ay isa sa mga signs ng maturity. Hindi ko alam kung ako lang ba o may ilan ding mga Millennials na gaya ko ang dumadaan sa ganitong pagsubok sa buhay. Ang alam ko lang ngayon, ay habang wala pa siya, kakayanin ko.




0 comments: