5 Signos na nagsasabing Mataba ka na

9/21/2015 Japhet 0 Comments


Isang araw nahirapan akong buhatin si mimi. Pag tingin ko sa picture na ito, narealized ko kung bakit siya tumaba ng ganun. Tumaba na rin pala ako ng sobra. Ano nga ba ang mga signos na hindi ko napansin noong nagtatransform kami sa ganitong anyo.





Una, pilit mong tinatanong ang labandera ng mga damit mo kung paano sila naglalaba at bakit parang bigla biglang lumiliit ang mga damit mo. #mayproblemaka


Pangalawa, hindi butas ang bubong ng bahay o kisame ng opisina niyo. Sadyang basang basa ka lang dahil sa pawis mo. #ilogangpawismoatikawangdalampasigan

Pangatlo, hindi ka stress o depress, sadyang marami na talaga ang inoorder mo. #huwaggawingdahilanangstresseating


Pang apat, walang problema ang camera ng cellphone mo o ang mga kasama mo sa litrato, sadyang bigla ka na lang napupunta sa likod pag wide shot ang group pic niyo. #umiimbisibol 


Pang lima, akala mo hinihingal ka dahil matanda ka na, yun pala ay dahil nabibigatan ka sa iyong dala-dala #beltbagpamore 



0 comments: