MUNI-MUNI: What's going inside my head during my visit at Ayala Museum. RATED SPG!

7/31/2016 Japhet 0 Comments

What's going inside my head during my visit at Ayala Museum

Avida partners with Ayala Museum to celebrate Art and Life with "Inspire Every Day" event, I got invited beh. Yey! My focus was to see Philippine gold and to listen to Jerrold Tarog. Heneral Luna, Mangatyanan, Carpool, Faculty and Mariquina fan here haha! 

Sa totoo lang, mixed emotions ako everytime I visit museums. Minsan hindi ko siya gusto minsan naman nababaliw ako gaya ng asong ulol. Alam mo yung bigla na lang ako naiiyak pag tumititig ako sa mga art works na nakasabit sa pader. Iyak leading to hagulgol yun. Kaya when I received the invite, talagang nag focus ako na diretso sa gold tapos diretso kay tarog. Wala nang tingin tingin sa mga emotionally freak artworks dahil masasaktan lang ang puso ko. Andami pa namang tao. Nakakahiya. Kaso, upon entering the vip door bumungad sakin yung painting ni Juan Luna na Lady in the racetrack. Ewan ko ba, bigla na lang talaga ako naiyak so tanong agad ako sa guard kung nasaan ang mga ginto. 

Tinuro naman sakin ni kuya ng may comfort ang mga ginto. Nakita niya kasi siguro yung teary eyes ko kaya sabi niya take care daw ako sa pag-akyat ng hagdan. Nung nandun na ako sa taas napansin ko may elevator pala. Lintsak yun si kuya. 

Sa exclusive room kung nasaan ang mga ginto ng Pilipinas, mura talaga ako ng mura. Sabi ko punyeta ang intricate ng mga designs at ginto ito dai! Ginto! Created 10-13th century bago pa man pumunta yung hindot na Magellan na yun dito na nagsabing wala tayong sibilisasyon. Overwhelmed talaga ako. Naisip ko yung leveling teh. Nakaka-proud. Nakita ko rin dun yung Sacred Thread (sablay) na tang ina gusto ko talaga suotin or basta hawakan kaso may glass haha!

Anyway, naka moved on na ako sa mga gold pero gusto ko bumalik kapag wala na masyadong tao. Nakinig na ako kay Tarog. According to him, curiosity got him started, resilience is what keeps him going. Napa-isip tuloy ako, what keeps me going really? Sabi ko at my age, desperation to be useful is what keeps me going. Pinipilit ko magkaroon ng silbi itong buhay ko para sa sarili ko and para sa iba niyeta. Nag-panic ako nung may student na nagtanong kung ano advice niya sa mga taong hindi mahanap yung niche nila. Sagot ba naman kasi niya, habang bata ka pa daw mag plunge ka lang sa mga bagay na gusto mong gawin tapos kapag medyo tumatanda ka na galingan mo na. Tang ina, eh ako 20 something na tapos hanggang ngayon hindi ko parin alam kung saan ako magaling. Basta alam ko lang ngayon eh gusto ko maging magaling sa pagkukuwento. Gusto ko maging universal yung storytelling ko kaso hindi nga ako maka-perfect ng grammar. Tang ina kasi ng umimbento nun eh. 

#JOTG

0 comments:

Brillante Mendoza's Ma' Rosa at ang aking Rated SPG na nakakalokang film review

7/11/2016 Japhet 0 Comments

#JOTG

Tang ina yan. Gusto ko magpapicture kay Direk kanina pero di ko na kaya yung iyak ko dai.  Nung kinakausap ko yung kaibigan kong naginvite sakin manood feeling ko babagsak na. Speechless ako, malapit na eh. Ayun nauwi akong ngumangawa habang naglalakad sa kahabaan ng Julia Vargas Avenue. Syet beh! Iniisip ko nga kapag biglang may taong nagpahinto sa akin at tatanungin ako kung ok lang ako, di ko alam sasabihin ko pero wala namang huminto sakin. Who the hell cares about a chubby dude wearing blue polo, crying drastically while walking? Syet. 

Anyway, isa ata ako sa mga taong sobrang excited nung nalaman kong magkakaroon ng screening ng Ma' Rosa sa Pilipinas. Eh bat ba? Idol ko itong si Brillante Mendoza. Kinatay, Tirador at Manoro ang ilan sa maraming Filipino films ang naginspire sakin mag kuwento at gumawa ng sarili kong pelikula. Nag-ipon pa nga ako para lang makasama sa film workshop niya pero sadyang masaklap ang kapalaran at laging natataon sa ibang bagay napupunta ang ipon ko. Drama, bahala na lang, kahit mali-mali grammar ko magkukuwento ako sa kahit anong paraan ko puwedeng gawin. Basta hindi ako hihinto sa pag-aaral mag-kuwento sa paraang katulad ng sakanila pero with a touch of Japhet haha. May something kasi sa mga eksenang shaky, blurred at close up niya na nagpapatindig ng balahibo ko (Oo balahibo lang muna) at nagpapahiwaga ng lahat. Tapos isipin mo si Armando Lao pa mentor niya. Waaahhh patayin niyo na ako. Andami ko ng kuda, punta tayo kay Aling Rosa (Ma' Rosa)

Grocery Shit

Relate na relate ako sa unang scene na yung mga hindot na grocery stores pinapalitan ng candy yung 25 cents na sukli. Tama lang na magreklamo si Aling Rosa! Kampi ako sakaniya dun. Tae. 

Si Aling Rosa, parang yung kapit bahay ko. Napagkakasya niya ang sampung putang ina in one sentence. Wag ka, may kasama pang gago yun. Kaya naman no wonder yung mga anak niya na si Jackson, Kerwin at Raquel eh wagas din ang lutong ng pagmumura. Pero hindi yun ang issue dito, ang issue dito yung drugs.Yung drugs na ninenegosyo ni Aling Rosa at ng asawa niyang si Nestor na binili nila kay Jomar na galing pala kay Major. Kung sino yung major na yun malalaman mo kapag nanood ka. Isang gabi na-raid si Aling Rosa. Dinala siya sa presinto kasama si Nestor na bukod sa pusher, user din. Dahil parehas nasa presinto ang mag-asawa, walang choice ang mga bagets nila kundi ang mag-join force para mapalaya ang kanilang mga magulang.

#JOTG

Ang mata ni Aling Rosa

Nyeta talaga! Isang eksena na pumatay talaga sa akin eh yung nakatitig si Aling Rosa sa mga batang nag-aayos ng mga bote ng softdrinks. Ihing-ihi na ako sa mga panahong ito eh pero kinakaya ko beh. Ang hirap tumayo sa kinauupuan mo kasi alam mong pag umihi ka may mamimiss ka. Double kill ako dun sa eksenang nniraid sila tas nilabas si Aling Rosa at Nestor sa bahay. Para akong double dead na baboy na gustong magwala. Ang sarap dukutin ng mga mata ni Jaclyn Jose para lang malaman mo kung ano yung sinasabi niya. Sa buong pelikula yung mga titig niya ang magbabato sayo ng dialogue. Para siyang si Professor X na nakikipag usap sayo. Cerebral beh! Hindi totoong yung fishball scene lang siya magaling! Putcha beh! HINDEE!!! Kakatayin ka ni Jaclyn Jose sa buong pelikula! Yung Best Actress niya sa Cannes kulang pa yun! waaaaahhh!!!

Segway

Ito kasi yan, July 6 nag-premiere ang Ma'Rosa dito, sabi ko manonood ako. July 7, 8, 9 andaming nangyari sa buhay ko. Huwag ko na isa-isahin mahaba masyado. July 10, sabi ko this is it kaso bukod sa rehearsals may deadline pala ako kinabukasan. July 11 sabi ko kapag natapos ko yung deadline ng sinusulat kong script (raket yun) manonood ako, eh hindi nagustuhan ng client so may revise. Nalungkot ako beh. Hanggang sa nag PM sakin yung friend ko. Nakasakay ako nun sa sasakyan, napamura talaga ako ng malutong. Gusto kong hampasin si kuyang driver kaso baka gumanti siya at suntukin niya ako. Tamang-tama na nandun ako sa location tapos feeling ko akma ang suot ko sa blocked screening so OO agad ako. Sobrang excited ko 4PM andun na agad ako. Nawala talaga sa isip ko yung raket eh. 

....going back sorry na!

#JOTG

Junakis to the rescue

Badtrip talaga ako eh. Come to the rescue na ang mga anak ni Aling Rosa at Nestor. Pupunta na sila kay Baldo, nang biglang naramdaman ko yung ihi ko. Tumakbo talaga ako ng mabilis habang nakaharap sa screen papuntang CR. Napansin ko andami palang artista ang nanonood. Nasa 3rd row center kasi ako ng sinehan. Basta alam ko yung namiss kong eksena eh nung humingi ng tulong yung 3 at pumunta sila sa production house ni Brillante Mendoza sa Mandaluyong, Haha! Pagbalik ko galing CR, palabas na sila, olats, kasi wala yung hinahanap nila. Nauwi ang mga junakis sa paglunok ng pride (hindi yung sabon), pagbebenta ng gamit at pati na rin ang sarili. Nakakaloka! 

#JOTG
POTAH KA DAHLIA!
Si Dahlia at ang barbeque ni Apeng

Isa sa mga kinaiinisan ko eh si Dahlia. Tang ina niya. Effortless yung pagiging nakakainis niya. Bright ang future ng batang ito. Siya ang nagpapagaan sa pelikula, pero nakakainis parin siya. Actually naiinis ako sa lahat ng nangyayari sa pelikula kasi masyadong totoo. Ang di ko lang maipaliwanag eh kung paano naging bente ang pera ni Dahlia sa 7/11 eh isang daan yung binigay sa kaniya. Siguro bumili na siya ng mani hindi ko lang nakita. Hindi ko rin ma-explain bakit pumayag si Aling Rosa na kunin ang mga isaw ni Apeng na pre-cooked. Sana pinainit man lang niya. Nung nasa squatter pa kami nakatira hindi puwedeng hindi iinitin yun. Tutusukin ko ng stick sa mata yung nagluluto. 

#JOTG


#JOTG

Si Brillante ay isang himala ng panahon

Sabihan niyo na ako na bias pero mas pipiliin ko ang alternative cinema kaysa sa Star Cinema. Gaya nitong Ma'Rosa, kakaiba yung feeling na nagmamaterialize sa screen. Kulang na lang amoy andun ka na. Hindi mo kailangan ng 3D glasses beh. Brillante Mendoza's Ma Rosa is the real deal horror of life. Ma' Rosa will not just tell you a story, it will possess you with different feelings, It will haunt you. Taray ng mga sinabi ko no? Pero totoo. Magugulat ka, kasi ito yung mga bagay na alam na natin eh. Nadadaanan natin, naririnig natin, napaguusapan natin, pero we just don't care. Mas gugustuhin natin wag mangi-alam. Mas gugustuhin nating hayaan na lang at mag FB (syet naisip ko nanaman si Dahlia)

Sabi nga ni Desmond Tutu

"If you are neutral in situations of injustice, you have chosen the side of the oppressor."  Pakyu ka Dahlia!

Ewan ko rin eh, pero ganun ba talaga? Ma' Rosa is now on a brink of being pulled out from cinemas kasi wala masyado nanunuod. I encourage you to watch this film asap! Tara na! Sa Thursday manunuod ulit ako. 

Keri? 

#JOTG

0 comments:

Muni-Muni: The Epitome of a Pak Girl

7/06/2016 Japhet 2 Comments


I was riding a Jeepney one afternoon galing sa Market-Market, isa sa mga malls na ilang tumbling lang sa bahay namin, nang may nakasabay akong 2 pak girls.

Ang pak girl ay isang uri ng babaeng pak na pak sa lahat ng bagay. Itsura, Pak! Pananamit, Pak! Pag-uugali, Pak! Ngayon kung tatanungin mo ko kung negative ba or positive ang term na ito, eh nasa iyo yan. Nasa paraan nang taong nagpa-Pak. Hindi ko sure kung it sounded well sayo pero try mo. Parang Millennial na term lang, hindi mo alam kung mao- offend ka ba or matutuwa ka kapag tinawag kang ganun. Ang mga pak girls ay madalas nakikitang naglalakad sa mga sosyaling lugar sa saliw ng musikang "Who Run The World?". 

Balik tayo sa jeep. I was sitting beside the pak girls hawak hawak yung binili kong pancit from buddys habang nakikinig sa Jackson 5 na kanta nung bigla nagsalita si Pak girl 1

"Kuuuyyyaaa, are we in Venice Piaza na?".

"Lagpas na kayo hindi na yun dadaan dito" sabi ni kuyang passenger na naka green.

"WHAT? Da hell kuya drayver?" ganiyan sumagot si Pak girl 2 ah sinulat ko lang habang patuloy na kumukuda si Pak Girl 1 sa english na di ko talaga magets sinasabi niya.

"Balik ko na lang ho yung binayad niyo pasensya na hindi naman kayo nagsabi na kailangan kayo ibaba dun" sabi ng very apologetic na driver.

"So fault pa pala namin? OMG! Ikaw yung driver eh you should have shouted na we're already in Venice."

 Pakshet! Napatanggal talaga ako ng earpiece at napatingin ng masama kay Pak girl 1. Inabot ni manong driver yung binayad ng dalawang Pakgirl.

"Fak naman kuya eh. Sabi ko na eh, kaya pala hang hugly na nahng place eh", remark ni pak girl 2 sa kalayaan ave paglagpas lang ng uptown mall. 

Sa irita ko sa dalawa, ako ang nag abot ng sukli nila "Bumaba na kayo, sumakay na lang kayo ng c5 na jeep, ayan oh, tapos sabihin niyo ibaba kayo ng mckinley".

"OMG!" "I knew this is soo going to happen. So stupid of you manong driver" kuda ng dalawa habang bumababa ng jeep.

"You're welcome ah" sabat ko.

Pakshet sinabihan mo nga ng gagawin sa problema nila hindi man lang nag thank you. So ayun na, umandar yung jeep namin habang naiwan kaming mga pasaherong natatawa sa mga pak girls. Napansin ko bigla na the Pak Girls are going to the wrong direction. Ang linaw-linaw naman nung sinabi ko tinuro ko pa yung jeep na sasakyan pero naglalakad sila in their high heels sa maling sakayan. Akmang sisigawan ko na yung dalawa ng pigilan ako ni ateng naka blue na katabi ko lang. "Hayaan mo na yang mga yan ng matuto".

"Kawawa naman po" sabi ng mabait na ako.

"Minsan yung mga taong ganiyan ang ugali, malalaman lang nilang mali ang ginawa nila kapag may masama ng nangyari sakanila. Hayaan mo na, ginawa mo nanaman dapat mong gawin." Hindi talagang ganiyan ang sinabi ni ate, ako lang may gawa niyan para maganda basahin haha. Ang sabi niya talaga "sus yaan mo yang mga dimunyong yan. 

Umandar na yung jeep. Nakababa na ko sa dapat kong babaan. Pakshet, naalala ko hindi pala ako nakapag bayad sa jeep. 

#JOTG

2 comments:

Marathon turned Lakadthon with me and menggay Mimi

7/06/2016 Japhet 0 Comments


#JOTG

I'm still suffering from the pain this event caused me. Not from running but from carrying heavy goodies they gave us after. Ang bigat talaga beh! Pero sino bang hindi gusto ng ganun. Biruin mo magkano lang niregister mo tapos may grocery supply ka na after. Takte! The best bhe!

#JOTG
Shet ang sarap ko dito. #Loveyourself
Robinsons Supermarket wellness run happened last sunday sa BGC. Ilang tumbling mula sa amin kaya talaga namang nag-join force ako. Since I can't leave mimi (my choco lab) sa bahay with Noggy (in heat kasi baka mag kember sila) sinama ko na lang siya. Martin of www.martinjohnandrade.com was supposed to be my running buddy but since mimiyonce is with me, naitsapwera siya. Ayun naging third wheel siya ng mga running couples. 

Hi I'm Martin my skills include professional third wheeling and Instagramming. Lol! 
Posted by Martin Andrade on Saturday, 2 July 2016

The event was filled with activities na di lang pang pamilya pang sports pa. Ay susme. Kaso ayun nga, bokya talaga ako sa mga takbo takbo na yan. I don't think I'm fit to run 5k kaya gaya ng nakararami, lakadthon ang drama ko. Hahaha! Tingin ko nga itong si mimi eh napagod kalalakad eh kasi di ko siya itinakbo. 

Marami pa namang health and wellness campaign ang Robinsons Supermarket ngayong July 2016 so I guess itatry ko na lang yung iba haha! Para updated kayo, just like their fan page at www.facebook.com/RobinsonsSupermarketOfficial

Keri? 

#JOTG

0 comments: