HAIR TRANSFORMATION BY 2911 HAIRFIX SALON AND SPA

10/23/2016 Japhet 0 Comments


It's very seldom for me to visit a salon with friendly hair stylists. It's either I spend too much with a high-end salon or just go to a regular barbershop and regret that decision afterward. I don't usually get the style I want. My frustration leads me to not wanting a haircut. I started loving my long messy hair or what I call after sex look. LOL! I don't look like the common "gwapo" (common gwapo = gwapong commoner) guy so I always experience rejection from stylists. Oo na! Pangit na! Alam mo yung pagtuturuan nila kung sino mag-gugupit sayo like as if you are not a paying customer. It's demoralizing and you can't do anything about it unless you're a big spender. Argh!

#JOTG
with my co-blogger Nicole (nicolepaler.wordpress.com) and stylist Paulo
My experiences made me doubt visiting Hairfix 2911 Salon and Spa at Chino Roces Avenue in Makati. What made me really decide to push through are my friends who are also there for their own procedure. Hairfix 2911 is a family owned business that offers Salon services for nails, hair and even makeup. It's a 2-floor space that is pretty neat and comfy. Their hair stylists are not intimidating. They all seem to be welcoming and will never say anything behind your back. 
My stylist's name is Paulo. According to him, all stylists from Hairfix are well trained prior to handling customers. They are indeed. During my hair bleaching process, I never felt any stingy pain like what I am supposed to feel according to some friends.

BLEACHING
He bleached my hair for about 45 minutes until it turns yellow. Coloring it took 20 to 30 minutes (including my eyebrows) , but it really didn't feel like it was as I am enjoying everyone's company. 

BEFORE and AFTER
I definitely loved the result. I looked like a new me. Hairfix 2911 changed the way I feel about salon stylists and procedure. I never felt threatened with how Paulo handled my hair. For that I am grateful. 


If you want to book a schedule with Hairfix 2911 Salon, you may visit their facebook page at www.facebook.com/hairFix2911SalonandSpa.

#JOTG

0 comments:

Nagmahal, Nasaktan, Na-Train to Busan

9/06/2016 Japhet 0 Comments

#JOTG
Halika dito, iti-train to busan kita
Natakot, napasigaw, nagulat at naalog, susme itong Train to Busan, masyado ginalingan, masyado ako na-entertain tuloy. Bago ako manood, pinag-isipan ko munang mabuti kung tama ba ang desisyon kong panoorin ito sa 4D. Si ateng kahera kasi, 5 minutes bago mag-start ang pelikula hindi na ako binigyan ng pagkakataon sa 2D, naabot ko tuloy yung card, ayun napa-4D. 

Ito na ang chikka,  siyempre nagsimula ang lahat sa walang katapusang outbreak mula sa palpak na mga lab. Wooohhh, ganiyan naman sila. Lab na lang lagi pinagsisimulan ng lahat. Pesteng lab. Anyway, ito na nga, insert si Papa Gong Yoo, oo literal na tatay siya dito ng 10 years old na bagets. Itong si bagets gusto makita ang nanay niya na currently residing in Busan. Hiwalay ang parents ganern kaya medyo nagdadrama si bagets, di naman natin siya masisisi. Kinabukasan, kung kailan naman papunta na sila sa Busan ayun, may isang infected na nakasakay sa train at dun na nagsimula ang lahat. 

#jotg
Punyeta to si ate, hindi ko naisubo yung French Fries ko dahil sa kaniya
Potek! Sa isip-isip ko gasgas na gasgas na masyado itong storyline na ito pero susmiyo mirasol, tang'na kakaiba ito! Mas nakakatakot ang mga Asian zombies kaysa sa hollywood zombies. Mas matatalino at flexible sila, ehem! At saka mas cute, di masyadong dugyot? Haha! May claustrophobic feel yung train na setting at sobrang shock na shock ako sa transformation ng zombie sa umpisa. Hindi man lang ako nabigyan ng chance na isubo yung french fries na binili ko. Nakakaloka! 

Nagmahal, Nasaktan, Na-Train to Busan
Takbo buntis! Takbo!
I have this feeling that this is what "World War Z" is trying to give us kaso ayun nilamon siguro masyado ng hollywood, di na nakabangon. Train to Busan is a roller coaster film that is full of heart. Ma-iinlove ka at magagalit sa mga character na sa totoo lang eh common characters na sa mga Zombie movies. The 10 year old bagets (sorry ah di ako magaling tumanda ng mga names ng characters) performance made me hate her and love her at the same time. Kapag kasi ako yung tatay baka nakonyotan ko na siya kaso may point eh. She didn't over do her acting like what usual child actors would do with that character. Gusto ko sana i-kwento yung mga favorites kong scenes like nung bumaba sila ng station, yung lumipat sila ng tren, yung mga punyetang zombies na biglang ibinagsak ng mga helicopters tapos tang ina buhay parin, yung mga zombies na sumabit sa nilipatan nilang tren potah!,pati yung ending kaso baka ma-spoil ko. Oo noh! Hindi ko pa naspoil yan sa lagay na yan. 

Nagmahal, Nasaktan, Na-Train to Busan
Iyak-iyak ka ngayon lintsak ka!
Nagmahal, Nasaktan, Na-Train to Busan
Bakit kasi ang bibilis nitong mga to tumakbo eh ARGH!
Overall, I liked it. It's much more than zombies on a train. Napanis ang World War Z at The Walking Dead dito. The movie is full of heart, muntik nga ako maiyak eh kaso umaalog yung chair ko. Na-confused pa ako kung horror ba or drama  yung pinapanood ko. It's a refreshing take on zombies that you and your family must watch. Taruuussshh!


#JOTG

PS. Maganda rin siya panoorin ng mga broken hearted. Wag na kayo mag-suicide, i-train to busan niyo na mga sarili niyo sige na huwag na mahiya. 

Nagmahal, Nasaktan, Na-Train to Busan
Huwag suicidal beh, sige ka magigi kang zombie. :) 

0 comments:

Pamilya Ordinaryo : Rated SPG Review

9/01/2016 Japhet 4 Comments

Pamilya Ordinaryo : Rated SPG Review

Nakakapagod, gusto ko na agad matapos yung pelikulang pinapanood ko. Kung puwede lang mag-walk out sa loob ng sinehan ginawa ko na kaya lang siyempre, sayang naman ang binayad ko. Yung relasyon ko sa pinapanood ko parang relasyon ko sa mga ex ko. Ako ang may problema. Taruussshhh!!!

Maaring may spoiler ang isinulat kong ito kaya utang na loob, huwag kang ano.

Pamilya Ordinaryo : Rated SPG Review

Ganito kasi yan si Jane and Aries na taga somewhere along the road of Manila eh may baby na pinangalanan nilang Baby Arjan. Oh alam niyo na kung saan nakuha ni baby boy ang pangalan niya ah. Tapos, insert scenes of kahirapan and how they make babies along the road. Nakakaloka pero mukhang exciting. Haha! PLUS, mga intense takbuhan at ang talamak na snatch game sa Maynila. You know the usual happenings around the Metro portrayed by Media. Ganun.

Pamilya Ordinaryo : Rated SPG Review

So ito na nga, isang araw may baklang numenok kay baby Arjan. Alok-alok pa itong si bakla ng loan at mga kung anik-anik na bagay. Sa totoo lang ineexpect ko na siyang mangyari, kaya pota, mas lalo ako kinakabahan sa mga desisyon nitong si Jane na 16 years old palang. Ang pangalan ni bakla si Ertha. Si Ertha na bumago ng pagtingin ko sa mga baklang nakadamit pambabae. Hindi nga lahat ng bakla ay mababait sabi nung kalbong guard sa supermarket.

Pamilya Ordinaryo : Rated SPG Review

Nagtataka lang talaga ako dito sa mag-syotang ito. Sa dami ng puwedeng gamiting words para idescribe si Ertha sa mga taong pinagtatanungan nila kung nakita si Baby Arjan, bakit Baklang Naka-pula na may hawak na bata lang ang lagi nilang tanong? Puwede namang may nakita po ba kayong "Baklang mahaba ang buhok na may magandang pilikmata na nakapula"? ganern. Pero hindi ko talaga sila masisisi.

Pamilya Ordinaryo : Rated SPG Review

Matapos mawala si Baby Arjan, dun na nagsimula ang struggle ng mga bida. Natakot ako kay Aries kasi alam kong may anger management issues siya pero alam kong papalipasin niya lang yun at tama nga ako, nakipagkantutan ulit ang mokong kay Jane. Palitan na lang daw nila ang baby pero hindi yun ganun-ganun lang para kay Jane. masakit sa kaniya iyon bilang ina. Hindi naman si Aries ang nagdadalang tao at umiire pag andiyan na. Ika nga ng nanay ni Jane, tamod lang ang puhunan ni Aries. Pabigat ng pabigat yung mga eksena to a certain point na gusto ko na sumigaw, kaso kasama ko mga kabaro kong si Inday Jill at Ditay. Nakakawala sila ng momentum haha!

Pamilya Ordinaryo : Rated SPG Review

 Nakakainis na masyado ako affected sa istorya. Nakakapikon na sila yung dapat na magnanakaw pero sila yung bigtime na nanakawan. Tang ina ang hirap nun nakakainis, imagine kung paano sila nagsumbong sa pulis. Shit! Mahirap din sa part ko bilang manunuod na nanakawan na nang mga tulad nila na magkaroon ng sympathy pero wala akong choice. Gusto kong torjakin si Chief Police, si Kapitana pati yung mga taga radio station pati yung reporter. Lahat sila parang organized na sindikatong tulong-tulong para di na makita si Baby Arjan.

Lahat ng characters sa istorya pinabibigat yung bawat eksena. Walang tapon. Lahat may kasalanan kay Baby Arjan. Wala talagang gustong tumulong kasi masyadong mabilis ang takbo ng mundo lahat gusto sumabay at makiuso. Nakakalungkot. Nawala ang tiwala ko sa lahat ng dapat kong pagkatiwalaaan sa lipunan. Inilagay talaga ako ng direktor at cinematographer ng pamilya ordinaryo sa maruruming tsinelas nila Aries at Jane. Hindi ko sila masisi. Alam kong ganun din ang gagawin ko kapag nasa kalagayan nila ako. Henyo ang pagkaka-tahi ng istorya dahil sa gumuguhit ito sa laman ng manonood or ewan ko, baka ako lang.

Pamilya Ordinaryo : Rated SPG Review

Ang galing umarte ng mga tropapips ni Aries. Ganung-ganun ako nung bata pa ako kasama mga kalaro ko (less singhot ng rugby ah, masarap magluto tatay ko eh). Hasmine Kilip's portrayal of an imature mom gives justice to the character. Walng biro ganung ganun talaga pati yung boses. Shit! Naalala ko mga kapit bahay ko. Si Ronwaldo Martin, nakakaloka ang skills sa pag-akyat ng mga bakod. Iba dai!

Pamilya Ordinaryo : Rated SPG Review

Hindi ako makahinga ng maayos sa mga sumunod na cctv shots. Gusto ko na makita si Baby Arjan kahit alam kong imposible. Isa itong pelikula na hindi kailangan ng bonggang sound effects para maramdaman mong horror at suspense thriller ang mga eksenang pinapanood mo.

Pamilya Ordinaryo : Rated SPG Review

Bakit kailangan mo mapanood ang Pamilya Ordinaryo? Kasi ganito ang tunay na love team. Tang ina kantutan kung kantutan. Realistic tsong! Pakyu ka kapag di ka nanood tas makita-kita kitang nakapila sa Suicide Squad. Pakyu talaga papatorjak kita.

PS

Hindi ko alam kung sinasadya ni SM Megamall Cinema 11 yun eh, pero mainit sa loob ng sinehan ah. Mas lalo ko tuloy naramdaman yung init ng mga eksena sa palabas. Tapos parang walang paki yung mga staff sa labas kasi pinoy film ni wala man lang poster. Hindot!

4 comments:

Suicide Squad : My Suicidal take

8/04/2016 Japhet 0 Comments


Read at your own risk!

Dapat talaga ang papanuorin ko ay "How to be yours", pero hindi ko alam at ang bilis ng mga pangyayari at wala na siya agad sa sinehan. Natabunan na siya ng Suicide Squad so it leaves me no choice but to watch it sa BGC cinema. Diba ang daming sinehan na malapit sakin? Anyway, ito na nga, gusto ko rin namang mapanuod ito dahil sa tatlong characters na bet na bet ko talaga. Una si Joker, inaabangan ko talaga interpretation ng poging poging si Jared Letto, pangalawa si Inday Margot as Harley Quinn, naloka kasi ako sa kaniya sa trailer and plakado naman kasi talaga siya sa comics and last na talagang idol ko talaga siya to the highest level ay si Ante Viola Davis. 

May nakapag sabi sa akin na somehow ma-icocompare ko raw itong suicide squad sa guardians of the galaxy because of the nostalgic music na ginamit, pero dai, waley. Parang andaming missed opportunities ng movie. Andami kong tanong at panghihinayang. Pakiramdam ko hindi naisalba ni Ante Viola at iba pang artista yung pelikula kahit gaano sila kagaling umarte. Nakakalungkot kahit narining ko si Panic at the disco, Eminem, Lesley Gore and ante Etta James.

Ganito kasi nagsimula ang lahat, naalala niyo na teggy (namatay) si Superman sa Batman VS Superman na movie diba? Oh ehdi walang bida-bidang super hero bukod kay batman na kasalukuyang ina-assemble ang justice league, diyan pumasok si Ante Viola as Amanda Waller. Ang lupet talaga umarte ni Ante. Biruin mo nagawa niyang kumain ng hindi well done na steak habang dinidiscuss dun sa general yung plano niyang buuin ang squad niya ng mga bad guys. Ewan ko ah pero feeling ko nung pine-present na yung squad, para akong bumalik sa pagkabata. Para akong nanunuod ng power rangers, lalo na yung kay Will Smith, haha! So ito na, dahil walang hero naisipan ni Ante Viola na the best way para may kumalaban sa mga non humans nilang kalaban eh yung mga meta-humans. Ganern! Tamang-tama naman na nung binuo niya yung squad eh itong enchantress na dapat kasama nila eh naka hanap ng way para maging powerful, na hindi ko maintindihan kung paano niya nagawa. Nakakaloka promise! Ito naman kasing si Cara Delevigne bigla bigla nalang nagsasalita pag tulog, at sa lahat ng sasabihin niya "Enchantress" pa talaga. Ayun tuloy nakahanap ng way yung hayup na mangkukulam at bigla siyang naging instant super villain. Ito namang si Ante Viola, bakit kasi nagtatago ng boodoo doll sa bahay na may lamang isa pang enchanted creature na kapatid ni Enchantress. Kamukha pa naman ni Diana ng lights out si enchantress kapag stress siya. So basically ang kalaban dito ay si Enchantress, yung brother niya, at ang kanilang mga sarili. 

Gaya ng typical DC movie, madaming dragging na fight scenes at sabog-sabog at mga lines na di mo akalaing huhugutin nila sa ganung eksena. Talkish beh, pohtek! Ang hindi ko rin talaga magets eh kung ano ba yung bomba na ginamit nila dun sa kapatid ni Enchantress at namatay siya sa isang sabugan at bakit nakipag sword fight pa si Enchantress eh pwede naman siyang di mag-effort. Umeffort na nga siya sa pagsayaw-sayaw at paghalik sa kung sino-sino para mabuild yung army niya tapos ganun lang? Failed talagang villain si Enchantress para sakin. Sayang.

Buti talaga nag-enjoy ako sa love story ni Harley Quinn at Joker. Promise, kinikilig ako kahit ang corny nung script. Ineexpect ko pa naman something sexy and witty yung mga lines nila pero ayun, nauwi ako sa pabebe na usapan na, "do you love me?", "will you die for me?", mga ganun haha! Typical sa akin na naging source of fun si Harley. Sakto lang ika nga nila. I didn't feel Jared Letto's Joker, siguro kasi impressed parin ako sa interpretation ni Uncle Heath Ledger.

Overall, I think Suicide Squad is a film full of bright and promising run-ups without clear direction. The movie feels so empty and lacks the heart to touch its audience. Para nga siyang trailer for justice league or next batman movie. At least, Suicide Squad is definitely more entertaining than Batman VS Superman haha!

So you agree with this post? Chikka your thoughts below.

#JOTG

PS.

Ang dilim ng Bonifacio High Street Cinema Screen, kaazar. ATMOS pa naman tapos andaming englishers na nanunuod. -_-

0 comments:

Lights Out : So Conyo Review

8/01/2016 Japhet 0 Comments


Ito nanaman ako. Pagpasensyahan niyo na pero I can't help but write about this. Bahala kayo diyan mag bash at mag send sa akin ng mga hate PM's. Anyway, may mga spoilers to so wag kang ano. 
Ito na nga, one night, nagdecide na lang ako manood ng lights out sa may uptown mall. You know it's the nearest mall I can get kasi from our house. Haha. Ang alam ko, lights out is originally a short film na jumpscare talaga. Ayan panoorin mo. 


Well, ganyang ganyan nagsimula yung movie featuring ate as the extra, pero sa movie shadow lang yung monster at hindi cute ang itsura niya. Ito kasi yan, si father nagwowork sa isang manequin shop ata yun tapos nag video chat sila ng son niya na si Mart-in. Ganun pala dapat i-pronounce yun. Sabi ni martin yung mom niya daw na si Sophie eh nakikipag usap nanaman sa kung sino. Natapos ang chikahan ng dalawa nung pumasok si ateng bida sa short film. Assistant lang siya dito pero full pack ang make up niya. May nakita siyang mumu pero di siya inano. Dahil dun the assistant decided to go home na lang kasi she's scared. She even warned bossing father to take care. Ayun na, naging nakakatakot na ang mga sumunod na eksena.

Sabi kasi nung dalawa sa likod ko 

"OMG that's scary" 

So nadamay na ko sa nararamdaman nila. Ayun, pinatay nung lintek na anino si father then inintroduce si Rebecca na on-flick ang kilay. Si Rebecca siya ay kapatid ni Martin sa Nanay. Ang pangalan ng nanay nila ay Sophie. Si sophie may sayad nung kabataan niya tapos akala nung magkapatid recurring lang ang kabaliwan ng ina nila kaso one night itong si Martin may nakitang kausap yung mom niya na anino na nakakaloka ang haba ng kuko!

Si anino ang name niya Diana at sa dilim lang siya nag eexist. Pero take note nakakapag travel siya kung saan saan at pak ganern ang sexy niya. Pak girl siguro nga tong si Diana eh. Medyo messy ang hair feeling ko inspired siya sa after sex look. Si diana ang silhouette ng babaeng ayaw mong makasama sa kama. Walang boobs eh tapos kapag tumingin sayo tagos tagusan. Kita mo tuloy yung background. Depende na lang siguro sa taste mo.

"GOSH DON'T GO TO THE DARK" 

Sabi ni kuyang nasa likod ko habang yung eksena tanghaling tapat ata or hapon dun sa bahay nila Martin. Nagalit kasi si ate kay mama na hindi nakakatulog itong si Martin dahil kay Diana. Si mama tuloy inintroduce si Diana sa bagets na kahit ako naman eh matatakot talaga. Biruin mo first meet up niyo sasabunutan ka? Like hello! 

If you want to shout and make kurot kurot with your movie buddy, this is a good film to watch. Kasi marami siyang nakakagulat at exciting na eksena. Pagkakataon mo ng maka tsansing sa crush mo. I think you'll also enjoy it kapag nag-start na yung mga englisher i-predict yung next scene. Para silang naglalaro ng Pinoy henyo in english. 

"Shocks no! There's no light there! OMG, she's going. I TOLD YOU SHE'S GOING THERE!" 

"No way you're going to read that" 

(Reading text on screen aloud) "mulberry blah blah"

"Oh God, here she comes!" 

"She's at your back"

Tang ina ang iingay!

In fairness with uptown mall, I like their cinema projection. Seats are comfortable and hindi lugi ang bayad mo. Sarap pa ng pop corn. 

Balik tayo sa pelikula, so itong bagets na Martin pumunta kay ate niyang si Rebecca sa takot kaso nasundan siya ng hindot na si Diana. Ewan ko ba kung pano nakakapagtravel yung bwisit na yun. Nagawa pang manghila sa ilalim ng kama. Ang di ko mawari dito kay Diana eh bakit at paano niya strategically napapatay ang mga ilaw. Haha! Bago yun may na discover si Becca. Ito palang father ni Martin na nateggi, nagresearch at nalaman niyang itong loka loka niyang asawa eh nakipagkaibigan sa impaktang si diana. Basta panoorin niyo na lang.

Sumugod itong si rebecca, yung fling niyang si bert ba yun or brett ata kasama si Martin kay mama sophie. Kinonfront nila si mama kasi lahat daw naloloka na sa nangyayari. Nakakaloka kasi andaming ilaw sa bahay pero madilim parin. Bakit di na lang kasi mag flourescent lamp mga to tipid pa. Sabagay LED na pala uso ngayon. So yun na nga siyempre expected na natin na yun na yung climax pero iba nakakagulat talaga mga pakulo ni diana. Isa pang pinagtatakahan ko eh bakit kasi di nalang sila matulog ng magkakasama tapos magtabi ng malaking flashlight para di sila galawin ng hayup na dianang yan. 

Sabi nga ni ate sa likod,

"Fuck, why don't you just burn the whole house

Tapos sumagot si englisher na kuya,

"No, burning 1 curtain will light up the whole house, you don't have to burn the entire place"

WAAAGGGIIII!!!

Overall, I like the movie for its effective jump scares. It's fast phase, entertaining and can make sabay with other western horror movies. You know. The story is ok but not as something that you will remember. 

I don't see any sequel for lights out because you know, I was like so scared like ate and kuya who keeps on englishing each other. Syet! 

#JOTG

0 comments:

MUNI-MUNI: What's going inside my head during my visit at Ayala Museum. RATED SPG!

7/31/2016 Japhet 0 Comments

What's going inside my head during my visit at Ayala Museum

Avida partners with Ayala Museum to celebrate Art and Life with "Inspire Every Day" event, I got invited beh. Yey! My focus was to see Philippine gold and to listen to Jerrold Tarog. Heneral Luna, Mangatyanan, Carpool, Faculty and Mariquina fan here haha! 

Sa totoo lang, mixed emotions ako everytime I visit museums. Minsan hindi ko siya gusto minsan naman nababaliw ako gaya ng asong ulol. Alam mo yung bigla na lang ako naiiyak pag tumititig ako sa mga art works na nakasabit sa pader. Iyak leading to hagulgol yun. Kaya when I received the invite, talagang nag focus ako na diretso sa gold tapos diretso kay tarog. Wala nang tingin tingin sa mga emotionally freak artworks dahil masasaktan lang ang puso ko. Andami pa namang tao. Nakakahiya. Kaso, upon entering the vip door bumungad sakin yung painting ni Juan Luna na Lady in the racetrack. Ewan ko ba, bigla na lang talaga ako naiyak so tanong agad ako sa guard kung nasaan ang mga ginto. 

Tinuro naman sakin ni kuya ng may comfort ang mga ginto. Nakita niya kasi siguro yung teary eyes ko kaya sabi niya take care daw ako sa pag-akyat ng hagdan. Nung nandun na ako sa taas napansin ko may elevator pala. Lintsak yun si kuya. 

Sa exclusive room kung nasaan ang mga ginto ng Pilipinas, mura talaga ako ng mura. Sabi ko punyeta ang intricate ng mga designs at ginto ito dai! Ginto! Created 10-13th century bago pa man pumunta yung hindot na Magellan na yun dito na nagsabing wala tayong sibilisasyon. Overwhelmed talaga ako. Naisip ko yung leveling teh. Nakaka-proud. Nakita ko rin dun yung Sacred Thread (sablay) na tang ina gusto ko talaga suotin or basta hawakan kaso may glass haha!

Anyway, naka moved on na ako sa mga gold pero gusto ko bumalik kapag wala na masyadong tao. Nakinig na ako kay Tarog. According to him, curiosity got him started, resilience is what keeps him going. Napa-isip tuloy ako, what keeps me going really? Sabi ko at my age, desperation to be useful is what keeps me going. Pinipilit ko magkaroon ng silbi itong buhay ko para sa sarili ko and para sa iba niyeta. Nag-panic ako nung may student na nagtanong kung ano advice niya sa mga taong hindi mahanap yung niche nila. Sagot ba naman kasi niya, habang bata ka pa daw mag plunge ka lang sa mga bagay na gusto mong gawin tapos kapag medyo tumatanda ka na galingan mo na. Tang ina, eh ako 20 something na tapos hanggang ngayon hindi ko parin alam kung saan ako magaling. Basta alam ko lang ngayon eh gusto ko maging magaling sa pagkukuwento. Gusto ko maging universal yung storytelling ko kaso hindi nga ako maka-perfect ng grammar. Tang ina kasi ng umimbento nun eh. 

#JOTG

0 comments:

Brillante Mendoza's Ma' Rosa at ang aking Rated SPG na nakakalokang film review

7/11/2016 Japhet 0 Comments

#JOTG

Tang ina yan. Gusto ko magpapicture kay Direk kanina pero di ko na kaya yung iyak ko dai.  Nung kinakausap ko yung kaibigan kong naginvite sakin manood feeling ko babagsak na. Speechless ako, malapit na eh. Ayun nauwi akong ngumangawa habang naglalakad sa kahabaan ng Julia Vargas Avenue. Syet beh! Iniisip ko nga kapag biglang may taong nagpahinto sa akin at tatanungin ako kung ok lang ako, di ko alam sasabihin ko pero wala namang huminto sakin. Who the hell cares about a chubby dude wearing blue polo, crying drastically while walking? Syet. 

Anyway, isa ata ako sa mga taong sobrang excited nung nalaman kong magkakaroon ng screening ng Ma' Rosa sa Pilipinas. Eh bat ba? Idol ko itong si Brillante Mendoza. Kinatay, Tirador at Manoro ang ilan sa maraming Filipino films ang naginspire sakin mag kuwento at gumawa ng sarili kong pelikula. Nag-ipon pa nga ako para lang makasama sa film workshop niya pero sadyang masaklap ang kapalaran at laging natataon sa ibang bagay napupunta ang ipon ko. Drama, bahala na lang, kahit mali-mali grammar ko magkukuwento ako sa kahit anong paraan ko puwedeng gawin. Basta hindi ako hihinto sa pag-aaral mag-kuwento sa paraang katulad ng sakanila pero with a touch of Japhet haha. May something kasi sa mga eksenang shaky, blurred at close up niya na nagpapatindig ng balahibo ko (Oo balahibo lang muna) at nagpapahiwaga ng lahat. Tapos isipin mo si Armando Lao pa mentor niya. Waaahhh patayin niyo na ako. Andami ko ng kuda, punta tayo kay Aling Rosa (Ma' Rosa)

Grocery Shit

Relate na relate ako sa unang scene na yung mga hindot na grocery stores pinapalitan ng candy yung 25 cents na sukli. Tama lang na magreklamo si Aling Rosa! Kampi ako sakaniya dun. Tae. 

Si Aling Rosa, parang yung kapit bahay ko. Napagkakasya niya ang sampung putang ina in one sentence. Wag ka, may kasama pang gago yun. Kaya naman no wonder yung mga anak niya na si Jackson, Kerwin at Raquel eh wagas din ang lutong ng pagmumura. Pero hindi yun ang issue dito, ang issue dito yung drugs.Yung drugs na ninenegosyo ni Aling Rosa at ng asawa niyang si Nestor na binili nila kay Jomar na galing pala kay Major. Kung sino yung major na yun malalaman mo kapag nanood ka. Isang gabi na-raid si Aling Rosa. Dinala siya sa presinto kasama si Nestor na bukod sa pusher, user din. Dahil parehas nasa presinto ang mag-asawa, walang choice ang mga bagets nila kundi ang mag-join force para mapalaya ang kanilang mga magulang.

#JOTG

Ang mata ni Aling Rosa

Nyeta talaga! Isang eksena na pumatay talaga sa akin eh yung nakatitig si Aling Rosa sa mga batang nag-aayos ng mga bote ng softdrinks. Ihing-ihi na ako sa mga panahong ito eh pero kinakaya ko beh. Ang hirap tumayo sa kinauupuan mo kasi alam mong pag umihi ka may mamimiss ka. Double kill ako dun sa eksenang nniraid sila tas nilabas si Aling Rosa at Nestor sa bahay. Para akong double dead na baboy na gustong magwala. Ang sarap dukutin ng mga mata ni Jaclyn Jose para lang malaman mo kung ano yung sinasabi niya. Sa buong pelikula yung mga titig niya ang magbabato sayo ng dialogue. Para siyang si Professor X na nakikipag usap sayo. Cerebral beh! Hindi totoong yung fishball scene lang siya magaling! Putcha beh! HINDEE!!! Kakatayin ka ni Jaclyn Jose sa buong pelikula! Yung Best Actress niya sa Cannes kulang pa yun! waaaaahhh!!!

Segway

Ito kasi yan, July 6 nag-premiere ang Ma'Rosa dito, sabi ko manonood ako. July 7, 8, 9 andaming nangyari sa buhay ko. Huwag ko na isa-isahin mahaba masyado. July 10, sabi ko this is it kaso bukod sa rehearsals may deadline pala ako kinabukasan. July 11 sabi ko kapag natapos ko yung deadline ng sinusulat kong script (raket yun) manonood ako, eh hindi nagustuhan ng client so may revise. Nalungkot ako beh. Hanggang sa nag PM sakin yung friend ko. Nakasakay ako nun sa sasakyan, napamura talaga ako ng malutong. Gusto kong hampasin si kuyang driver kaso baka gumanti siya at suntukin niya ako. Tamang-tama na nandun ako sa location tapos feeling ko akma ang suot ko sa blocked screening so OO agad ako. Sobrang excited ko 4PM andun na agad ako. Nawala talaga sa isip ko yung raket eh. 

....going back sorry na!

#JOTG

Junakis to the rescue

Badtrip talaga ako eh. Come to the rescue na ang mga anak ni Aling Rosa at Nestor. Pupunta na sila kay Baldo, nang biglang naramdaman ko yung ihi ko. Tumakbo talaga ako ng mabilis habang nakaharap sa screen papuntang CR. Napansin ko andami palang artista ang nanonood. Nasa 3rd row center kasi ako ng sinehan. Basta alam ko yung namiss kong eksena eh nung humingi ng tulong yung 3 at pumunta sila sa production house ni Brillante Mendoza sa Mandaluyong, Haha! Pagbalik ko galing CR, palabas na sila, olats, kasi wala yung hinahanap nila. Nauwi ang mga junakis sa paglunok ng pride (hindi yung sabon), pagbebenta ng gamit at pati na rin ang sarili. Nakakaloka! 

#JOTG
POTAH KA DAHLIA!
Si Dahlia at ang barbeque ni Apeng

Isa sa mga kinaiinisan ko eh si Dahlia. Tang ina niya. Effortless yung pagiging nakakainis niya. Bright ang future ng batang ito. Siya ang nagpapagaan sa pelikula, pero nakakainis parin siya. Actually naiinis ako sa lahat ng nangyayari sa pelikula kasi masyadong totoo. Ang di ko lang maipaliwanag eh kung paano naging bente ang pera ni Dahlia sa 7/11 eh isang daan yung binigay sa kaniya. Siguro bumili na siya ng mani hindi ko lang nakita. Hindi ko rin ma-explain bakit pumayag si Aling Rosa na kunin ang mga isaw ni Apeng na pre-cooked. Sana pinainit man lang niya. Nung nasa squatter pa kami nakatira hindi puwedeng hindi iinitin yun. Tutusukin ko ng stick sa mata yung nagluluto. 

#JOTG


#JOTG

Si Brillante ay isang himala ng panahon

Sabihan niyo na ako na bias pero mas pipiliin ko ang alternative cinema kaysa sa Star Cinema. Gaya nitong Ma'Rosa, kakaiba yung feeling na nagmamaterialize sa screen. Kulang na lang amoy andun ka na. Hindi mo kailangan ng 3D glasses beh. Brillante Mendoza's Ma Rosa is the real deal horror of life. Ma' Rosa will not just tell you a story, it will possess you with different feelings, It will haunt you. Taray ng mga sinabi ko no? Pero totoo. Magugulat ka, kasi ito yung mga bagay na alam na natin eh. Nadadaanan natin, naririnig natin, napaguusapan natin, pero we just don't care. Mas gugustuhin natin wag mangi-alam. Mas gugustuhin nating hayaan na lang at mag FB (syet naisip ko nanaman si Dahlia)

Sabi nga ni Desmond Tutu

"If you are neutral in situations of injustice, you have chosen the side of the oppressor."  Pakyu ka Dahlia!

Ewan ko rin eh, pero ganun ba talaga? Ma' Rosa is now on a brink of being pulled out from cinemas kasi wala masyado nanunuod. I encourage you to watch this film asap! Tara na! Sa Thursday manunuod ulit ako. 

Keri? 

#JOTG

0 comments:

Muni-Muni: The Epitome of a Pak Girl

7/06/2016 Japhet 2 Comments


I was riding a Jeepney one afternoon galing sa Market-Market, isa sa mga malls na ilang tumbling lang sa bahay namin, nang may nakasabay akong 2 pak girls.

Ang pak girl ay isang uri ng babaeng pak na pak sa lahat ng bagay. Itsura, Pak! Pananamit, Pak! Pag-uugali, Pak! Ngayon kung tatanungin mo ko kung negative ba or positive ang term na ito, eh nasa iyo yan. Nasa paraan nang taong nagpa-Pak. Hindi ko sure kung it sounded well sayo pero try mo. Parang Millennial na term lang, hindi mo alam kung mao- offend ka ba or matutuwa ka kapag tinawag kang ganun. Ang mga pak girls ay madalas nakikitang naglalakad sa mga sosyaling lugar sa saliw ng musikang "Who Run The World?". 

Balik tayo sa jeep. I was sitting beside the pak girls hawak hawak yung binili kong pancit from buddys habang nakikinig sa Jackson 5 na kanta nung bigla nagsalita si Pak girl 1

"Kuuuyyyaaa, are we in Venice Piaza na?".

"Lagpas na kayo hindi na yun dadaan dito" sabi ni kuyang passenger na naka green.

"WHAT? Da hell kuya drayver?" ganiyan sumagot si Pak girl 2 ah sinulat ko lang habang patuloy na kumukuda si Pak Girl 1 sa english na di ko talaga magets sinasabi niya.

"Balik ko na lang ho yung binayad niyo pasensya na hindi naman kayo nagsabi na kailangan kayo ibaba dun" sabi ng very apologetic na driver.

"So fault pa pala namin? OMG! Ikaw yung driver eh you should have shouted na we're already in Venice."

 Pakshet! Napatanggal talaga ako ng earpiece at napatingin ng masama kay Pak girl 1. Inabot ni manong driver yung binayad ng dalawang Pakgirl.

"Fak naman kuya eh. Sabi ko na eh, kaya pala hang hugly na nahng place eh", remark ni pak girl 2 sa kalayaan ave paglagpas lang ng uptown mall. 

Sa irita ko sa dalawa, ako ang nag abot ng sukli nila "Bumaba na kayo, sumakay na lang kayo ng c5 na jeep, ayan oh, tapos sabihin niyo ibaba kayo ng mckinley".

"OMG!" "I knew this is soo going to happen. So stupid of you manong driver" kuda ng dalawa habang bumababa ng jeep.

"You're welcome ah" sabat ko.

Pakshet sinabihan mo nga ng gagawin sa problema nila hindi man lang nag thank you. So ayun na, umandar yung jeep namin habang naiwan kaming mga pasaherong natatawa sa mga pak girls. Napansin ko bigla na the Pak Girls are going to the wrong direction. Ang linaw-linaw naman nung sinabi ko tinuro ko pa yung jeep na sasakyan pero naglalakad sila in their high heels sa maling sakayan. Akmang sisigawan ko na yung dalawa ng pigilan ako ni ateng naka blue na katabi ko lang. "Hayaan mo na yang mga yan ng matuto".

"Kawawa naman po" sabi ng mabait na ako.

"Minsan yung mga taong ganiyan ang ugali, malalaman lang nilang mali ang ginawa nila kapag may masama ng nangyari sakanila. Hayaan mo na, ginawa mo nanaman dapat mong gawin." Hindi talagang ganiyan ang sinabi ni ate, ako lang may gawa niyan para maganda basahin haha. Ang sabi niya talaga "sus yaan mo yang mga dimunyong yan. 

Umandar na yung jeep. Nakababa na ko sa dapat kong babaan. Pakshet, naalala ko hindi pala ako nakapag bayad sa jeep. 

#JOTG

2 comments:

Marathon turned Lakadthon with me and menggay Mimi

7/06/2016 Japhet 0 Comments


#JOTG

I'm still suffering from the pain this event caused me. Not from running but from carrying heavy goodies they gave us after. Ang bigat talaga beh! Pero sino bang hindi gusto ng ganun. Biruin mo magkano lang niregister mo tapos may grocery supply ka na after. Takte! The best bhe!

#JOTG
Shet ang sarap ko dito. #Loveyourself
Robinsons Supermarket wellness run happened last sunday sa BGC. Ilang tumbling mula sa amin kaya talaga namang nag-join force ako. Since I can't leave mimi (my choco lab) sa bahay with Noggy (in heat kasi baka mag kember sila) sinama ko na lang siya. Martin of www.martinjohnandrade.com was supposed to be my running buddy but since mimiyonce is with me, naitsapwera siya. Ayun naging third wheel siya ng mga running couples. 

Hi I'm Martin my skills include professional third wheeling and Instagramming. Lol! 
Posted by Martin Andrade on Saturday, 2 July 2016

The event was filled with activities na di lang pang pamilya pang sports pa. Ay susme. Kaso ayun nga, bokya talaga ako sa mga takbo takbo na yan. I don't think I'm fit to run 5k kaya gaya ng nakararami, lakadthon ang drama ko. Hahaha! Tingin ko nga itong si mimi eh napagod kalalakad eh kasi di ko siya itinakbo. 

Marami pa namang health and wellness campaign ang Robinsons Supermarket ngayong July 2016 so I guess itatry ko na lang yung iba haha! Para updated kayo, just like their fan page at www.facebook.com/RobinsonsSupermarketOfficial

Keri? 

#JOTG

0 comments:

My Pursuit for the Santorini in Asia

6/23/2016 Japhet 1 Comments

My Pursuit for the Santorini in Asia

There are days when you wonder what it’s like to be with the Gods. I want to attain a certain ethereal feeling but paradoxically I don’t want to die. I don’t want to leave this planet. No, not yet! Instead of inhaling solvents and feel as light as a feather, (which I may have done if I never learned how to draw many years ago) I prefer to breathe the divinity of air. Hence I travel to places.

groundbreaking

My most recent trip was in Thunder Bird Poro Point in San Fernando La Union. It’s a 5-6 hours drive from Manila and 3-4 km away from the San Fernando Airport. My reason for being there is because they invited me along with other bloggers and traditional media to witness the groundbreaking for their additional 47 villas, as they vouch for being the “Santorini of Asia”. Aside from this, they have also opened two new food outlets – an Asian-Mediterranean restaurant, Ouzo Restaurant, and deli Pianosa CafĂ©. 

#JOTG

Their expansion plan includes a Zen garden with a huge pond, a semi-Olympic size infinity pool, a romantic park and more amenities that promises a sure Santorini experience, all these, by the end of September this year.

My Pursuit for the Santorini in Asia

My Pursuit for the Santorini in Asia
the tower plus the west Ph sea
My Pursuit for the Santorini in Asia
aaaggghhh...it's trying to provoke me!
My Pursuit for the Santorini in Asia
window view
While everything is still a plan, we managed to stay overnight and get the first taste of Santorini in Asia. One I always look forward to traveling, experiencing things for the first time, like a virgin. Charot! Kidding aside, seeing the West Philippine Sea feels like saying hello to my creator. It looks empty, dark, but beautiful. It gives you a sense of fear yet you badly want to inhale its breeze – energizing, enigmatic.


My Pursuit for the Santorini in Asia
The color killed me so I took a shot
My Pursuit for the Santorini in Asia
Messy bed means...never mind.
I managed to stay alone in a deluxe room that is ideally for 4 persons. Funny thing is that I feel so at home I watched horror movies just to kill time. The room is complete with everything you need from wifi access to television, DVD player (heck), LAN port (yeah I need that), safety box, what else?


Thunderbird Resort Poro point is a 65-hectare land that you need to explore for more than a day or two. There are a lot of areas that will make you want to just sit and chill, forget about the world and dream. It’s a place to get inspired and a place to be when you are in the North of Luzon.

APRUB!

#JOTG



PS. The Sunset is to die for! 

Do you agree with this post? Have you been to Thunderbird Poro Point before? Comment your thoughts below. 

More Photos here:


1 comments:

Chelsea Kitchen's Mushroom Chicharon, Pour-over Coffee, and Kitchen Scramble Review

5/24/2016 Japhet 0 Comments


Hello, guys! It's been a while since I posted here on my blog. I've been very busy editing videos for my youtube channel and some other side jobs. The summer season is officially over as DOST has just announced that thunderstorms are coming. Thus, I decided to end the season with a nice foodie trip.


Last week we headed to SM Megamall to try out Chelsea Kitchen and made our own mirienda package. You know we just invented the package right? And there's no such thing in their menu...cool, we're good.

Chelsea Kitchen is an open restaurant inside SM Megamall. They offer fancy meals that are a sure treat for every food lovers out there. My personal favorite out of all the items we ordered is the mouth melting Mushroom Chicharon, the awesome pour-over coffee, and the Kitchen Scramble that just upgraded my childhood memories. LOL! A mixture of hot and cold treats like this weather. ARGH!


Let's start this trip with the Mushroom Chicharon. At first glance, I was a bit disappointed. I'm a fan of Ping Gu Mushrooms so I can't help but compare their looks. The real difference comes with the texture. This Mushroom Chicharon has this crispiness that easily vanishes inside your mouth. I love that it's not a pain in the mouth when you're eating it. 



The Pour-over coffee is one thing that I'll look forward to the next time I visit Chelsea Kitchen. This thing that keeps me caffeinated the whole time has something to offer for non-coffee lovers out there. Not too strong, not too sweet, it's up to you really on how you would want to customize your drink. Aside from the usual aroma, it's really the smooth taste of this coffee that made me love it. It's funny, but I mixed the side choc nut to my coffee just to experiment and it tastes good! Haha!



To end our mirienda, they served us the famous Kitchen Scramble. You know the ice scramble you used to buy outside your school when we were young? That's it, but this one is upgraded to the maximum level. It's like a death squad of everything sweet from your childhood memory. From wafer sticks to gummy bears,  the kitchen scramble is a memorabilia meal that everybody can relate to. 

Aside from this we also tried Truffled gravy fresh cut fries (a new slice to your common french fries), Chili lime chicken and chorizo nachos, Teddy bears Iced latte and some other refreshments. 

If you want to know more about Chelsea Kitchen and their fancy meals you may visit their facebook fan page here: https://goo.gl/UkDy5U

#JOTG 

0 comments:

Buku Buku Kafe: Down South New Indie Haven

5/15/2016 Japhet 0 Comments


We millennials keep on finding places to stage our abilities. To whatever platform, we exercise our creative freedom. That is why it is very amusing that many establishments nowadays are becoming more and more versatile to our generation. Down south, I discovered a new haven. They call it the Buku Buku Kafe.



The Buku Buku Kafe,  is a concept restaurant located on the ground floor of The District mall in daang hari Imus Cavite. Buku-Buku is a Bahasa term for many,many books. According to the creative owners, the concept was inspired by their travels across Asia, Europe, and America. 



I like how the place can be very interactive. They have a reading corner for bookworms and a spot where you can play board games. Yey! I am looking forward to the Sungka bench and hopefully a tournament. Haha! The whole place is very appealing to the eye and not intimidating. It felt like I was a child again. I want to jump from corner to corner of that place to explore. They have collector item komiks that are not pretty usual to mainstream bookstores.




It's pretty much an experimental box for people who wants to move things and set up for their arts. It's a nice place for a band performance, film screening, poetry reading, or even if you're just shooting a creative Instagram photo. The restaurant also comes with a bar and an outdoor space for performances or works that cannot be accommodated indoors. Yes! A bar, meaning they serve alcoholic drinks. Congrats! 



The food is another thing for this concept restaurant. They serve fresh, killer salad that everyone must try. I love how they combined green mango with basil and raisins with basil, or I guess I just love everything they serve with basil. Lol! 


Kidding aside, another favorite that you should try when you pay a visit is their Beef Brisket Tapa. It is so soft and juicy, sweet and can be spicy and the aroma... oooh how do I describe something that is beyond words? I have these thoughts that inside their kitchen is a big hidden herbal garden where they pick the herbs, wash it with divine water and put on our meal. That's how crunchy fresh their herbs are. 


Buku Buku Kafe is a sure haven for ingenious brains from the south. Anyone can be inspired and get creative with this kind of place. The owners are very open and supportive to artistic ideas so there's no way you can't find your thing on board.  Here's a piece of advice, stop reading this post, get creative, and be there! You're welcome!

0 comments: