Pagkatapos manuod ng Heneral Luna, ang nasabi ko lang P*74N6 !N4!!!

9/19/2015 Japhet 0 Comments

#JOTG

Magdadalawang araw na ang nakakalipas pero hindi parin ako makapaniwala sa pinanuod ko. Sabihin niyo ng may sayad ako pero wala akong paki-alam sa nararamdaman niyo. Lubos akong na-apektuhan ng pelikulang Heneral Luna. 
Ito yung mga pelikulang pipilitin ka at hindi pwedeng wala kang gawin pagkatapos.

#JOTG

Gusto kong biglang sirain ang buhay ko. Mag-resign sa trabaho at tumigil na sa pagsisilbi sa mga dayuhan kahit na ito ang dahilan kung bakit ako nakakapagbayad ng bills ko na kung iisipin mo, pag-aari rin din nila. -_- TAE!

Iniisip ko, bakit ako masyadong praning? Kagaya ba ng nasa pelikula ang sitwasyon ng bansa ngayon? At sa dinami rami ng mga character na nagsipag-ganap doon, meron bang maikukumpara sa kalagayan ko? TAE! Meron. 

#JOTG

Yung mga Pilipino na basta lang mabuhay ay gagawin ang lahat kahit na matapakan ang sarili nilang pagkatao. Pagkatapos ng pelikula, nakapako ako sa upuan ko. Gusto kong sumigaw. Natapos na yung credits pero nakaupo parin ako doon. Hindi ako makapaniwala. 

Nag-iisip ako na kahit anong oras ay pwede akong mamatay. Ano na bang nagawa ko para sa sarili ko at sa kapwa ko? Hanggang kailan ako uupo sa office namin para payamanin ang boss ko? 

Hindi ko alam kung mapapakain ako ng prinsipyo ko, pero kung hindi, magtatanim na lang siguro ako. 

0 comments: