Muni-Muni: Cebu Pacific Juan For Fun Backpackers challenge, when quarter life crisis attacks

7/03/2016 Japhet 0 Comments

I always dream of traveling to places at someone else's expense. Hindi naman sa nag-papaka social climber ako, well konti, pero sino bang ayaw ng free if you're young and broke as fuck? Ugh! 

#JOTG
Sige Robi isigaw mo! Ipagdiinan mo sa ibang team na talo sila! Ganiyan ka!
I was thinking about this while watching the #JFFJuanTeamPH rejoicing on stage for winning the Cebu Pacific 2016 Juan For Fun BackPackers challenge. The game goes like this, for 7 straight days, 5 teams from different universities travelled to different places in the country with the given travel allowance worth 35k. The team with the best itinerary wins. At alam mo kung ano ang prize? 1 year travel-all-you-can-pass to any domestic and international flight of their choice. Kabog! 

As I take their photos naisip ko, nyeta tong mga batang to ang susuwerte. So medyo nagdrama ako dun ng bahagya. Naiinggit ako sa kanila. Bakit hindi ako ganiyan nung kasing edad ko sila. Buset. Sumunod ako sa winning team as they leave the stage. Pare-parehas ko silang pinagsusuntok tapos kinuha ko yung prize, pero siyempre joke lang yun. Sabi ko na lang another episode lang ito ng quarter life crisis ko. Hindi dapat ako magpatalo. 

I'm not supposed to regret everything that I have done before, hindi naman talaga. Chikka lang yun pero nanghihinayang ako sa mga bagay na hindi ko nagawa. Gaya ng... huwag na masyado madami. 

So if you're reading this and also feels the same thing, eh dai, huwag mo isipin na it's too late, kasi when I was their age I use to say na "ay di pa ko ready diyan" "ay parang hindi pa para sa akin yan kaya hindi ko pa kaya yan","Ay! Ay!", mga ganung ka-echosan, ayan tuloy nauwi sa wala. Dapat pala nung mga panahong iyon ay nag pa-plunge lang ako sa mga ganung situations and do the best that I can tapos kakanta ako ng I believe I can fly. Kapag talo edi talo, good job sa kanila. Let's not be afraid to take risks ang drama pala dapat. Kaya natin to mga inday at indoys. 

Bakit ba ako nauwi sa ganito? Basta congrats Robi Domingo, ang pogi mo! Kaso iba talaga dating ni Bogart the explorer eh. Alam mo yun?

#JOTG

0 comments: