May nakita akong condom sa bubong

11/03/2018 Japhet 0 Comments


Kumatok yung kapit bahay namin kahapon at sinabing "Baka pwede pong patanggal nung damo sa may bakod niyo, andami po kasing higad". Bilang isang nagmamabuting kapitbahay eh nag-OK na ako, besides lagpas-lagpas na naman talaga yung halaman sa bakod at medyo madami ng tuyong dahon ang nalalag-lag sa kanila. Sinabi ko rin na "hindi po damo yan, THAT'S A WILD CUCUMBER! Mini-merienda kaya yan sa probinsya at madami yang nutritional benefits mga mang-mang! Jinudge niyo agad na damo hindi niyo pa nga natitikman, kung hinarvest niyo yung mga bunga eh di sana di na kayo gumagastos para sa pipino mga bobo!". Joke lang hindi ko sinabi yan. Isa akong mabuting anti-social na kapitbahay kaya minabuti ko na lang na manatili silang mga mang-mang. Siguro natatakot pa rin sila dahil isang araw eh may kapamilya daw silang itago na lang natin sa pangalang "Diniris" ang nagnanakaw sa amin ng kamias. 

KAMIAS TO HINDI ITO ANG WILD CUCUMBER
Ayun, isang linggo daw hindi nawala ang lagnat. Nung tinignan ng albularyo, napagalaman na siya daw ay diumano, "na-KAPRE"! Deym! Nasisi pa yung mga mabubuting nilalang sa likod ng bahay. So sa instructions daw ng albularyo, nakiusap sila sa amin na baka pwede daw nila itanim yung apat na bote na may dasal sa four corners ng buong bahay. Pumayog ang tito ko bilang isa kaming mabuting kapitbahay. Sabi daw ng albularyo "this will trap the kapre inside so it may never reach the victim again". Shuta! Nanahimik yung mga nilalang sa likod ng bahay namin! Bilang malakas ang pagku-kwentuhan ng mga kapitbahay namin na parang naka-public na daily vlog eh nakarating sa akin ang balita na gumaling daw si Diniris. Mahusay yung albularyo, pero curious ako sa kung ano ang nasa bote haha! Kinabukasan tinignan ko ang mga pinaglalagay nila at natuklasang wala lang, bote lang talaga siya na may papel at tubig. Nag-worry ako, may mga aso kasi kami at baka mamaya eh bigla na lang nilang pagdadamputin at laruan so bilang isang mabuting kapitbahay na may pagmamahal sa kaniyang mga aso ay naisipan kong kunin ang mga bote at itapon sa basurahan. Wala namang nangyaring masama kay Diniris. Nakikita ko nga sa labas lagi na nakatamabay at mukha naman siyang masaya sa buhay. 

So balik tayo wild cucumber, kanina minabuti ko na ngang gapasin yung mga lumalagpas sa bakod. Sabi ko "Shet sayang", so habang nag-gagapas eh kumakain din ako. Hindi pa naman din ako nag-aalmusal so ayos! Medyo may kataasan yung bakod na gawa sa wires, feeling ko meant talaga ni lolo na pagapangan yun ng mga halaman kaya lang KJ tong kapitbahay. Umakyat ako at gamit ang aking lakas at angking kagwapuhan ay tinanggal ko ang mga vines ng wild cucumber. Ok naman, wala namang higad, tsaka bakit sila nagwoworry sa higad eh bubong na nila to at kung may space man sila "OH MY GOSH!" may space sa likod nila na nadiscover ko na medyo nga nalalaglagan ng mga tuyong dahon ng majestic wild cucumber na gumagapang sa bakod. Maliit lang yung space na iyon na may mga tools like panghukay and pangpukpok and whats that thing that you use when you want to cut wood, ah! legere, charot! Haha! Aside dun, may nakita din akong isang paketeng unused condom na nakaipit somewhere (bubong) na hindi basta-basta makikita ng kung sino man. Hummmmm.... I smell something fishy! Gusto ko sanang mag-iwan ng note na nagsasabing "alam mo bang tumataas ang tsansang mabutas yang condom mo dahil na-eexpose siya sa extreme heat ng bubong na ito?", kaso isa akong mabuting kapitbahay at focused ako sa pag-gapas ng damo, I mean wild cucumber.  

0 comments:

RATED SPG | WADAPAKINGDAY!

8/18/2018 Japhet 0 Comments

Ang Pinaka Pak na Planner sa Balat ng Ganern!

Mapaglaro talaga ang punyetang tadhana. Alam mo yung may kaakibat na kamalasan ang swerte mo.  Hindi ko tuloy alam kung magiging masaya ba ako sa nangyari or kebs na lang. Kanina kasi, umattend ako sa TEAM MAG event na QUICKIE, short chikahan about queer stories on erotic art and social media. Medyo nakakabitin pero arte pa ba? Hindi madalas pag-usapan ang mga ganitong topics sa kinalakihan ko and I'm hungry for representations. Bihira ako maka-attend ng mga talks na no-holds-barred so winner sana kaya lang, may awkward thing na nangyari. 

Nagkita kami ni Gladish sa PBCOM tower around 2:00 PM. Ako lang talaga dapat ang pupunta dito kaya lang sadyang nag-align ang mga bituin para isama ko siya, besides isa siya sa mga kaibigan kong virgin pero hayok sa sex talks. May pinagdadaanan din kasi siya and she needs some wisdom so I really think a quickie sex talk is what's good for her. LOL! Nung malapit na kami sa venue, may isang guy na nag-approached sa amin who seemed in a hurry, "Excuse me, is this the venue for the quickie?". At the back of my mind, "Tangina, is he referring to Quickie the talk or yung Quickie tsuk-tsakan?". Mah gurl Gladish replied with her common conyo accent na nakaka-pressure "Em net shure eh, Jephet iz it here be?".  Hindi ko alam kung paano ako lelevel sa dalawang yun sa mga oras na iyon so sabi ko na lang ay magtanong kami sa guard. Buti na lang ay kapit-bahay lang ng building yung venue so hindi ko na kailangan makipag-usap kay kuya guy. One Gladish is enough for my english puta. 

Wala akong idea kung sino yung mga speakers kasi sa totoo lang, hindi ko talaga binasa yung program online. Wika nga kasi ng great philosopher na si Rufa Mae Quinto, Go-lang-nang-go! Woooooooooh! Yeah! After registration, ay nag-start na ang talk. Napansin kong nag-eenjoy si Gladish dahil tango siya nang tango sa mga sinasabi ng mga speakers at lagi siyang may side comments na "yeah like sanfkjaefjnfvye". Alam kong matalinong tao si Gladish, kaya minsan, kapag kasama ko siya ay alam kong hindi lahat ng bagay ay maiintindihan ko sa kaniya #RealFriendship. Natapos ang first panel of speakers at nag-decide kaming bumili ng frozen yogurt. Kung bakit frozen yogurt? Well hindi ko rin alam. Palabas sa venue ay hinawakan ako ng isa sa mga speakers sa kamay at sinabi niyang "Hi". Medyo nagulat ako, slightly questioned my existence, who am I to be approached by someone from the panel of speakers? Sumagot ako pero confused, "hello". FUCK! Bakit wala akong maalala! Hinintay kong kainin ako ng lupa pero lupa is not interested. Sinundan ko si Gladish. Ang rude ko tangina! Biglang nag-rehistro ang lahat-lahat sa aking utak. POTA! Eons (charot) ago, nakipag-kember ako kay kuya sir. Nakita ko pa nga yung mga early works niya na promising talaga. I'm happy for where he is now, pero ang I'm so ROAD with what I did. Chinika ko kay Gladish ang lahat, wala lang naman sa kaniya. Kaya masarap kwentuhan si Gladish eh kasi #GladishCares. Pagbalik namin, I tried na i-approach si  Kuya Sir, but nahiya na ako, besides madami na siya kausap. Sino ba naman ako diba? Isang hamak na kember lang naman ako #ShutaAngItawagMoSaAkin. Pero sadyang maharot ang tadhana, nakaupo kasi siya sa harap namin ni Gladish. I took the opportunity para sabihin sa kaniyang, "I'm so proud of you, siguro nido ang gatas mo dahil ang talas ng memory mo", pero I've become the most socially awkward person after kong magkaroon ng existential crisis. Pota! I tapped his back tapos nag-smile lang ako. Wala akong sinabi! Tumawa si Gladish, unti-unting bumuka ang kisame pero hindi niya ako kinuha! Even the kisame is not interested with my shuta life! 

Natapos ang talk na masaya ako at si Gladish dahil we're sexually armed with queer stories in the digital age, pero hindi pa tapos si tadhanang paglaruan ang aking buhay. Biglang nagpa-raffle si TEAM MAG. Gusto kong manalo dahil ang prize ay ang pinaka-pak na planner sa balat ng ganern na ila-launch sa August 21, 2018 sa Pineapple Lab! The first ever LGBT planner in history potah! Kaso may issue ako, bumulong ako kay Gladish. "Glad, baka manalo ako sa raffle, shit malalaman na niya yung pangalan ko". Ang ginamit ko kasing name noon ay ZEAN! Tangina ZEAN! Iniisip ko rin bakit ZEAN? Ang layo sa real name ko! Huhuhu! Tangina ko mapagpanggap! Impostor! Hayup! Sexy! Hot! 

"Huwag kang mag-alala, ako ang mabubunot" mayabang na bulong sa akin ni Gladish pabalik. 

Chumikka na muli ang host. Nagbigay ng mechanics, bumunot, nag-announced ng winner. Plakado at hindi pangalan ko ang tinawag. Masaya si ateng na tinawag na pumunta sa harapan at kinuha ang premyo. Muling bumunot si host, mabilis na tumibok ang puso ko, para akong natatae, naka-fingers crossed "shit wag ako" , tinawag ang pangalan ng winner, nakahinga ako ng maluwag.  Badtrip si Gladish na hindi siya ang tinawag. Nag-handa na akong umalis nang biglang "She already left", sabi ni ate gurl sa gilid ko. POTAH! Na-excite si Gladish, para akong masusuka. Muling bumunot si host ng winner. Tahimik ang lahat nang i-announce ang pangalan KO. Siguro sa isip nila, who the hell? Sa gitna ng katahimikan, sumigaw ang bitter na si Gladish "OH MY GOD!". Nagmadali akong lumapit para hindi na ulitin ni host ang pangalan ko at para kunin ang Pinaka-pak na planner sa balat ng ganern. Tangina mo tadhana!

Ang moral ng story ay maging totoo sa pag-awra, dahil kung hindi, hahayupin ka ni tadhana in the future. Fuck you tadhana and your family tree! #kemberresponsibly

0 comments:

Hindi nauubos ang luha

7/25/2018 Japhet 0 Comments

Nung araw na mawala si murphy, ilang beses kong pinigilang lumuha. Alam ko kasi sa sarili ko na dun ako magaling. Sabi ko it's about time na magamit ko ang abilidad ko na hindi umiyak sa mga sitwasyong kagaya nun, pero sadyang hindi ko kaya. 

Hanggang ngayon, patuloy na bumabalik sa aking isipan ang bawat sandaling kasama namin si Murphy. Ang pag-usog niya ng lamesa sa tuwing kakain kami, ang kaniyang bitch face kapag iihi siya sa balcony, ang walang habas niyang pagpapakamot sa pwet, ang araw-araw na struggle namin para lang maibaba at mai-akyat siya sa hagdan, ang panghuhuli niya ng ipis at daga sa labas na kahit anong gawin namin ay hindi namin mapigilan, ang cute na cute na pagkahol niya kapag kumakatok si lola, ang pag-dila at pagtabi niya lagi kay lola kahit naiinis na ito sa kaniya, ang paghihintay niya sa akin kapag nagpupunta ako sa CR, ang pagtabi niya sa paanan ko kapag matutulog, ang pag-sampa niya sa gilid ng kama para mang-gising, ang excited niyang mukha at galaw kapag may bago siyang damit, ang mga maliliit niyang binti, ang pag-liyad niya para magpakamot, ang kaniyang pag-upo, ang kaniyang matulis na ilong na lagi niyang ididikit sayo, at madami pang ibang bagay na na-experience namin sa pag-aalaga sa kaniya. 

Ilang araw na wala sa amin si Murphy pero hindi parin nauubos ang luha ko. Masakit na makita ang mga larawan niya, masakit na marinig na pinag-uusapan siya. Hindi ko alam kung iyon ang paraan ng mga tao para maka-moved on sa pagkawala ng isang minamahal, pero ayoko mag-moved on kay Murphy. Ayokong mawala siya sa alaala ko, ayokong hindi siya maisip sa tuwing babangon ako, ayokong hindi siya makita sa mga panaginip ko. Ayoko mawala si Murphy. 


0 comments:

Goodbye Favorite Perfume :(

6/27/2018 Japhet 1 Comments


garden Milk Perfume Blue Magic

Opisyal na hindi na magpo-produce ang Blue Magic ng paborito kong pabango. Ang sakit-sakit! Alam mo yung pakiramdam mo noong bata ka at ayaw mong pumasok ng school pero pinipilit ka ng  mga magulang mo. Tapos nasa gitna ka ng classroom napapalibutan ng mga batang pabibo at hindi mo kilala, makikita mo yung mga magulang nila sumisilip sa bintana, pero yung iyo, ayun pumasok na sa trabaho. Ganun yung pakiramdam. Ang bigat sa dibdib shuta!

Gumuho ang mundo ko.
Nung isang buwan pa ako naghahanap sa pinaka-malapit na Blue Magic store ng Garden Milk Perfume. Paborito ko talaga ang pabango na ito since 2003 ata or 2005 at para sa akin ay wala siyang katulad. Madami-dami na rin akong na-impluwensyahan na gumamit nito at minsan nga sinasabi nila sa akin na kapag naamoy nila ang amoy na iyon, alam nilang nandun ako. Nuks! Parang multo no? Haha! Ang amoy ng Garden Milk ay parang isang yakap ng isang ina. Pakiramdam ko, bawat damit na inisprayan ko nito ay maiging nilabhan na may purong pagmamahal. Kahit gaano ako kapawisan ay nanatili akong amoy fresh at bagong ligo. Kaya ganun na lang kalaki ang pagmamahal ko sa Garden Milk. Pero ngayong taong ito napagdesisyonan ni Blue Magic na wakasan ang buhay ni Garden Milk. Hindi na sila magpo-produce nito. Hindi ko na muling makikita ang cute na baby na napapalibutan ng hydrangea flowers. Hindi ko na muling malalanghap ang amoy ng pagmamahal. 

Garden Milk Perfume Blue Magic

Hindi ko alam kung ang munting tinig kong ito ay maririnig ng management ng Blue Magic. Sino ba naman kasi ako? Isang hamak lang akong mamimili sa milyon-milyon nilang customers sa buong bansa. Isang hamak na nag-eedit ng videos para mabuhay. Isang hamak na youtuber na wala naman gaanong nanunuod ng videos. Isang hamak na blogger na wala naman masyadong nag-babasa ng blog. Isang hamak na dreamer na balang araw ay nagnanais na makagawa ng sarili niyang pelikula. Ay iba na sorry! Haha! 

Anyway, Garden Milk Baby Labs, your scent will be forever in mah hart and mah sol!

1 comments:

BAKA PUWEDE PA

6/05/2018 Japhet 0 Comments



Madalas kong sinasabi sa sarili ko na baka puwede pa,
baka kaya pang ayusin,
baka hindi pa huli ang lahat,
hanggang sa umabot ako sa ganito - 
Manhid, walang pakiramdam, 
walang pakialam sa nararamdaman ninuman. 
Nagloko, nanakit, naki-apid. 
Sa huli siya ang sumuko.
Natapos ang dapat tapusin, ako ang naging masama.
Ako ang luhaang nagtatago sa ngiti ng aking mga labi. 
Ako ang sugatan na nakatago sa anyo ng isang halimaw.
Ang aking puso wariy hindi matitibag 
ngunit nalulusaw sa kaniya... 
...sa kanilang mga salita. 
Umabot ako sa puntong ang paglaya ay naging kasing kahulugan ng pagtakas,
palayo sa iyong sarili, palayo sa tunay mong kahulugan ng paglaya.

Kung tatanungin mo ako kung bakit pa ako naririto,
iyon ay dahil sa dugong nananalaytay sa aking katawan.
Sa hangin na hindi ako iniwan.
Sa pag-iisip ng pag-asa, na baka puwede pa,
baka kaya pang ayusin,
baka hindi pa huli ang lahat...   



0 comments:

AYOKO MAGKA-ANAK!!!

5/18/2018 Japhet 0 Comments

I know, I know! Noon sinasabi ko sa mga post ko sa Facebook na if someone is planning to have an abortion, they can leave the baby on my doorstep, pero pakshet kayo! Paano niyo magagawa yun. Anyway, ang issue ko ay ito, may inadopt akong aso. WARNING! Ang mga susunod na litrato ay di mo keri, so kung mahina ang sikumura mo, tsupi heeennnyyy!



Sobrang love ko siya dahil sa liit niyang yun ipinagtatanggol niya ako sa tito kong kalahating tao kalahating isda (read here) everytime na hinaharass ako (hahaha! charing lang yung harass ayaw lang talaga ng dog ko na sinusuntok ako kahit laro lang). Ang pangalan niya ay Murphy. I know, I know! Murphy ang ipinangalan sa kaniya ng kaniyang first family and alam kong important yun para sa kaniya so hindi ko na binago. 3rd "furmily" na ako ni Murphy and I can't explain how much I love her. Yung tipong kahit nakakabanas ang kalikutan niya ay hindi mo magawang magalit sa kaniya. Kaya sobra na lang ang pag-aalala ko nang makipag sagupaan siya sa labrador kong si mimi.

Para sa kalaaman niyo guysh, si Murphy ay isang dachshund  dachs·hund - ganyan i-pronounce hindi dashund! so bale short legged siya at mahaba ang katawan, compared sa Labrador breeds na higante pero malambing. Nagkataon na magkaka-period na si Mimi (cute name for a gentle giant huh?) at may pagka-moody siya ng mangyari ang hindi ko inaasahang bloodiest battle ever. Mabilis ang lahat ng pangyayari. Nagulat na lang ako na sinakmal na ni mimi at walang humpay na winawag-wag si murphy. Isang daang porsyentong lakas ang ibinigay ko para mapaghiwalay ang dalawa pero huli na ang lahat. Wak-wak na si Murphy. Akala ko nga katapusan na niya.

Magkabilaan yan -_-
Bonggang bongga ang mga tahing tinamo niya sa vet at mukha na siyang longganisa pagkatapos. Kinailangan kong tumakas sa office para i-interogate ang vet na maghahandle kay murphy. Kasi siyempre diba, hindi pwedeng ganun-ganun na lang. Kailangan kong malaman ang mga bagay bagay bago niya wakwakin si murphy. Ang una kong tanong which I know kayo rin ay mga magkano kaya ang aabutin ng operation? Ang sabi niya, magprepare daw ako ng around 7k pero siyempre bukod pa dun ang gamot, anaesthesia, blood test, at kung ano-ano pa. So mga magkano talaga? Prepare ka 10k ganyan kasi siyempre kailangan mo mag ready para sa post surgery care. Pero ano ba naman ang pera kapalit ng buhay? Kapag stress ka? Tumingin ka lang kay murphy mawawala ang pagod mo. Hayaan ko na lumipad ang pinaghirapan ko, besides kaya naman ako nagtatrabaho eh para may maipakain sa kanila. Oo, nilulutuan ng pagkain ang mga aso ko. Alam ko maraming nagugutom na tao sa mundo, pero nagugutom rin sila!



So ayun na, tinorjak na ng vet si murphy. May mga laman at balat na kailangan alisin dahil talagang wakwak na. Matapos ang operation, hilo-hilo si Murphy. Walang alarm-alarm ang peg niya na parang nagising sa isang masamang bangungot. Iyak siya ng iyak dahil siguro lahat sa kaniya masakit. Ikaw ba naman kayurin at tanggalan ng kung ano-ano diba? Nakakadurog ng puso! Sa puntong iyon, sinabi ko sa sarili ko na syet! AYOKO MAGKA-ANAK! AYOKO! Dahil kung magkakaroon ako ng anak at may mangyaring masama sa kaniya ay hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko. Narealized ko na  ganun pala! So kids kung may plano kayong gumawa ng masama, make sure na kaaway niyo at di kayo ang pupulutin sa ospital dahil shit kayo! Mahirap sa puso at bulsa! 


Sa mga oras na ito, nagpapagaling pa si Murphy, at di ako makatulog ng maayos dahil baka anytime bigla siya maglikot at masayang ang lahat ng sinakripisyo namin. 

Ayun!

0 comments:

Dog Hot Spots Organic Remedy

4/07/2018 Japhet 0 Comments

Dog Hot Spots Remedy
Murphy showing you her sexy assets
Isa ka ba sa mga fur parents na nahihirapan makita ang iyong pinakamamahal na fur baby na kating-kati sa hot spots na dulot ng pababago-bagong weather? Well, UπŸ‘ R πŸ‘ N πŸ‘DAπŸ‘ RYTπŸ‘  PLACEπŸ‘ BAYBEH! Dahil naging problema ko rin ang problema mo! But not ayni mowr! Dahil natagpuan ko na ang para sa akin. Hahaha! Sorry napag-tripan ko yung intro pero kidding aside, kaya ko naman blinog ito eh dahil sobrang saya ko talaga sa effects na naidulat ng product na ito sa mga fur babies ko. Kung hindi mo naitatanong, madami akong anak na may apat na paa. Lahat sila off leash kasi I just cannot make tali because yah! They're kawawa AF! Ilang taon na nga lang sila mabubuhay sa mundo itatali niyo pang mga hinayupak kayo! So ito na nga, every summer kasi, napansin ko na sobra ang paglalagas ng fur ng adopted kong dachshund na si Murphy (Huwag kayo maingay. Hindi niya alam na adopted siya.). Dati , gumagamit kami ng Little John's Organic Dog Soap kaso nagsara na yung pet shop na binibilhan ko sa Makati so medyo nahirapan ako maghanap ng alternative, until one time, habang nag-iikot-ikot ako sa market-market eh nakatsamba ako na may nagtitinda ng mga organic products sa ilalim ng escalator sa tapat ng Mercury Drugs. Katabi ng Human Nature na product eh may isa pang product na hindi pang human! Putsa! Imagine my reaction! So mega tanong ako kay ate na mega sales talk naman sa akin. Yung tipong ang tanong ko eh "So pano mo masasabing effective yan?" sasagutin niya ako nang "Mga ilan ang kukunin mo Ser?", hanggang sa hindi na lang ako nagtanong at nag-based na lang sa label. Nung makita ko yung ingredients eh putsa kumuha na agad ako ng isa. 

Dog Hot Spots Organic Remedy

Dog Hot Spots Organic Remedy
I know medyo pricey, pero arte ka pa, gunduh kuh buh?
Pag uwi mega pahid agad ako sa katawan ni Murphy.  Noong una, medyo naiinis pa ako kasi hindi siya kumportable at napaka-lagkit talaga pero nakita ko kung paano mag-work ang produktong ito.  Hindi siya mabaho kagaya nung green na madre de cacao na ini-spray. Kaamoy niya yung mga matatandang kung ano-ano ang ipinapahid sa katawan sa mga bus para hindi sila mahilo. 


Inaraw-araw ko yung pag pahid hanggang sa finally, hindi na niya kailangan magdamit ulit. Although dinadamitan ko parin siya occasionally kasi ang cute niya. Nagkakaroon ako ng moments na ang nakikita ko sa peripheral vision ko eh maliit na batang gumagapang! Shit! Chilling pero exciting! Nakakawala ng stress! 

Murphy:  hiding her imperfection to avoid judgement from "judgers" 

Going back, walang isang buwan, bumongga na ulit si Murphy! Ready na ulit siyang umawra at rumampa sa BGC kahit walang saplot! 

Ang shiny naman ng coat ng batang ito! Kanino bang anak ito?
Ang post na ito ay hindi sponsored at hindi nagpapatunay na may himala! 

PS, Mimi the labrador use it too! And she likes it AF!

Dog Hot Spots Organic Remedy

Dog Hot Spots Organic Remedy

0 comments:

Dalhin mo naman ako sa Batanes

3/26/2018 Japhet 2 Comments

Nakaka-tuwa ang mga pangyayari sa buhay ko nitong mga nakaraang araw. Naalala ko kung gaano ko hinihikayat ang officemate ko na sumali sa isang pa-contest ng Power Mac Philippines kung saan magbibigay sila ng scholarship sa isang film camp na gaganapin sa Batanes. Oo BATANES AF! Habang sobrang pinipilit ko siya dahil alam ko kung gaano siya kagaling when it comes to cinematography and other technical aspects of filmmaking, sa loob-loob ko ay may tumatalong duwende na pilit sinasabing "shuta ka! Kunwari ka pa eh ikaw talaga ang gustong sumali diyan, mandadamay ka pa ng iba". Haha! Totoo! Gusto ko talagang sumali. Ilang taon na rin akong binabagabag ng duwendeng ito tungkol sa mga istoryang nasulat ko na nakaimbak lang sa computer. Walang nangyayari sa kanila, tabi-tabi lang silang nagbubulungan sa loob ng drive at siguro isinusumpa ako, bakit ko pa sila isinulat kung wala rin naman akong kumpyansa sa kanila. Hindi naman sa wala akong kumpyansa, gusto ko lang talagang maging hinog sa larangan ng pagkukuwento. Sinubukan kong mag inquire noon sa workshop ni Armando Lao pero overwhelmed ako sa presyo. Hindi kalakihan ang kinikita ko at kahit alam kong investment ang workshop na iyon ay..... teka nagigi na akong ma-drama. Basta punyeta! Sinabi ko na lang sa sarili na time will come at maikukwento ko rin kayo, so ayun na. 

Lumipas ang mga araw, ang daming deadline sa office, nakagat ni mimi si muprhy (different post, mahabang istorya) at gumastos ako ng malaki para sa surgery, hindi ko na naisip ang pa-contest ni mayor. Dumating ang deadline at ang nasa isip ko lang ay, baka sabi ni universe, hindi ko pa time so kebs na lang ako and nagpaka grateful na meron pa akong bubong sa ulo, may pagkain pa sa ref, at nadiscover namin na ilegal palang nanguha ng kamias ang kapitbahay kaya ayun na-kapre. Kinailangan mag Atang sa likod ng bahay (siguro ikukwento ko na lang din sa ibang post). 

Pumatak ang 7pm - deadline noong March 24, kebs parin ako sa punyetang dwende sa loob ko. Habang nagpi-facebook, nagulat ako na mabasa ang notification na extended ang submission ng pacontest ni Mayor Power Mac. 



Biglang sumigaw ang dwende sa loob ko na nyeta ka ang dami mong arte! Dali-dali akong kumuha ng ballpen at ayun bigla na lang ako nakapag sulat. Tamang-tama rin na may artistahin akong kasama sa bahay na mahilig sa mga istoryang kinukwento ko (martin rules) kaya may instant akong super star. In 3 hours, natapos namin ang video sa tulong ng aking iphone 5s at macbook pro (not sponsored haha). Nakakatawa nga na habang sinesend ko ang entry ay parang mas excited pa si martin sa akin. Nung gabi din na iyon, naalala kong tumawag pa ako sa english expert kong kaibigan na si Gladish. Hindi kasi ako magaling sa english at paggawa ng synopsis so siya na pinagawa ko. Dahil mabagal siya magreply, nauwi ang log line ko sa ganito:



Nyeta diba? Gayunpaman, masaya ako na out of almost 200 (so siguro mga 198 ganyan) na nag-submit, nakapasok ako sa top 20.

look Ma! Pa! That's Me!

Hindi man nila ako mapili sa top 10, bahala sila diyan! Iiyak talaga ako. Please naman! Haha! Basta naniniwala ako na darating din yung oras ko. Kung di man dumating at mamatay ako bigla, putsa magmumulto talaga ako, yung tipo ng mumu na pagmumulan ng maraming horror stories. So kung ayaw niyong multuhin ko kayo, tulungan niyo naman akong makapunta ng Batanes. I-share and lagyan niyo naman ng reaction yung video ko sa facebook. Kahit angry ok lang! Seryoso ako guysh! Mumultuhin ko talaga kayo. 

2 comments:

MANGKUKULAM TITA VERSUS MANGUNGUTANG!

3/16/2018 Japhet 0 Comments



Hey guysh! Pamilyar naman kayo sa term na utang diba? Hello! I'm sure nagawa niyo na yan and if not #KFINEBYE! Ako nga hindi naman sa proud ako pero may isa akong friend na inutangan ng 500php na hanggang ngayon hindi ko pa nababayaran. Ngayon ko na lang ulit naalala dahil sa sinusulat ko to. Hindi ko alam kung paano siya iaapproach para sabihing huy! Ayaw mo ba ako singilin? or pangit naman nun, pwede kayang Hi, after so many years ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob sayong sabihing, may 500 na ako dito pwede na kitang bayaran, pero shit! Grabe taon ang lumipas kung tinubuan niya yun sigurado millionaire na siya! Pero paano ko sasabihin sakaniya? Haha! 

Anyways, ang post na ito ay hindi tungkol sa akin. Ito ay tungkol nanaman sa Tita kong mangkukulam na juskoday, sobrang dami ng exposure sa blog ko. Sana ilibre niya ako ng isang kulam, may gusto lang akong palagyan ng pwet na kagaya kay Jollibee.

Ito kasi yan, bilang "mukhang" mayaman ang tita kong ito (sobrang magkamukha talaga kami) eh may isang friend siya na nangamusta sa kaniya.




Oh diba! Ang lupet ng tita ko, walang mukha pero nagagawa niyang replyan. Ni hindi niya nga ata kilala to eh.


Potsa! Iba to! Feeling ko yung tinutukoy niyang batang laging kasama ng tita noong dalaga pa siya ay AKO! At according sa kaniya ay makakapag-asawa ako ng mayaman dahil siguro, mukha rin akong mayaman. Ate, NOT! Haha!




BOOM! Ito na ang moment of truth! Dami pa paligoy-ligoy ng mokong na ito, manghihiram lang pala ng pera. At take note, hindi worth 500php ang hinihiram niya kundi 50 fucking thousand fucking pesos! 

At sabi niya, hindi niya naman hinihingi eh, inuutang niya naman! Eh kung ako lang meron isinalampak ko na sa bibig ng hampas lupang ito. Bakit ako ganito ka galit? Well, read more!


Mokong talaga! Ide-define pa sana niya ang Mayabang kaso di na siguro kinaya ng brains niya so ginawa niya na lang "Mayabang ka". Hanep!  Sinabihan pa ang tita kong tumutungtong sa kalabaw! Hoy tanga! Takot yan sa kalabaw! 


Di ko gets ang utak ng nangungutang na ito eh. Hindi pa huminto at talagang pinag-aksayahan pa ng oras ang pag PM sa mukha lang namang mayaman kong tita na hawig na hawig ko talaga. Hindi pa nga sobrang dami ng pera eh so san sa tingin mo niya bubunutin yung hinihiram mong 50k? TANGA! 

Huwag mong nilalang ang lolo kong mangingisda, dahil gwapo siya and kamukha ko talaga. Ikaw nga wala kang mukhang hayuf ka!

At hindi langaw! ang tita ko! Mangkukulam siya! Bobo!



Nung nabasa ko tong last part ng message niya, naantig ako. Naramdaman ko ang desperation ni ateng nangungutang. Ibang level na siya. Dumating na siya sa point na make it or break it point. At  sa puntong ito masasabi kong... tanga pa rin ni ate! Feeling niya ba papahiramin parin siya ng pera after malaman ng hinihiraman niya na connected siya sa NPA at mga rapist? Damn! 

0 comments:

4 YEARS AGO

3/15/2018 Japhet 0 Comments


Kanina habang kinukutingting ko ang luma kong drive, may nakita akong isang document na nakapukaw ng aking pansin. Ang title nito ay "DO NOT OPEN", eh akin naman yung drive and kahit naman hindi sa akin bubuksan ko pa rin so binuksan ko at laking gulat ko na mabasa na ganito ang mga tumatakbo sa isip ko noon. At I love it!

10/17/14

Hanggang ngayon pinipilit ko paring magsulat hanggang sa dalhin ako ng sarili kong akda sa mahimbing na kawalan. Sa madaling salita, hindi parin ako makatulog sa oras na itinakda ng isipan ko para sa sarili ko. 

Saksi ang kisameng ito sa lahat ng kagaguhang ginawa ko simula pa nung bata ako. Hanggang ngayon matibay parin itong nakatingin sakin. Hindi parin sumusuko sa pagmamasid sa mga sinasabi ng lipunan na maruruming gawain ng tao. Ano ba yun? Ano bang madumi, tama, o mali? Ano ba yun? Hindi ko gets bakit may morally right and wrong? Sinong nagdidikta nun? Ang nakararami? Matutulog na lang ako, baka sakaling sa panaginip walang ganun. Lahat masaya, nagmamahalan, nag-gagaguhan pero kebs lang, nagtatawanan, walang sakitan, walang patayan, walang pataasan.

10/20/14

Happy birthday to me happy birthday to me. 😜na ko. At wala na akong pakialam sa nararamdaman mo. Saan kaya ako dadalhin ng paniniwala kong ito. Hummmmm... Bahala na si batman. Besides, bakla naman si batman so I trust him!

10/24/14

Ang mundo ay punong-puno ng istoryang paikot-ikot. Paulit-ulit, pero masasabing mo lahat ay orihinal.

Gusto kong maging pornstar. Gusto kong kumita habang nakikipag-kantutan. Gusto kong pagnasaan ako gabi-gabi ng mga taong tulad ko. Malilibog. 

Gusto kong gumawa ng porn na hindi nila malilimutan. Yung porn na kaadikan ng marami. Yung tipong uulit ulitin nila dahil sa naikakalat nitong init sa loob nila. Hindi na ako masyadong natutuwa sa mga bagong porn ngayon. Karamihan sa kanila puro laman na lang ang ipinapakita pero ang istorya walang laman. Hindi na mga nakakalibog. Nakakaantok na lang. Wala na kasing nagiging kahulugan yung ungol, yung tawanan, yung pagkurot at maging pag cum. Maraming magsasabi na porn is porn. Mga bobo. Walang mga utak.tanga.

10/29/14

Nagiging Mabigat na masyado ang mundo. 

10/30/14

I'm messed up. 3am na di pa rin ako tulog. Nawawalan na ng libido ang pagsusulat ko. Pakiramdam ko buhay akong sinusunog ng mga kasalanan ko. Pero ano nga ba ang kasalanan? Ano ang tama at mali. Paano ko ikukuwento ang pakiramdam. Pano ko sasabihin ang emosyon ng isang kaluluwa. Paano ko iintindihan ang bugso ng laman. Pano ko ipapakita ang panginginig ng kalamnan. 

Wala na akong libog sa pagsusulat. Natabunan na ng mga sinasabi ng nakararaming tama. 

Malungkot ako. Malungkot. At hindi ko alam kung paano ko ipaparamdam sayo na malungkot ako. Tangina!

11/3/14

Isa akong tiyanak. Pero hindi tulad ng mga napapanood mo sa pelikula, lumaki ako, hindi nga lang nabinyagan. Desisyon ko yun. Ayokong maging parte ng kahit anong relihiyon. Ayokong maging katulad ng isang manananggal. Hati kung lumipad. Palaging may iniiwanan. 

11/4/14

Tangina, magtatrabaho na lang ako gaya ng isang normal na tao. Magababayad ng tax para kurakutin ng mga dimunyo. Bakit pa kasi ako naging tao? Ano bang purpose mo tangina ka!



Grabe pala existential crisis ko noong 2014. Lupet! 

0 comments:

Punching Bag

3/12/2018 Japhet 0 Comments

https://www.youtube.com/watch?v=83TDNOkQa-U
Siguro, ang basehan ng pagiging lalaki ng mga kamag-anak ko noon ay ang galing ng isang tao makipag-suntukan at ipagtanggol ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng dahas. Noong bata pa kasi ako, nahuli nila ako na sumisigaw sa loob ng aming bakuran at isa-isang isinusumpa ang aking mga kalaro. "Mamamatay kayong lahat kasama ang mga nanay at tatay niyo!" sigaw ko habang tumutulo ang luha sa aking mga mata. Kulang na nga lang noon eh mga effects ng kulog at kidlat, siguro'y mas feel na feel ko na ang moment, pero walang ganun. Kinuha ako ni papa at kinausap. Sabi niya, that's not a very manly thing to do hijo (hindi talaga english pero feel ko eh bakit ba?). Ora mismo, kumuha siya ng lumang maong at pinunuo niya ang isang legs ng kung ano-anong bagay hanggang sa mag-mukha itong punching bag. Ang turo niya, kailangan daw maipagtanggol ko ang aking sarili. Matuto raw ako lumaban, makipag-suntukan at huwag urungan ang ano mang laban ng buhay - feel ko lang talaga isama to hihi! May pagbabanta niya pang sinabi na hindi ako pwedeng mag-laro sa labas hangga't hindi bumabagsak ang punching bag. Tang ina! Hindi pwede ito! Paano ako gaganti sa mga kalaro kong mukhang gurang kung wala akong update sa mga nangyayari sa outside world? Anong manyayari sa kinupit kong isang daan na ibinaon ko sa isa sa mga paso ni Aling Acosta? Paano kung ma-discover niya ito? Paano na ang reputasyon ko sa labas?

Sinubukan kong suntukin ang punching bag. Masakit nyeta! Hindi ito basta-basta punching bag, feeling ko may kung anong nilagay dito si papa para mas mahirapan akong suntukin ito.

"Lakasan mo, pano babagsak yan?"

Sinuntok ko nang pa ulit-ulit ang punching bag hanggang sa syet, dudugo na ata ang fist ko! Saglit na umalis si papa sa kwarto kaya nakapag-pahinga ako. Inisip ko kung paano ko mapapabagsak ang punyetang punching bag na ito. Nagtangka akong guntingin ito pero hindi pwede, mahahalata niya ang scissor mark so umisip pa ako ng ibang paraan. Kailangan hindi obvious. Kailangan parang as if pagkasuntok ko eh makikita talaga nilang bumagsak ito.

Pinaikot-ikot ko ang punching bag na nakatali sa cheap na rope. Paikot-ikot ito hanggang sa nakikita kong isa-isang napuputol ang punyetang components ng rope. Biglang pumasok ang tita kong mangkukulam para kumuha ng malamig na tubig sa ref, bigla ko rin sinuntok ang punching bag like as if I'm really doing it. Haha! Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ng tita kong mangkukulam, basta bigla siyang tumawa at umalis. Ipinagpatuloy ko ang pag-papaikot sa punching bag. Konting ikot pa at bibigay na ito pero hindi pwedeng ganun kabilis. Hinintay kong pumasok si papa para mag-pakitang gilas. Suntok suntok ako with conviction at may sound effects pa. Ugh! Wooh! Hah! Aw!

"Huwag mong paikutin kapag sinusuntok mo at baka mapatid yung tali"

Kinabahan ako ng bahagya dahil nakikita ko na ilang kembot na lang ay bibigay na ang punching bag. Shit! Kailangan to the highest level ang punch ko kapag pumatid yung punyetang rope. Isang suntok na malakas, punyeta hindi napatid. Ilang suntok na sweet barbie at isang major punch at ayun, bumagsak ang damuhong punching bag. Naka-pose pa ako at nakatungo ang ulo nang mag-slow motion ang lahat at dahan-dahang bumagsak sa sahig ang puking punching bag. Tumayo si papa at tinignan ang rope.

"Parang pina-ikot-ikot mo lang eh"

Sabay tali ng punching bag sa bagong rope.

0 comments:

Where to eat crocodile meat in Manila?

3/05/2018 Japhet 0 Comments


Hi Guysh! Kahapon naisipan kong mag take ng aking break from editing videos (oo may trabaho ako nyeta kayo) kasi naisip ko linggo and I want to explore kaso mainit, malagkit, mausok nakakadiri ang ang kalsada (wow) so nag-isip ulit ako. Biglang naalala ko na shet may GC pa pala ako sa Wilcon Depot at kailangan ko ng maayos na patungan ng mini-ref ko dahil ilang pagtalon na lang ng aso kong si Mimi eh guguho na yun, so walang alarm-alarm kasama ang peymowz blogger na si Martin Rules ay nagpalibre ako sa kaniya ng uber and off we go sa pinaka-malapit na Wilcon Depot. 

Bilang taong mahilig kumain, napukaw agad ang aking atensyon ng kainan sa loob ng Wilcon Depot.  Yes potcha meron! Gustong-gusto ko na kasi mag-kape dahil may isang linggo na rin akong walang maayos na tulog pero tinabla ako ni Martin so nag-ikot-ikot na kami sa loob. Kung pwede lang iuwi yung buong Wilcon siguro naiuwi ko na dahil sobrang tuwang-tuwa ako sa mga nakita ko. Kahit yung kutsilyo na maliit shet naglalaway talaga ako kahit nakakaiyak yung presyo. Bilang 2k lang ang laman ng GC at kailangang-kailangan ko talaga ng bagong patungan ng mini-ref ko, wala akong choice kundi bumili ng rice cooker. OO rice cooker! Wala akong choice dahil yung gusto kong patungan ay nagkakahalaga ng 6,000 pesos. Pakiramdam ko na-violate ang human rights ko nung makita ko yung price tag. 


Pagkatapos nun nag-moved on na agad ako at pumunta sa pinaka-malapit na makakainan. Sa loob ng Wilcon Depot (ilang beses ko na sinabi), meron kainan na ang name ay Urban Cafe. Nag-seserve sila ng Crocodile Meat na according kay ate gurl ay sobrang sarap daw. Hindi ako agad-agad naniwala, sabi ko sakaniya, hindi niya ako madadaan agad-agad sa sales talk niyang ganiyan. Ilang saglit lang bumili ako ng Crocodile Sisig. Sa totoo lang medyo nagu-guilty ako kasi sa totoong buhay, silang mga buwaya ang dapat kumakain sa atin para mabawasan ang ating population dahil ang sikip-sikip na ng Pilipinas at para mapangalagaan na rin ang kalikasan (because human trace can kill a race. Pakak) 

Ilang saglit pa sinerve na ni ate gurl ang buwaya na ngayon ay sisig na. Medyo nag-aalangan ako kainin. Tumatakbo sa isip ko yung mga documentaries na napapanood ko na ini-slaughter yung mga hayop for fucking human consumption. Medyo hilo-hilo pa ako pero sinubo ko ang isang kutsarang sisig buwaya. Parang pork yung texture niya pero chicken ang lasa. Kumatas ang spices sa dila ko. Sumabog ang nag-uumapaw na lasa ng paminta sa loob ng aking bibig. Oooooohhh! Napa-ungol ako nang bahagya. Sinubukan kong pigilin ang aking sarili na huwag sabihing masarap ito, para sa mga buwaya, pero hindi ko nagawa. 

Masayang-masaya si ate gurl at ang kaniyang cook na napakain nila ako ng buwaya. Binalaan ko pa naman siya na kapag hindi masarap ang croc sisig, ibig sabihin, pinahirapan nila ang buwaya, pero masarap talaga. Mainit siya sa katawan pero nakakabawas ng pagkatao. Inisip ko na lang atleast hindi ako kagaya ng iba na necessity ang rason kung bakit sila pinapaslang. Atleast ako need ko kumain yun nga lang nagkataong buwaya ang nakahain. Wah mali parin tangina! Cheret! Anyway ate gurl, hindi masarap yung carrot cake niyo at orange muffin! Masyado dry! Pero I love your Caramel "Pakarat" Ice Coffee - hindi ko alam tawag eh basta super sarap. :D

Ayoko na nga ituloy, kung ano-ano na pinagsasabi ko.

PS

Huwag natin i-compare ang mga buwaya sa mga gov't officials. Mas masarap sila at kapaki-pakinabang kaysa sa mga hitad na yun. Bow! Byeeeee!

0 comments:

Sino si Amanda?

3/04/2018 Japhet 0 Comments


Naalala mo ba ang iyong first kiss? Ako hindi, pero ang Lola Rapunzel ko OO! Ang masama pa, kinalat niya sa buong angkan  namin to a point na gusto ko na lamunin na ako ng lupa sa kahihiyan. Hindi ako sure dahil hindi ko na talaga maalala pero kapag tinanong mo ang tita ko na AKA mangkukulam eh akala mo ay saksi siya sa mga nangyari kapag ikinukwento niya. Sabi nila, ang first kiss ko raw ay si Amanda. Kung uusisain ko ang brain cells ko at magbabalik tanaw sa aking memory lane, si Madeline na cartoons ang naiisip ko kapag pinipilit kung alalahanin ang hitsura ni Amanda. Hindi ko tuloy mawari kung nag-exist ba talaga siya oh sadyang wild lang talaga ang imaginations ng lola ko nung panahon na yun since wala na si Lolo at wala na siyang karat. Sa sobrang kati siguro ni Lola eh naimagine niya ang love affair niya kay Lolo through me and who ever that amanda gurl ish!

Ang kwento kasi ganito, so one morning daw, walang alarm alarm, walang sipi-sipilyo ay lumabas ako ng bahay para mag-laro. 6 or 8 years old ata ako noon at naalala ko to at hindi ko ide-deny, morning person talaga ako and hobby ko ang mag-adventure on my own sa streets of Makati. Pag-labas ko raw ng bahay ay pinagsabihan pa ako ni Lola Rapunzel na wag lalayo sa kaniyang unlicensed at illegal na sari-sari store na noong mga oras na iyon ay binubuksan niya pa lang.

Here comes Amanda, punyeta kasing batang babae yan eh, bakit pa lumapit sa akin! Feeling niya siguro trip ko yung Perlas ng Silangan niya, like hello?! Sabi raw ni Lola eh nagulat siya ng walang pasabi-sabi ay dinakma ko ang mga balikat ni Amanda at binigyan siya ng isang matinding kiss. Laplapan ba? May tongue-to-tongue or saliva-to-saliva action bang nangyari? Yan ay di ko masasagot dahil ang tanging saksi sa nakakikilabot na pangyayaring iyon ay si Lola Rapunzel. Ang chika niya, sinaway niya raw kami at bigla akong tumakbo papasok ng bahay- end of story. Simula nun, hindi ko na muling nakita si Amanda - wala talagang ganyang eksena, trip ko lang i-insert para may thrill.

Hanggang ngayon iniisip ko kung totoo si Amanda? Buhay pa kaya siya? Wala akong paki-alam kung virgin pa siya basta ang alam ko, ang istorya niya ay naging mantsa sa aking colorful life. Siya ang kulay kalawang dun at hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niyang pag-lapit sa akin nung panahong super attractive and hot ko pa.

0 comments:

Kalahating Tao, Kalahating Isda

2/21/2018 Japhet 0 Comments



Kapag nakakarinig tayo ng mga usapin tungkol sa mga nilalang na kalahating tao, kalahating isda, Sirena agad ang pumapasok sa ating isipan. Pero ibahin niyo ang kwento ko, dahil tungkol ito sa isa mga taong malaki ang impluwensya sa amin ng kapatid kong si Dech. Siya ay isa sa aking mga Tito, at sa post kong ito ay susubukan kong patototohanan ang mga kwento tungkol sa pagigi-niyang "Kalahating Tao, Kalahating Isda". 

Insert intense music. 

Itatago ko ang tito kong ito sa pangalang Horhe, yeah like Hodor. Kung sinusundan niyo ang mga blog post ko alam kong sa puntong ito ay masasabi niyong, may sa maligno ang pamilya ko pero if that's how you call families of high beings then so be it. I'd rather be maligno kesa commoners. 

Ang Tito Horhe ko ay isa sa mga kapatid ni mama na may kakaibang hilig sa pag-sisid. NO PUN INTENDED! My gosh ah your brains! Kapag tinanong mo siya kung ano na ang mga nasisid niya ay kinakailangan mong maglaan ng mga 2 hours dahil-dahil mahaba-habang usapan ito. Halimbawa:

TAO: Nakapunta ka na ba sa Palawan?
TITO HORHE: AH OO! NAKAPAG-DIVE NGA KAMI DOON AT...Insert Mathematic Equation, Algebra, Chemical tsutsu, Height Ek Ek, Physics at kung ano-ano pang nakakadugo ng ilong
TAO: *Sabog Utak

Minsan ko na nga siyang nakitang makipagtalo sa isang dive shop dahil lang sa diving suit, kesyo ang mga tao nga daw sa probinsya walang ganern-ganern, pero sabi niya hindi naman daw siya nakikipagtalo, ito ay isang malikhaing diskurso lang. Ewan ko ah pero feeling ko kasi yung kausap niya kukuha na ng itak. Dahil dun naamoy ko na ang lansang taglay ni tito (NO PUN INTENDED ULIT AH! NAKU!). Certified, lamang dagat!

Isa sa mga katangian na napansin ko sa mga Kalahating Tao, Kalahating Isda ay ang lakas ng kanilang mga boses. Siguro, yun ay dahil hindi sila nakakapag-salita na kagaya sa tao kapag nasa ilalim sila ng tubig kaya kapag may chance eh ilang decibels din ang nalilikha nila. Imagine this:

(CAPS LOCK = INTENSE)

TITO HORHE: ATE! (that's momah) SAAN MO GUSTO KUMAIN?
MAMA: AH IKAW BAHALA DAHIL IKAW NAMAN MAGBABAYAD
TITO HORHE: AH GANUN BA SIGE HANAP TAYO SA TAGAYTAY

Note! Mag-katabi lang sila sa sasakyan. Certified, lamang dagat!

Sa aking pagsasaliksik, napag-alaman ko rin na bukod sa lakas ng kanilang boses, ay may abilidad ang mga kalahating tao, kalahating isda na mang- hypnotise ng kanilang mga prey. Nasaksihan ko kung paano ito ginamit ni tito hindi para pumatay, kundi para lang kumain. Noong mga bata pa kasi kami nila Dech ay nasa gitna ng gubat ng Laguna ata yun o Quezon eh bigla kaming lahat nagutom. Huminto somewhere si Tito at may kinausap na kung sino and voila! Isa na kami sa mga invited sa kasalan ng kung sino man iyon. Ang mahalaga, nakakain kami ng masarap may buko salad pa.

Gaya ng ibang lamang dagat, mahilig si Tito Horhe kumain ng mga hilaw na isda. Sa katunayan, siya ang isa sa mga dahilan bakit sumama ang tingin ko sa sushi. Noong bata pa kasi ako, naisipan ni tito na kumain ng hilaw na isda na sinasawsaw niya sa di ko malaman kung anong pulang sauce iyon. Dahil sobrang curious, cute, at handsome ko noon eh naisipan kong tikman. Akala ko kukunin na ako ng langit dahil sa sobrang anghang, lansa at pangit ng lasa ng pagkaing iyon. Sabi niya healthy daw yun so hinayaan ko na siyang ubusin.

Finally, kapag sinubukan mong bisitahin ang facebook account ng Tito Horhe ko, marami kang makikitang picture niya na kung hindi nakalubog sa tubig dagat ay palagi siyang basa. Yun ata ang skin care routine niya. Si tito horhe ay umibig sa isang tao at nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng dalawang supling isang batang kalahating tao, kalahating paniki at kalahating tao, kalahating labanos.

0 comments:

Usapang Bastos

2/20/2018 Japhet 7 Comments


Minsan na akong nagtaka paano sa isang iglap eh nagiging bastos ang usapan, lalo na kapag kaibigan mong matalik ang kausap mo. Isang halimbawa na lang nito ay ang isa sa mga kinaiinisan kong babae sa mundo. Please see previous blog post for reference click HERE. Si Abrylle! Ang pokarla kong kaibigan na may taglay na kagandahang kaya bumighani ng mga bachelors at mga lalaking malaki ang......pangangatawan. Diba nakakaasar? Minsan na kasi kaming nag-usap tungkol sa hot air balloon na hindi namin alam bakit bigla na lang napunta kung saan. 

Me: Hoy pupunta ako hot air balloon sa sunday

Abrylle: Naku traffic dun! Masikip! Mahilig ka talaga sa masisikip!

Diba ang bastos?

Minsan nga kahit issue ng bansang Pilipinas ang pinag-uusapan namin eh nagiging batsos din. Here's our conversation featuring Metal Mouth Supreme Ate Cums:

Me: Sa panahon ngayon nakaka-stress na pag-usapan ang mga plano ng gobyerno!

Ate Cums: Oo nga sobra nakakainis lalo na yung kay....

Me: Oo yang si ano... naku yan...puki yan!

Abrylle: Puki pala edi patuwarin mo! Tapos ngudngurin mo!

Sobra talaga ang kabastusan.

May mga panahon nga na kahit simpleng gardening topic eh hindi napapalagpas halimbawa:

Usapang Bastos

Usapang Bastos

Usapang Bastos


Usapang Bastos


Guysh! Hindi talaga ako bastos eh siguro nahawa lang ako kay Abrylle. Please don't take this post against me.

Kung mapapansin niyo magulo talaga kami mag-usap kasi mga career people kami eh. Busy you know! We don't talk much about people. Yung mga usapan namin napaka- fruitful kasi laging nag-uusbong ng mga new ideas. Sabi kasi ng dati namin na Boss na may nakatabinging dragon sa gitna ng mga hita, people daw who talks about people are unsuccessful, eh ayaw naman namin maging ganun kaya puro ideas na lang pinag-uusapan namin. Siguro part ng pagiging creative ang pag-uusap ng bastos kaya palaging nauuwi sa ganun ang usapan namin. Siguro nagsisimula na kaming maging mga creative people na medyo bastos. Ok bye!

7 comments:

Taong Palaka sa Ilalim ng kama

2/18/2018 Japhet 0 Comments


May taong palaka raw sa ilalim ng kama ni Lola Rapunzel. Hindi ko alam kung dahil lang sa katandaan kaya kung ano-ano na ang nakikita niya, pero lumaki ako sa mga nakakatakot niyang kwento na alam ko sa sarili ko ay may konkretong (tama vah spelling?) basehan. Never ko maalala si Lola Rapunzel na sinabihan ako na "Wag ka diyan sige kakainin ka ng aswang" or "Kapag dumiretso ka maduduwende ka" dahil ang paraan ni Lola Rapunzel para takutin ako ay papakainin niya ako ng luto niyang meal tsaka siya magkukuwento ng mga hair raising stories na hanggang ngayon ay tandang-tanda ko pa. Ang mga kwento sa hapag kainan ni Lola Rapunzel ang talagang sobrang nag-influence sakin na kahiligang ang magbasa at manood ng mga horror stories.  

Sa edad niya ngayon ay di na siya madalas magkwento, hanggang sa isang araw ay chinikka niya kay mama na may batang palaka raw na nasa ilalim ng kaniyang kama at kinakalabit siya. Simula noon, ayaw na ni Lola Rapunzel na matulog mag-isa. Kilala ko si Lola Rapunzel na isang matapang na babae na minsan ng gumupit ng lawa ng tiktik na muntik ng lumamon kay Dech noong nasa tiyan pa siya ni mama. Minsan na rin niya akong muntik ng ihagis sa balon dahil sa galit niya sakin noong nagdala ako ng nahuli kong walo-walo (poisonous snake) sa Gumaca (I'm so great!). Basta matapang siya! Kaya naman laking gulat ko na malaman na ayaw ni Lola Rapunzel na matulog mag-isa. 

Nung una ay hindi ako naniniwala kaya minabuti ko na alamin. Dahil sa work, mawawala sila mama ng 2 araw kaya minabuti kong samahan si Lola Rapunzel. Doon ko natuklasan na mayroon nga siyang kinatatakutan na hindi namin nakikita. Ayaw ni Lola Rapunzel na matulog ako sa kwarto ko dahil ang sabi niya lang ay "mahirap na". Napansin ko rin na may kahoy sa ilalim ng kama niya kaya minabuti kong tanggalin pero sinaway niya ako. Sinubukan kong kulitin si Lola Rapunzel para mag-kwento siya tungkol sa taong palaka pero ayaw na niyang chumikka. Siguro inisip niya na mabuti pang wag na magsalita dahil sa panahon ngayon ay wala ng gustong makinig. Siguro inisip niya na sa panahon ngayon, ang mga ganitong kwento ay katutuwaan na lang ng iba kaya hindi na worth ikwento. Siguro inisip niya na wala ng gustong makinig. 

Isang hapon, dumating ang tito kong parang si Coco Martin ng probinsyano mag-salita (Nyammy!) dala ang kaniyang mga anak. Tuwang-tuwa si Lola Rapunzel. Hinihintay ko siyang mag-kwento lalo na sa bunsong anak ni Tito, pero natapos ang araw, hindi nag-kwento si Lola Rapunzel.  

Lola Rapunzel

0 comments:

VALENTINES SPECIAL: Si Mina at Jaime - BWAHAHAHA!

2/12/2018 Japhet 0 Comments



Matagal nang hiwalay si Mama at Papa at alam kong parehas na silang naka-moved on sa mga buhay nila. Alam kong maiimbyerna ang nanay ko kapag nabasa niya ito at maaring idemanda niya ako pero that’s life. Gusto ko lang kasi ishare sa inyo guysh yung isang tagpo sa serye ng hiwalayang Jaime at Mina, at ang pronunciation niyan ay “Hay-Me” not “Jay-Me” like most mamayang millennials will probably do. Itong tagpong ito talaga yung isa mga hindi ko malilimutan dahil isa ito sa mga talagang tingin ko eh gigimbal sa mga drama rama sa hapon. Pinamagatan ko ang tagpong itong "Adobo". 

So I was like YOLOing (hindi ito pagmamasturbate please!) in our house sa C5 when all of a sudden, may kumatok sa pinto. Pag-bukas ko ay laking gulat kong makita ang aking amang si Jaime with a huge plastic of chicken and pork adobo ingredients. Alam kong hindi na nila gustong makita ang isat-isa lalong-lalo na sa bahay pero ano ang laban ko sa isang plastic ng about to be CHICKEN PORK ADOBO? So I let Jaime enter the house and cook dahil love niya ang pagluluto at love ko ang pagkain. Ang saya-saya ko na maamoy ang kumukulong toyo na may paminta at dahon ng laurel. Para akong nasa isang masayang restaurant nang ihain sa akin ni Jaime ang Adobo, hanggang sa may isa nanamang katok akong narinig sa pinto. Hindi ako kinabahan sa puntong iyon dahil most probably that's just Dech. Pero mali ako. Pagbukas ni Jaime ng pinto ay bumungad sa kaniya ang pagod at nagngingitngit na si Mina. Pumasok si Mina sa loob ng bahay na naka-silent mode. Naunsiyame ang pagsubo ko ng isang kutsara ng mainit na kanin na may kasamang Chicken Pork Adobo na umuusok-usok pa. Silent mode parin, ay isinalampak ni Mina ang kaniyang bag, kumuha ng ilang gamit at sinabing, sa office na lang ako matutulog, sabay labas ng bahay. Sumunod si Jaime sa labas at naiwan ako at ang adobo sa loob ng bahay. 

Sa puntong iyon ay nilantakan ko ang adobo. 


0 comments:

Bakit ba may mga taong ungrateful?

2/01/2018 Japhet 1 Comments

Picture for attention only haha! Ganda ng pez ko dito eh
Naranasan mo na ba sa buhay mo na gumawa ng mabuti? Well, if you are about to ask me siyempre oo ang isasagot ko kahit may times na hindi talaga bukal sa loob ko ang ginagawa ko. Minsan required kasi...basta alam mo na yung mga ganung pagkakataon. 

May isang beses kasi sa buhay ko while I was going home from our shitty office in Mandaluyong eh naisipan ko gumawa ng mabuti. So I was standing in line sa terminal ng tricycle sa Guadalupe nang biglang out of the blue eh umulan. My gosh! Biglang nagdisperse ang mga tao at bilang laging handa ay inilabas ko ang maalamat kong payong ng Greenhills. Alam mo yung payong kapag nag-golf ka? Kung wala kang alam sa golf imagine mo na lang yung payong ng nagtitinda ng ice cream, hindi ganun, kasi mas maliit ng kaunti dun. Eh since si kuyang nasa harapan ko ay mukhang hindi magpapatinag sa ulan kahit sobrang wet na siya, as in wet na wet, eh dahan-dahan ko siyang ipinasukob sa malahigante kong payong. Ilang saglit lang ay bigla siyang nagtaka at wala ng pumapatak na tubig ulan sa kaniyang payatot na katawan. Lumingon siya sakin kaya sinuklian ko siya ng napaka-buti at ganda kong mga ngiti na hindi lumalabas ang ngipin. At ang hitad na si kuya ay bigla akong tinignan ng masama at lumabas sa silong ng maganda kong payong. Tangina niya! Napaka matapobre! Minsan na nga lang ako gumawa ng kabutihan sa buhay ko hindi niya pa ako binigyan ng chance! Sa galit ko sinahuran ko siya ng tubig ulan galing sa payong ko. Nyeta ka kuya.

The other day, malakas pa rin ang ulan at dala-dala ko pa rin ang mahiwagang payong papasok naman sa office. Nakakita ako ng matandang lalaki na may dalang stroller bag. Siguro ay papunta siya sa pwesto niya para magtinda. Maaga pa naman at hindi pa ako malilate sa opisina. Hindi ko siya pinasukob.

1 comments: